Eye of Skadi
30+ days na lang CURED na ako!!!!
yehey, tinatamad akong bilangin yung araw e pero last visit ko kay Doctor Maningas, sabi niya 38 days na lang e! Wooo... 114 na gamot pa. pero malapit na.
pero hindi yun yung aking trivia for the day e.
Ang aking trivia for the day ay ang aking mga naiisip pag minsang wala akong magawa, particularly pag papunta o pauwi ng school.
1)Madalas, pag pagod ako at nakatingala at nakapikit, nai-imagine ko na may isang rumaragasang patalim na hihiwa sa aking leeg at ang weird pa, nararamdaman ko yung kadirian at napapa-pluplu ako.... grrr...
2)Mas kadiri pa sa una, naiimagine ko ang mga kung anu-anong possibilities na pwedeng mangyari sa mata brutally.
- mata (as in eyeball) na gumugulong sa sahig tas kakadkarin ko ng sapatos ko.
- mata na (kasama buong katawan ng tao) nahulog sa PGH building tas sasakto yung mata dun sa tusok ng fence... ArG...
- mata na kinukulayan ng pastel
- mata na dumadaan sa cheesegrater
- mata na kinakaskas sa pader... tae sobrang kadiri.
- mata na nahulog sa toilet bowl.
hng... ewan ko ba, siguro isasama ko sa phobia ko ang mata. secret.
3) Shempre iniisip ko rin na magmadali dahil hassel talaga lagi akong late sa 7am class ko kaya minsan namimiss ko ang early morning tests... :( Kaninang umaga, imaginine mo to ha, 8am dept test namin sa chem14. 6am ako gumising. 7am, nasa sakayan na ako... puno lahat ng bus/jeep/fx. sumakay ako ng jeep papuntang delta. at aanga-anga nga naman ako binayad ko 15 pesos at 7.50 lang pala yun. at dahil oportunista lahat ng driver, di nila sinusuklian yun. At dahil wala akong laban sa pagaapela (mga bagay tulad ng ganyan gaya ng pagforce bili sakin nung damit at desert sa mga fastfood chains, di ako nakakatanggi dahil nahihiya ako??? :| isa akong mga bading) , hinayaan ko na lang na tumubo ng malaki yung jeep driver. pagbaba ko sa delta, umuulan. Nawalan talaga ako ng laban. may payong ako pero ayokong buksan. Naisip ko na sobrang hassel na ng buhay ko. Kailangan ko na talagang mag-dorm pero syempre ayaw yun ng parents ko... baka nga naman ako maligaw ng landas. Delta. mga 7:40+ na nung time na yun. Tinext ko si noah. (nawawalan na ako ng pag-asa).
Rock: "San ba yung test? Tae naman, Sobrang late ako Sureball."
Noah: "Kyot. Sa roofdeck. Nandito na si Ser."
Rac: "Arg. Pakitanong kung kailang yung isa pang test baka dun na lang ako."
that time, nakasakay na ako ng jeep uli. dahil sobrang puno na at nanlalamya ako sa sinapit ko. Yung jeep, hanggang Kalaw lang ang byahe kaya sobrang pluplu na ako. Kumapos pa ng unti amf. Kung may teleportation lang sana o... boots of travel o. Tas yun, kelangan ko pang magjeep from Kalaw to Faura. Sulit talaga. Tae umabot naman ako sa test, inaaranged na ni Ser Li yung mga seats. Whew. salamat sa kung sino man. Ang hassel ng buhay ko ngayon. Sobrang Hassel. Parang popo. Parang pluplu.
1 Comments:
That's a great story. Waiting for more. »
Post a Comment
<< Home