Okey, isang gabi, nagkekwentuhan sina ma, ja at venoc habang nanonood ng TV at di ko napigilang makisama kasi nakakatawa uyng pinagkekwentuhan nila...
Venoc: Magkasama talaga yung dalwang yun sa kalokohan e.
Tinutukoy niya ang aking pinsan na sina Eloy at Bembem. Magkapatid sila at kuya nila si Janjan the Panjan (lima silang magkakapatid, in descending order... si Janjan the Panjan, Eloy the Peloy, Bembem the Pembem, American Diday, Bingkoy the Pingkoy) , mejo baklain kong pinsan pero gwapo at lalake raw sha sabi niya.
Ganito kasi yun, nangupet si Bembem ng 50 pesos sa kanyan mama. At ang pinagbentangan ng mama niya ay si Eloy. Nagalit si Eloy kay Bembem at kailangang aminin niya sa mama niya na sha ang nangupit kung hindi lagot siya sa kuya Eloy niya. And this is what Bembem the Pembem did.
Nagsulat sha sa may dingding malapit sa hagdanan nila:
SUlat. TaAs sa GiLid nG HAgDaN.Tapos pag inakyat mo raw yung hagdan, may sulat pa dun na ganito ang nakalagay.
Ma, ako TaLagA anG nanGupIt ng 50 PeSoS. PatAwaRin NiyO na AkO. LaGyAn Ng TsEk pag PinApaTawad Mo nA aKo, Eks nAmaN kunG hIndI. tas may box na katabi na paglalagyan naman ng answer nung mama niya.
ang answer ng mama niya? di niya sinagutan... pinagalitan pa niya lalo si Bembem for writing on the walls. Hahahaha... Snap talaga kaming apat habang nagkekwentuhan nun. Tawa kami ng tawa lokoloko kasi si Bembem haha. Ginawa ba namang treasurehunt/questionnaire yung dingding... HAHAHAHAHAHAHAHA :)
Tas may isang time pa raw...
Sa Santacruzan sa barangay nila raw.
Naguusap raw si Tita Judith (mama nila janjan eloy at bembem at diday at bingkoy) at ang mga amiga niya. Tas naguusap-usap raw sila na partner-partneran ng anak sa santacruzan.
SAbi raw ni
Amiga: Partner natin anak natin, ay ang bait naman ng anak mo.
Tita Judith: Oo nga mababait talaga yang mga anak ko, pinalaki ko silang ganyan.
Yun raw yung kwento ni Tita Judith kay Ja... ang kwento naman ni Bembem kay Ja ay:
Bembem: Takte ampapangit ng kapartner namin. Mga mukhang tae.
Hahahahaha... Totoo sha e :)
Tawa talaga kami ng tawa, mukang tae amp. haha.