Sunday, July 24, 2005

---

Sabihing langgam lagare
Hindi ako buhol
Patayin ang ilaw
Buksan ang ilaw

Nana-nana-nana-nana-nana
infected wound. infected wound.

Saturday, July 23, 2005

Cake

Currently Feeling
Image hosted by Photobucket.com
'Okay'

Kagigising ko lang, first time kong managinip na may hinalikan akong babae. Di ko nakita yung mukha pero sa tingin ko ay ka-age ko lang, tas mukang maganda. Hahahaha! Asa. okey nga gising ko e, ganda ng dream. Tingin ko talaga ay kakill-allah ko sha. Cguro sha si ano.... deeeeeehhh... baka madulas amf.

Birthday na ni mama. Pansin ko lang hindi ko nanaman sya nagreet nung umaga. Tas gabi na ako umuwi. Pag uwi ko, tsaka ko lang naalala na bday ni ma. Ganun ako ka unthoughtful (yata). Naaalala ko dati, nakakalimutan ko ang bday ni mama. ahihi. So yun, okey lang. Ginawa ko na lang status sa YM: Happy Birthday Mamabear. Tas sabi ni noah "Bday ng Mama mo?" sabi ko... "Oo. Diba July 22 ngaun?". Sabi niya: "Hade. July 20 pa lang.", actually si Donnel yata yung kausap ko nun. Baon ako sa lupa. Pahiya ako. Bwahahahahaha.

Salamat na lang at hindi ako naggreet kay ma nung araw na yun. E pano ba naman, nakaset sa phone ko ay July 22 nga nung araw na yun. Lamya. Kaya naisipan ko ang isang bagay na pwedeng makasurprise kay ma.... 2 days pa bago bday niya. Meron akong 1000+ sa wallet... hmmm. pwede. Una ko agad naisip na regalo ay Cake. Ahihihihi. Meron nun sa Rob, Bwahahahaha.

Nakakahiya bumili sa Red Ribbon dahil open area sya kaya sa Goldilax ako bumili. Sobrang lamya ko talaga. At ang naiisip ko, nakakailang kung maaga akong uuwi. Hindi masusurprise si ma. Gusto ko mga 6/7 na umalis ng manila para masurprise sya na naalala ko sya. A UU tulog sya kaninang umaga at kahit gising sya nun, di ko sya igigreet. So Nagdota muna kami ng Block 12 umabot kaming 7:30. LAkas.! Nagtext pa ako kay mama na gagabihin ako pero wala pa ring happy bday. ahihi.

Habang pauwi ako, ang rami kong iniisip, sana wag mabangga sinasakyan ko dahil mawawasac yung cake. Sana walang humps na hindi okey para mag-stay in shape yung cake. ahihihihi. Tas iniisip ko pa na, tae pano kung hindi bday ni ma ngaun? patay... Nakakalito talaga ang July at June... :(
Pagpasok ko sa bahay tahimik. Tulog si pa. Nasa kwarto ko si Venoc at si jaja ay nagiinternet. "Ja, diba birthday ni ma ngaun?" "oo." Yun. buti na lang at Kuly 22 na talaga ngaun. ahahaha.

Pagdating ko, ako ang nasurprise.

Dahil sobrang saya ni mama.

A-U-u-u-u.

Nakasmile pa sya habang binabanggit ang: "Wow, para sakken ba to?"

WHOOOO! Sulit ang aking pinaghirapan.!!!

Kumanta pa sila ni Venoc ng Happy Bday to you (btw tulog si pa) at tinanong pa ang wish ni ma. :D

tas nagym na ako.

Sabi ni ma. "Hindi na kayo kumi-kiss sakken a? Halika nga rac, kiss mo ako."

Waw, sobrang nakakahiya. Siguro 3-4 years old lang ako nung huli akong humalik sa kanya. Pero shempre ginawa ko pa rin!!! Whooo... sa wakas, first time kong makapaglambing kay ma after so many years.... congrats rac. May iba pa akong gifts, ang gasgas na gifts na pagmamahal, pagtatiyaga, pagtitiwala, friendship, lahat na.

