Tuesday, March 29, 2005

Awee. (holy week)

Awee = Flower hahahahahaha....

Wednesday kami umalis ng bahay para sa Quezon. Nakarating kami dun after 6 hours yata. Astig, mabilis na yun compared last time na 13 hours. :D Traffic lang naman problema e.

Ayos yung tinutuluyan naming bahay dun, Kina tito ichad. Lahat ng nasa bahay namin makikita mo rin dun. Sira nga lang monitor ng PC nila… huhuhuhu. Tas walang computer shop malapit dun, pinasara na raw… sero tuloy MP(machine problem) ko. Astig dun, nagdatingan lahat ng tito at tita ko pati mga pinsan ko. Apat lang kakulitan ko dun, sina Apaw, Anet, Julia at AJ. (mga pinsan kong bata)

Kinabukasan, sumaka kami (meaning uh, pumunta kami sa linang at nagkuha ng kung-anu-anong resources na makukuha namin sa bundok.). Ayos dun, para makapunta kailangan jeep, matarik kasi yung bundok, masasayang lang kotse kapag yun ginamit dahil maputik. Yung jeep nga hirap pa paakyat e. Tumuloy kami sa pinsan ng papa ko, siya yung caretaker ng lupain ni papa dun. Haha! Ano makikita sa lupa ni pa? uh, palay, tas may tatlong baka, tas dun sa gubat part, maraming kaymito, buko, kakaw at kung anu-ano pa. Ang saya dun sa Samat (pangalan nung place), nanguha kami ng maraming star-apple at mura (coconut). Kumain kami sa dahon ng banana. Gwahahahahaha! Pero ako hindi, sa plato ako kumain. Tas si kuia milo, ako at si bryan pumunta dun sa gubat para manghuli ng ibon. Ang gaganda kasi ng mga ibon dun, last time binili namin yung nahuling limuhon (isang weird na nakakatakot na ibon) dun, buhay pa rin hanggang ngayon. Dinala ni kuya milo yung baril pero pangkal(bano) siya, di siya makatama ng ibon. Gwahahahahahaha! Astig dun sa gubat, sobrang laki ng mga dahon, kasing-laki na ng mga tao, tas marami pang anahaw. Kung iniwan ako nila kuia milo, siguradong ligaw ako dun) Tas kinahapunan, umulan ng malakas so nangangahulugan lang na kailangan naming maglakad pabalik!!!! Arg, bukod sa malayo na, maputik pa, matarik pa!!!! Kaya naghintay kaming humupa yung ulan para baka makasakay pa kami dun sa jeep (isa lang yung jeep na pabalik-balik dun). Nakipaglaro na lang ako ng agawan base sa mga bata! Hahahahahaha. Tas ang rule pag paalis na, kailangan lahat may dalang mura. Ang rami kasing kinawit nila pa na mura, 210 raw nakuha nila! WaW. Pano namin dadalhin yun? Kailangan yung jeep diba. Ako binuhat ko 8 na mura. Wahahahaha! Ang bigat sumakit ng todo yung palad ko. E nung naglalakad na kami (kasama ko ilang pinsan ko na nagbubuhat rin), biglang umulan ng sobrang lakas! Sobra talaga, as in na talaga, yun na yun. Sa sobrang lakas, pwedeng ipang-MTV, kulang na lang kumanta ka. Sa sobrang lakas, di ka makatingin sa dadaanan mo. Ginawa namin, sumilong kami sa isang abandoned hut. Hehe, tas habang nandun, pumitas pa ng mga kakaw sila Venoc (kapatid ko). At masarap pala ang kakaw, lasang atis, tas ung buto raw nun yung ginagawa cocoa. Hehehehe! Tas tumuloy na kami paghina nung ulan. Tas napagkadesisyunan na lakarin na lang dahil sa tingin nga ng lahat ay di na kayang akyatin yun nung jeep. Ginawa namin, iniwan naming lahat ng mura dun, dahil alangan namang dalhin pa namin yung 210 pieces na yun, edi nagmuka kaming ewan. Ipapadala na lang daw yun sa jeep pagbalik. Ang saya/hirap nung paglalakad namin. Isipin mo, umaakyat/bumababa ka ng bundok tas sobrang putik pa, masisira na nga yung sandals ko e kaya nagyapak na lang ako. Lahat kami nakayapak lang except kay Jaja(kapatid ko, nakasapatos). Si Anet, pasan-pasan ni Tito Ichad tas si Tito Osbet, tatlong beses nadulas!!! Gwahahahahahahhaa! Pinagtatawanan siya nung mga bata. =) Parang penitensya na rin namin yung paglalakad na yun. Ang sakit sa paa yung mga bato na matutulis. Okey lang sana kung puro putik e. May isang part dun (yung pinakamataas na part ng nilakad namin) na nung pababa na kami, di mo na mapipigilan sarili mo sa pagbaba dahil nga sa madulas na putik. Tas dun sobrang sumakit paa ko, akala ko may sugat na nga dahil sa mga epal na bato. Hehe. Tas after about 1 enahaf hours of walking, may narinig kaming makina. Yun na nga yung jeep. Ti-nry niyang umakyat pero nabara siya. Hahahahaha. Buti na lang nakita namin yung jeep, malayo-layo pa kami e. Kung tinuloy namin yun, aabutin kami ng madaling araw. Yun. :D

