Sunday, June 19, 2005

Ne

currently listening to 'john rzeznik (idol) - im still here'
and currently feeling
Image hosted by Photobucket.com
thankful

anyway. hindi na uli zero ang GOK. hehe. salamat sa inyo, kev gino jerk pan jon diz. ALtough hindi kasama si diz last time, sobrang saya ko nun, kahit na sobrang bulok yung batman begins at pinagtatawanan na lang natin yung boses niyang pilit. Lakas ng railings. rami naitn last time. sorry late kami nila noah at alllen. Hindi kasi totoong traffic sa may espanea at sa may lawton e. anyway. Relieved na ako. WOOOO! Masarap mabuhay. uh... okey. Gusto ko sanang idedicate ang entry na to kai pa. A uu. Kai papa.

Image hosted by Photobucket.com

Wala akong chance na maipakita ko ang paghanga ko kai papa ko... (anyway, alam kong malamya ang tawag ko sa tatay ko, gamitin ng mga bading. pero yan na nakasanayan ko e. bwahahaha... hindi ako bakla. cla-cla-cla-cla-cla). Hindi kasi ako ganun kaexpressive at malamang kapag sinabihan ko siya ng happy father's day, wala naman syang laban... pero nakakahiya lang talaga since alam kong makokornihan lang sya. at alam ko naman na alam na rin niya na hinahangaan ko sya.

Image hosted by Photobucket.com

Anyway... Si Pa, (Ronnie Merjudio)... Isa siyang nakakatakot na tatay. Sa takot na yun, nahuhugot ko ang respeto ko sa kanya. Pluplu kasi siya. Tandang-tanda ko pa ang pangdidisiplina niya sa amin ni Jaja nung maliliit pa kami. There was a time na, tinatakot ko si Jaja na may mumu sa CR at umiiyac siya. Nalintikan ako ng tatay ko at pinalo ng walis ang aking kamay. Hindi ko naigalaw ang aking kamay for about 2 weeks. Ganyan kalupit smain noon si papa. Maswerte si Venoc di siya nakatikim nun. :D There was a itme rin na pinalo niya si Jaja at nabali yung walis. OMG. Awang-awa ako kay Jaja nun. heehee. Nagdaan sa kanyang mapanirang kamay ang aming 3 famicom na winasak niya dahil nabanas siya sa pag-aaway namin ni jaja. Yung Sega rin ay tinapon niya dati. Pati yung telepono namin na black ay di nakaligtas habang kachat ko si Jeric ng gabing-gabi na at naglalaro kami ng flash ng may baboy na umaakyat sa langit habang ang background music ay Pachelbel Canon, dahil sobrang late na, binalibag niya rin nun... so ganun kadestructive si pa. Oo nga pala, yung salamin ring naming lamesa di nakaligtas sa kanya. Huchooo....

Uhm.. Di ko lang alam kung pang-ilan si pa sa kanilang magkakapatid pero alam kong siya ang pinakamasipag sa kanila. Naririnig ko sa mga kwento niya sa mga frends niya yung mga childhood days niya na nagbebenta pa siya dati ng icecream para lang magkabaon. Nagtricycle driver na rin siya at dating kargador ng copra, nagbenta na rin siya ng lugaw. Nanghuhuli pa raw siya ng isda sa may ilog nun... Nakita ko nga ang shell ng possibly pinakamalaking hipon na makikita ko sa buhay ko.. Yung ulo nung hipon ay kasize ng wrist ko... tae, ang laki. Hahahaha. Oo, sobrang sipag niya. Mahilig siya sa Rock music kaya ang resulta ay ang pangalan kong 'Rock' okay... dahil Rakista siya dati at long hair siya. Naalala ko pa na naglalambitin kami ni Jaja sa buhok niya at naglalaro... "Rapunzel- Rapunzel... let down your hair...". Siya rin ang influence kung bakit hilig ko mga old rock music niya... (guns n roses. nirvana. neil young. the doors. megadeth. skidrow. bon jovi. metallica. kidrock... sa kanya ko rin nalaman ang rhcp)

Image hosted by Photobucket.com

Unfortunately, hindi siya nakatapos ng college. Awww. at isa siyang biktima. Nung nag-aaral pa siya at magtatapos na sana siya ng college ay may nagpasabog ng cr ng lalaki. Nakita ko pa yung cr na yun minsang dumalaw kami dun dahil sa Reunion nila Pa. So wasak talaga,,, siya ang napagbintangan dahil sa bakat ng sapatos sa flooring nung cr. Sa kanyang sapatos raw yun, kaya di siya nakagrad... tsk tsk... ganyan talaga. di na niya natapos dahil kulang sa pera. Hindi ko maimajin kung gaano siya kadeprest, seeing na sobrang sipag niya... Hindi ko lang alam kung totoo to pero parang may narinig ako sa kwentuhan nila nila mama na nag-NPA yata dati si pa. Kaya siguro siya longhair at may uniform ng military. ewan ko lang.

Image hosted by Photobucket.com

Until nameet niya si mama, may GF si pa nung time na yun. May BF si ma. SObrang okey dahil naging sila pa rin. Tas, sabi pa ni pa. "Kung hindi siguro kita nakilala, NPA pa rin ako ngaun." o kaya "Kung hindi siguro kita nakilala, sumama na ako sa NPA."... di ko sure.

Image hosted by Photobucket.com

Astig talaga si pa. Mabait yan, pag kailangan ng pera/tulong ng mga kuya niya, siya ang laging nanjan. Pinag-aral niya dati mga pamangkin niya dito. Yung isa kong pinsan pagaaraling niya sa college... kaso di yata pumasa.. :(

Parang si Masked Rider siya rito samin, takot mga masasamang tao sa kanya. Isang beses, yung isang holdupper, binugbog niya, bangas mukha... duguan, muntik pang mabarag yung mukha dahil ihahagis sana ni pa yung napakalaking bato sa mukha niya habang nakaluhod... Basta alam niyang mali ang isang tao, hindi siya natatakot na icorrect yun... Cinombo niya ako dati dahil ayokong sumama sa Quezon... haha. Anyway. tama na muna drama.

So,,,, uh... salamat at binigyan niya kaming tatlo nila Venoc ng magandang buhay. salamat sa astig na pangalan ko... (btw sa mga nagtatanong, hindi Rhophie second name ko... solidong rac lang talaga. o_0) dahil idol ko siya. aayusin ko buhay ko. hehe. Kailangan kong suklian ang mga paghihirap mo.

Image hosted by Photobucket.com
(pinakaluma naming retrato sa bahay) si pa yan. graduation.

[Ne - tawag ni ma kai papa... short for ronnie]

Hello Caper Cat

His flocks are folded; he comes home at night
As merry as a king in his delight,
And merrier too;

For king behtink them what the state require,
Where shep-- ------ ------------------
careless, carol ------- by the fire:

Ah then, ah then, If country love suc- --- sweet desires gain,
What lady would not love a ------ shepherd swain?

He kisseth first, the sits a sblithe to eat
His cream and curd as doth the king
his meat, --- and blither too;
For kings have often fears when they sup----.

-We grow great by dreams-
-all big men are dreamers-
Image hosted by Photobucket.com
[rare pic ni pa na long hair]

1 Comments:

At 11:23 PM, Anonymous Anonymous said...

Where did you find it? Interesting read » »

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com