At oo maraming kabday si ma:
si kuya emerson
si julia (pinsan ko ahihi)
si kuya allan
may mga dalwa pa shang taong kabday, d ko lang natandaan.

Image hosted by Photobucket.com

Anyways. Happy bday ma! Ang sarap maging anak mo ahihihi.

/*Baka si Mama ung nasa dream ko?*/
Astig. Cake.

Wednesday, July 20, 2005

Panahon na Naman

Currently listening to 'Racrac - Lagatak ng Keyboard dahil sa pagta-type...'
currently feeling...
Image hosted by Photobucket.com
Kuba... hng... at Deprest


Ang labo kaya ng buhay ng tao. Diba dapat simple lang mabuhay. Para sakken bakit parang sobrang komplikado. uh, particularly bakit parang nakatali tayo sa araw-araw na routine.

We are all slaves of time

sabi yan nung dati naming philo teacher.

naniniwala ako. kasi... sobrang halaga ng oras sa tao e. nadarama ko to dahil nale-late ako sa Chem14 na 7am tas mamimiss ko yung quiz na sobrang importante para sakken tas mafufrustrate na ako buong period at iniisip ko na "sayang naman. kung gumising lang ako 5minutes earlier." tas magkakalat na ako at dadalhin ko ang kalatism ko hanggang sa math74. hng.

kapag kasama mo mga kaibigan mo, parang ang sarap patigilin ng oras. pag nalelate ka na parang ang sarap patigilin ng oras. kapag nagiinternet ka sa gabi tulad nitong ginagawa ko at may pasok ka pa ng 7am bukas, parang ang sarap patigilin ng oras. Sched kasi namin ni Noah, bulok e, walang kwenta. Parang basura na pinagkasya sa isang week. Sa isang buwan, apat na araw lang ang wala kaming pasok... laban ka?
at sulit talaga ang mga panahon na ginugugol ko sa bus/jeep/fx. Sobrang productive talaga, natutulog pa rin talaga ako dahil hindi ako nagsisi sa paglampas ko sa pupuntahan ko. Sobrang sulit nga talaga ang pasok tuwing Sabado, na 7am-10 am tas uuwi nanaman ako (dota muna haha). Hindi nasasayang ang 2-3hours ng buhay ko araw-araw sa pagco-commute.

Normal talaga akong matulog sa mga panahon ngaun. Sa totoo lang, normal talaga buhay ko ngaun. Hindi ako parang manika lang na sumusunod sa bawat obligasyon na gagawin ko sa araw-araw. Sa totoo lang, nawawala yung essence ng pagiging masarap mabuhay.

4:30-5:00 Obligasyon kong gumising
7:00-7:00pm at the most Kailangan kong mag-aral/pumasok
8:00-9:00 Kung sinwerte nga ako at Cleaningweek ko ngaun,
ako ang maghuhugas ng pinggan. Swerte nga kung
tambak. Grabe. Swabe. Sobra.
9:00-11:30 Kailangan kong magpahinga, eto na lang ang leisure
time ko.
11:30-12:00 Uumpisahan ko ng mag-attempt matulog. Ang pag-
aattempt kong matulog ay kadalasang tumatagal ng
isa hanggang dalwang oras.
12:00-5:00 Limang oras lang ang tulog ko.

Magaling talaga. Bakit ba kasi kailangan 4years ko tapusin tong course na to e. Sino kayang Grabe ang nagpakomplikado ng buhay ng mga tao. Bakit kailangan naitng sumunod sa oras? Kasi malelate ka? So? Mamimiss mo exam mo. So? Babagsak ka sa subject. So? Hindi ka makakagraduate ng matino. So? Mahihirapan ka magtrabaho. So? Walang perang darating sayo. So? Di mo mabibili gusto mo. So? Hindi ka liligaya. So? Wala na, bottom line na yun. Pag kinontra mo oras, hindi ka liligaya. Totoo. Totoong masaya ako sa pagsunod ka sa basurang schedule na to. Parang ang ewan ng sistema talaga ng buhay ngaun. Sana taong tabon na lang ako. Gwahahhaha. Cge gnyt, 11:45 na at ayon sa aking MAHIWAGANG SCHEDULE, kelangan ko ng magattempt matulog. Gru.