Pumunta kami ng Hondagua. Taga doon si Tita Melin (ngaun ko lang nalaman na Melin pala ang nickname niya, akala ko Menin. Arg.). May dagat dun, kaya dun kami pumuntang lahat. Masaya sa dagat, presko. Nakahuli si ma ng Seahorse, kulay orange. :D Galing. Tas sinubukan uli naming manghuli, ako, si ma, si venoc at si athan. Nakakita ako akala ko malaking hipon, tinuro ko kay ma. Sobrang bilis. Tas nahuli niya after a few attempts tas pinalo siya ng buntot na may tinik! :o Yun pala yung alupihang dagat. Parang shrimp na alupihan na kulay green na brown. :D Ang cute nga e, rare nga yata yun e. Pero sabi nila tinitinda raw yun sa palengke, nakakain raw kasi yun. Tas si Athan, nakahuli ng Yellow na crab. Galing. Ako nahuli ko Blue-green na Crab. Hehehehe! Tas nagtake turns kami sa pagsakay sa bangka nila tita melin. Maliit lang yung bangka, as in bangka talaga, de sagwan. Si tonton (anak ni tita melin) at si athan kasama ko nung namangka kami. Pumunta kami sa malayo to the point na hindi mo na makikilala yung mga tao sa may beach. Tas mababaw pa rin dun, kitang kita nga yung mga nasa baba e. May nakita kaming salabay (jellyfish) [at nakakamatay talaga yung mga salabay, last year may namatay raw e, ngaun may nasalabay, umiyak, hahahahaha, kailangan lang ng maagang remedy] na kulay violet! Tsaka ang raming sea urchin sa baba. Ti-nry naming pukpukin ng sagwan, hahahaha, tas natusok yung sagwan. Ouch, sobrang sakit raw nun, magkakalagnat ka raw kapag natusok ka nun. Yung mga nahuli naming starfish, bulok, kulay sand (camoflaj nya yun, muka talaga siyang sand).
Naaalala ko dati, nakahuli kami ng pinakamagandang nakita kong starfish, kasing laki ng kamay ko, kulay orange na malaki na may tusok-tusok pa sa bawat arms. Ang porma. Sayang nga lang, hindi nakabili ng pain para sa mga isda. Mamimingwit sana kami sa dagat e. Dati namingwit na kami e, para iulam namin, nakuha namin maliliit lang [may nahuli si kuya tonton, buteteng dagat yung tawag, mukang blowfish, kulay yellow yung lumolobo na part, may lason raw yun], mga walong fish. Wahahahahahahaha! Ang porma, ang sarap palang sumakay sa bangka. Tas hindi kami nakapanood ng Salubong. Last time , napanood ko (at may nakilala pa akong girl na kakill-allah nila Maan D. at Monica S.). Yung pinsan ko kasing si Jane yung gumanap na angel. Ginagawa dun hiwalay na maglalakad yung mga babae at lalaki, tas at some point magmeemeet sila (kaya nga salubong) tas kakanta yung angel kasama yung choir. Yung angel nakasuspend sa air. May sinasakyan yung angel na parang basket. :D Hindi nga pala ako nakasama sa prusisyon, wala kasi akong attire pangsimba… hehehehe!

3 Comments:

At 1:14 AM, Anonymous Anonymous said...

best regards, nice info »

 
At 2:59 PM, Anonymous Anonymous said...

Best regards from NY! » » »

 
At 3:39 PM, Anonymous Anonymous said...

Very cool design! Useful information. Go on! http://www.blackberry-way-oldies-mp3.info bookcases Anti virus protection program fluoxetine Luxury hotel in tokyo japan porsche new

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com