Saturday, August 05, 2006

Random Attack

Hey!

Mejo nahassel ako sa school. Wala pa rin akong natututunan. Laging wala yung teacher namin. Dapat yata Health Informatics na alng pinili kong stream. As usual, dahli stressed ako, kelangan ko nanamang maghanap ng mga bagay na ikagagaan ng pakiramdam ko, mga bagay na nagappasaya sa akin kahit panandalian lang. Bakit? Kelangan ko kasing maretain yung aking paniwala na masarap mabuhay. :)

Madalas masakit ulo koooooooooooooooooo, ewan ko ba kung dahil sa pagppuyat ko o dahil sa exams o dahl sa schedules kong kabighabighani. anyway...



ang saya magkaanak no? yun bang tuturuan mo sila ng mga bagaybagay, tuturuan mo silang matuto ng colors! ng beautiful eyes! ng meron akong lobo lumipad sa langit! ng close open! ng apir!, diba diba? Wala lang, isang araw kasi nakita ko sina E-em, JC at Christine (mga anak ng pinsan ko), kasama si Ate Alot. Tas wala lang ang cutecute nilang tingnan hahaha nakauniform sila at papapasok sa eskwela wahooooooooooo wala lang napangiti lang ako.

ang ulan, masarap pag umuulan!!!!! tsaka pag papasok ako sa eskwela, at nagaabang ng masasakyan at sobrang madaling araw mga 530 or 6 omagad, sobrang sarap ng hangin kapag ganung time, parang cottoncandy... haha. tsaka yung after the storm, maganda tumingin sa paligid, makikita mo na yung tubig ay dumadaloy sa mga kalsada (pababa kasi samin mejo may slope...) tas maiisip mo parang hinugasan niya yung maruming paligid. :)

si ma! natutuwa ako kay ma, haha... ganito kasi yun. habang kumakain kami nagkwento si venoc.

Venoc: Si Uday, hindi marunong magenglish nageenglishan sila nila Diday at Marjorie habang naglalaro tas si Uday ang kaya lang niyang sabihin "No", "Yes". Hahahaha. Mga normal words lang.
Ma: Ano gusto mong sbaihin niya abnormal words?

//hahahaha nakakatawa kaya... i secretly laughed at that one hehe

Lately nga pala, pinagsabihan ako ni ma, di na raw ako nagdarasal... a uu... naalala ko yung nabasa ko dati. Sa heaven, busy yung mga angels. may mga ibatibang room. Yung unang room, room kung saan tinatanggap nung mga anghel yung mga wish ng mga tao. Sa ikalawang room, dun naman nila tinutupad yung mga wishes ng mga tao, dun nila pinapadala yung mga alagad nilang anghel okay? Yung dalwang room na yun sobrang busy and the angels are working like mad dogs. tas may pangatlong room. Yung room na yun, halos walang activity na nangyayari, isang angel lang yung nandoon. Yung room pala na yun ay ang tanggapan nila ng pasasalamat.... nakakalungkot lang isipin, sa dinamiraming pinapakinggang mga hiling ni Grabe, konti lang nagpapasalamat.

//pero sa totoo lang, mejo bakla tong story na to, marami kayang nagpapasalamat sa kanya. oo. :)

mejo may mga nagbago sa routine ko... lagi na akong nagkakape (dahl malamig at ang sarap magkape pag malamig da best), lagi na akong nagcC2 (lagi akong nags-sneak out sa ref kapag tulog na lahat ng aking family, currently merong sampung C2 container sa ilalim ng kama ko omagad, red and yellow. green is yuck.) which could explain kung bakit mejo wala na akong pakialam sa madidilim na paligid, parang nakaadapt na yung pakiramdam at mata ko haha, 2-3 na ako natutulog gabigabi nooooooooooooo gusto kong ibahin talaga yung bodyclock ko pero mahirap. unanguna, insomniac ako tulad ni Ruth, kahit 10pm ako magsimula matulog, umaabot pa rin ng 1am or 2 or 3 or minsan 4 omagad okey bago ako makatulog, at sobrang nakakaasar yun, imajinin mo limang oras kang nakahiga sa dilim at sinasayang mo ang iyong 5 hours of life. pangalawangpangalwa, walang taong online kapag umaga, kapag gabi meron pa kaya may kausap ako kahit papaano. pangatlong pangatlo, mahirap gumising ng maaga.



GUSTO KO MAGPAHINGA HIHIGA AKO BUONG MAGHAPON AT SANA WAG AKONG PAGALITAN NI PA AT ISANG ARAW AKONG HIHIGA OKEY WALANG IISTORBO TAS PAPAKIRAMDAMAN KO YUNG SAPIN NG KAMA AT ITOY MASARAP SA APKIRAMDAM HABANG SUMISINAG ANG ARAW SA BINTANA AT MAY MGA DEW PA SA MGA HALAMAN SA LABAS AT KAHIT MAGISING NA AKO AY HIHIGA LANG KO DUN OKEY WALA NA SILANG PAKE KAHIT GISINGIN PA AKO NI JOMAR O KAYA NI JOHN LERRY NO I WILL JUST LAY HERE AND THINK ABOUT HOW BEAUTIFUL LIFE IS OKAY BUTI BUHAY AKO WAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO ANG SARAP MABUHAY SIGE HANGIN IHIP KA LANG HANGGANG SA TANGAYIN MO LAHAT NG MASASAMANG PAKIRAMDAM KO I WILL BE A BETTER PERSON PAGTAYO KO RITO MABABAWASAN LAHAT NG NEGATIVE TRAITS KO AT LALO KONG MAKIKITA KUNG GAANO KAGANDA ANG MUNDO OKEY EXCEPT SA POLLUTION OKEY WALA AKONG PAKIALAM SA SCHOOL HASSEL LANG YAN LET US LIVE LIKE FISHERMAN IN AN ISOLATED ISLAND WHERE WE CAN CATCH BOUNTIFUL OF FISHES AND KRAKENS AND THE WAVES WILL GREET US EVERY MORNING AS THE OCEAN GLIMMERS TO WELCOME OUR GENTLE PRESENCE OKAY TAPOS MAKUKUNTENTO NA TAYO DUN WALANG MAKINA WALANG HASSEL WALANG PATAYAN WALANG PERA LAHAT SIMPLE LANG BUT IT IS STILL OKAY DIBA YUNG ANG TUNAY NA PARADISE BASTA KASAMA MO MGA MAHAL MO SA BUHAY OKEY AT NAGLALARO KAYO NG TTA O KAYA NAMAN NG TAGUTAGUAN AT MAKIKITA MO YUNG MGA BATA MASASAYA AT MAGANDA ANG TANAWIN NG BUNDOK SA MAY KANAN YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO BUTI NA LANG BUHAY TAYO. :)

1 Comments:

At 6:47 AM, Anonymous Anonymous said...

Enjoyed a lot! » » »

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com