Pahabol: Birthday nga pala ni mama sa Friday... First time kong maga-attempt na bilhan siya ng regalo. oo. hahahaha. ANo kaya? Cake? Kaso hindi ako marunong sa mga bagay na ganyan e. Pero gusto ko talaga syang regaluhan, nakikita ko kasi ang kapaguran niya sa pagtatrabaho.... nung dinala ko yung toolbox ng Groups namin (mike donnel roy noah rac allen mark) sa Chemistry, akala niya pasalubong ko sa kanya... hahahaha. :D Wag ka mag-alala ma, di ko kakalimutan bday mo. popo. Bday wish ko ay sana... okey. :D Godbless.

Wednesday, July 13, 2005

Eye of Skadi

30+ days na lang CURED na ako!!!!
yehey, tinatamad akong bilangin yung araw e pero last visit ko kay Doctor Maningas, sabi niya 38 days na lang e! Wooo... 114 na gamot pa. pero malapit na.

pero hindi yun yung aking trivia for the day e.

Ang aking trivia for the day ay ang aking mga naiisip pag minsang wala akong magawa, particularly pag papunta o pauwi ng school.

1)Madalas, pag pagod ako at nakatingala at nakapikit, nai-imagine ko na may isang rumaragasang patalim na hihiwa sa aking leeg at ang weird pa, nararamdaman ko yung kadirian at napapa-pluplu ako.... grrr...

2)Mas kadiri pa sa una, naiimagine ko ang mga kung anu-anong possibilities na pwedeng mangyari sa mata brutally.

  • mata (as in eyeball) na gumugulong sa sahig tas kakadkarin ko ng sapatos ko.
  • mata na (kasama buong katawan ng tao) nahulog sa PGH building tas sasakto yung mata dun sa tusok ng fence... ArG...
  • mata na kinukulayan ng pastel
  • mata na dumadaan sa cheesegrater
  • mata na kinakaskas sa pader... tae sobrang kadiri.
  • mata na nahulog sa toilet bowl.


hng... ewan ko ba, siguro isasama ko sa phobia ko ang mata. secret.

3) Shempre iniisip ko rin na magmadali dahil hassel talaga lagi akong late sa 7am class ko kaya minsan namimiss ko ang early morning tests... :( Kaninang umaga, imaginine mo to ha, 8am dept test namin sa chem14. 6am ako gumising. 7am, nasa sakayan na ako... puno lahat ng bus/jeep/fx. sumakay ako ng jeep papuntang delta. at aanga-anga nga naman ako binayad ko 15 pesos at 7.50 lang pala yun. at dahil oportunista lahat ng driver, di nila sinusuklian yun. At dahil wala akong laban sa pagaapela (mga bagay tulad ng ganyan gaya ng pagforce bili sakin nung damit at desert sa mga fastfood chains, di ako nakakatanggi dahil nahihiya ako??? :| isa akong mga bading) , hinayaan ko na lang na tumubo ng malaki yung jeep driver. pagbaba ko sa delta, umuulan. Nawalan talaga ako ng laban. may payong ako pero ayokong buksan. Naisip ko na sobrang hassel na ng buhay ko. Kailangan ko na talagang mag-dorm pero syempre ayaw yun ng parents ko... baka nga naman ako maligaw ng landas. Delta. mga 7:40+ na nung time na yun. Tinext ko si noah. (nawawalan na ako ng pag-asa).

Rock: "San ba yung test? Tae naman, Sobrang late ako Sureball."

Noah: "Kyot. Sa roofdeck. Nandito na si Ser."

Rac: "Arg. Pakitanong kung kailang yung isa pang test baka dun na lang ako."

that time, nakasakay na ako ng jeep uli. dahil sobrang puno na at nanlalamya ako sa sinapit ko. Yung jeep, hanggang Kalaw lang ang byahe kaya sobrang pluplu na ako. Kumapos pa ng unti amf. Kung may teleportation lang sana o... boots of travel o. Tas yun, kelangan ko pang magjeep from Kalaw to Faura. Sulit talaga. Tae umabot naman ako sa test, inaaranged na ni Ser Li yung mga seats. Whew. salamat sa kung sino man. Ang hassel ng buhay ko ngayon. Sobrang Hassel. Parang popo. Parang pluplu.

