Tuesday, December 12, 2006

12-A-K

pag kumanta na si Kaye, at ang Switch function, nahulog mula sa langit, gumasgas ka sa lupa at naubusan ka ng kwento... naaalala ko si Laurice, kung paano ako nagkamali noon, nung tinanong ko ang kanyang stage... ilang linggong kausap ko si Jalene (hi jalene, miss you), na kanyang groupmate sa Tech Prep, at ang fulcrum ang nagligtas sa aking buhay. Masaya magkakaibigan, at lalo na kung panibagong simula. Naalala ko rin si <ly (leslie), at kung paano ko nawala ang singsing ng lola niya, at kung paanong simula nun ay hindi na kami nagpansinan, kung paano ako nawalan ng kaibigan.

pag ang pinakatatangi mong stellazio na ang nagdamot sa iyo ng ilaw, di mo maiiwasang gumawa ng kristal, kristal na halul. At ang tangi mong kapatid na lang ang makukuhanan mo ng paliwanag, at nagovernight pa siya ng dalawang magkasunod na araw sa school, wala ka ng ibang kasama kundi ang unan mong orange. At wala ka nang maisulat pa sa iyong iginuhit, isang salita na lang na sana'y makabuluhan. Isang salita na lang na sana'y pagbigyan, isang salita na lang na sana'y maintindihan. At hindi mo pa alam kung papaano itatago, kung papaano papagandahin, ingatan mo sana at wag mong ibabalibag ang bag mo, kailangang maipadama mo na ngayong pasko, dapat masaya sila.

Nitong mga nakaraang araw, dumalaw si lola, naglinis ng bahay, nagpakalma ng sarili, at ipinagdarasal ko na sana ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Lola Da, hindi tayo ganun kaclose pero ang bait niyo sakin last time. Sana kung ano nangyari sayo, iawit mo rin sa iba, iugoy mo rin sa iba. Sana dito na lang kayo tumira.

Gumising ako ng isang delingkwenteng gabi upang matuklasan na hindi na ako marunong uminom ng tubig. Gutom ako pero ayaw ko ng kumain, at wala na akong natatanggap na mensahe kung kailan umaakyat na ang pananampalataya ko, sana magwakas na ang taon na ito, gusto ko ng tumalon sa enero, sasalubungin ko ang taon ng pagwawakas ni Axis. Hoy fool, galingan mo pagaaral mo jan hehe.

Pinsan ko, na hindi na siya masaya kapag may pusa akong daladala, at kapag umuulit ako, parang sapat na sa kanya ang isa. Kapag yung Secretariat School o kaya yung Pandaren Brewmaster yung kaaway niya, puno siya ng galak, at tuwang tuwa pa pero kapag prosperity na, parang wala lang, parang walang gana, parang walang tuwa, walang kahit na ano. Nagalinlangan na ako dati, pero bawat hakbang ko, nadadapa ako.

Ang sarap ng asukal na buhay.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com