Londonderry Air

Mag popost sana ako sa blog ko nung tungkol sa fieldtrip sa Hum2 kaso inunahan na ako nila ruth at angge e bwahaha. Kaya popost ko na lang yung link nila. Ayun o nasa kanan side ng blog ko. KK? www.loudmurmurs.blogspot.com at www.bimsworld.blogspot.com Uh. wala akong picture e haha.
http://photobucket.com/albums/y261/jabim/fieldtrip/?start=0
(kay ruth na pics yan... at oo wala ako sa picture. bwahahaha)
Sila may ala-shutterpa na picture, a uu parang may ghost sa man-made tunnel na dinaanan namin itngnan mo yung picture. sila meorn. Anyway. Pinakagusto ko dun yung 1st part kasi nakakaamaze talaga yung skill ni Peter Paul. Siya yung pinakabunso (arg. bunso lang.) sa magkakapatid na 7 tas lahat sila nagpiinta. Gagi sobrang galing nila magpaint. Sila na ang pinakamagaling magpaint. A-uu. SYA NA. pinakagusto kong painting yung pinaint nila yung buong community nila tas maraming tao dun na TOTOONG nakatira dun. pwede ka magpahanapan. hehehehe. tsaka yung isa pa yung painting ng dalampasigan. Masarap mabuhay dun. Yung sa cave, may petroglyph raw mula 300BC. hindi ako na-amaze... :( Kasi hindi ko naramdaman na "WOW ANG ANCIENT NAMAN NITO"... ok. yun lang. itnatamad na ako.

Sobrang nababahala na ako whether matutulog pa ako habang pauwi galing school. Ngaun lang kasi nangyari (ngaung 1st sem 05) yung nalagpasan ko yung bababaan ko. Whooooo. o_0
yung una badtrip, paggising ko parang nateleport ako. jutangina-whatsthis. bakit di mo ko ginising guardian angel. nabahala ako. hahahaha. tas umuulan pa. hassel. yung pangalawa yung okey. nung narealize ko na na lumampas na ako, hindi ko pinahalata dahil nakakahiya hehe. Kaya pumara ako sa pinakamalapit na okey babaan. Tas nilakad ko na lang uli kahit sobrang layo kasi sobrang mahangin nung time na yun. Ang sarap maglakad, ala pollution. heeheehee. ang sarap mabuhay nung panahong un. hehe.

o_o o_o o_0 0_o

May kahati na kami sa MX (awwwwwwwwwwwwww....)
third years.... (awwwwwwwwwwwwwww...)
kinarne nila kami sa DOTA (awwwwwwwwwwwww...)
sabi ni mike hindi na raw siya magdodota (awwwwwwwwwwwww...)
lanya yan... type ko pa naman mag-AR kanina. kaso may bago kaming kalaban...
yan tuloy ginamit ko si Rigwarl. tas ako lang meelee nun :( , ang aking joketime na character... na matino na rin naman... [sa totoo lang di pa rin ako makahanap ng SYA-NA na character ko e...]
-AR na lang sana.

Gusto niyo ng Trivia? basahin niyo ang aking susunod na entry. kaso hindi naman masyado mahalaga. magseshare lang ako...

Saturday, July 09, 2005

Field Trip O

Wait. Kakain lang ako. Masaya lang ako na nakikita ko na uli yung right part ng blog ko. Yahoo. Next time ko na alng ipopost mga exp ko for the past days. Sa ngayon, dalwa lang pinagkakaabalahan ko. Pag-aaral at Dota. Hahahahahaha. Isama mo na rin ang pagfoforums. At. May fieldtrip kami bukas 6:00-6:30 dapat sa CAS so kailanga ko gumising ng 4:00... kaya babay. Teacher namin dun kamukha ni Kylie Minogue, tas lagi niya akong tinatawag alam naman niyang wala akong sagot. Toto siya. Cge bb. DOTA SA MONDAY CANCELLED YUNG CLASS NAMIN NG HUM2. :D

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com