Isda. Masarap. Panalo.
listening to 'Hunter X Hunter - Carry On'
feeling

very tired, especially sa part ng ankle...
Late ako. Hindi trappic kasi. Mali yata calculation ko ng time. Nakaabot pa talaga ako sa ChemTest.
Nakinabang talaga ako sa mga pinag-aralan ko. Arg. Dapat kasi yung test tuwing bago idismiss na lang sana yung
class e. :( Frustrated agad ako... next time sobrang aagahan ko na.
Ark... nice day... 7pm na uwe. ncie talaga.
Ambilis ng pacing ng mga lessons ngaun... particularly sa chem at sa math74.
Para ngang tinadtad kami ni Ser De Armas ng mga Uzi at Carbine niya. Bratatatatatatatatat.
Tapos... ano nga ba sunod nung math... uhm... nakalimutan ko na... basta breac time na yata namin
ni noah... ay oo... chem lab muna. na-meet namin yung teacher at isang unexpected guest. WAW.
highschool chem ule, matrabahong lab reps nanaman. ARG. Oo nga pala, kaklase namin si RonO4 sa
chem 14, 14.1 at sa Hum2... Wafoo. Uhm... at dahil excited na kami ng 'ANG TROPA' (as jc would call it,
ala pa kaming permanent name... ano kaya....), ay dumiretso na kami sa MicroExpress, ang comshop
katabi ng Netforce Cyber V, sa Anglo Arcade, sa Taft Avenue, gitna ng mcdo at jubilee, pagaari at pinamamahalaanan ng isang lolo. Just so you know...
kung may id ka ng upm at pinakita mo sa counter ng mcdo, may libre kang 'go bigtime', sundae, or extra rice...
sulet diba? nagtake out kami ni noah dun. sina donel mike at roy ay nauna na. tas nandun sa microexpress
sina jensen wafoo, allen, aaron the yurnero [yurnero ka nga ^_^] , jm, ivan, isla... hehehehe. Goodbye netforce babies....
3on3 laban namin nung una. Tae bat sobrang passionate ko na sa DOTA na datirati ko lang ginagago pag naglalaro ang
mga railings-ateneo/diliman branch sa 129. Arg. At ngaun lang kami naadik. malabo. pag nagpatuloy to, lagot studies ko.
hahahahaha.
eto yung second game namin.
scourge
rac - phantom assasin

ivan - soul keeper

aaron - witch demon

sentinel
noah - morphling

mike - si kardel sharpeye

donnel - squee and spleen

allen - lina inverse

Tinadtad kami nung una. nakasawsaw pa si aron sa akin ng frags nung nagsama kami.
tas ang saya kasama ni aron dahil lion siya at vinu-voodoo niya lang yung mga kalaban tas
aatakehin ko lang ng deviruchi tas kaunting blinkstrike at bawas lang. Bwahahahahahaha!
bakla nga lang ung kai noah dahil may blink, hirap patayin. tas nakakatawa nung nagpu-push kami ni
aaron sa kaliwa tas nas-stun kami, may trap pala dun si donnel, e ang clear-clear nung path. hehehehehe.
tas si ivan pissed off sakin dahil nasawsawan ko siya ng frags nung binackstab ko si mike. hahahaha.
may isang time na nagsecret push ako sa kaliwa, tas lahat halos ng hero nila nasa base namin. tas dinedefend na
nila ivan at aaron, tas napatay yata nila yung tatlo, tas dun na nagsimula yung push namin. hehehehehe.
pinakanakakatawang part nung game ay nung pinilit ni roy na mag "UNDERCOVER" nga si noah. Ginaya nung charac niya yung
hitsura nung kai ivan. HAHAHAHAHAHAHA. Jutah, hindi siya inatake ni Donnel at Mike. hahahaha. HIndi siya binato nung tore
kaya nabuhay talaga siya. Nakasulit nga siya sa ability na yun. :D
sobrang ganda nung game, e 2:30 na at math101lec na namin (ni noah), first meeting supposedly...
pero tinuloy paren namin yung laro dahil nga nakakahinayang iwanan. tas yun, nung nadali na namin yung emp nila.
may 30 minutes na kaming late ni noah. at hinanap pa namin yung room. at wala sa 2nd floor, ayos talaga mga room dun.
sa 5th floor pala. roofdeck. at meron talagang klase. buti na lang alang teacher. Bwahahahahaha. ligtas.
tas 4-7 ay isang oras lang namin inattendan, dahil biglang may pumasok na foreigner looking woman.
sabi niya, nasusunog raw next door. wag raw mag-panic. So biglang tayuan lahat at labasan... Supreme Court pala
tinutukoy niya, nakita ko nga puno ng usok yung isang floor. hehehehe. tas eto yung okey na part. Sobrang pagod na ako.
sobrang init, nakachamba ako ng alltheway na jeep papuntang fairview. waw. pero mejo wrong move yun dahil mainit sobra.
natulog ako, nagising ako sa Q.Av., gabi na. tas pinilit ko na wag matulog dahil malapit na ako, pero angkulit ng mata ko,
kumukurap-kurap na siya, at naduduling-duling... arg. nung nasa trike na ako, pumatak yung mga malalaking tulo ng ulan.
arg, e nasa labas ako... patay. buti may bumaba kaya nakasakay ako sa sidecar. Wooo. Chamba. Tas hinihiling ko na sana
masarap yung ulam. Yung tipong makaaalis ng pagod. sabi ko sa sarili ko... 'kahit ano sana, wag lang isda.'... masarap kasi talaga yung isda.
nakakagana talagang kumain ng isda. Isda na talaga ang d best na pagkain. hindi favorite ni mama ang isda. at favorite ko talaga ang isda.
Lalo na ang bangus. Bangus na talaga ang pinakamasarap na isda. Hindi lasang kanal ang isda.
Hindi rin kinain nila papa yung alaga kong isda na namatay na Tiger Oscar e. hahahaha. Allen bakla ka, ayan, may picture pa ng tiger oscar
para mapatunayan ko sayo na totoong isda yun. :D

Tas... pagdating ko sa kitchen, may nakahain na na ulam.
natatakpan at may moisture yung takip kaya hindi ko narecognize. pero mukang hindi naman bangus kaya okay lang.
at may sabaw, kaya malamang hindi isda yan. Nung nagkakarej na ako na buksan yun. Nafrustrate ako.
o
0
O
><(((;>
o
O
O
o
<;)))><
hindi talaga kasi isda yung nasa loob. masarap talaga. hindi nanaman akong mapipilitang kumain.
gaganahan ako ng todo. di ko alam kung anong isda yun. anong pakialam ko? pare-parehas lang naman
ng lasa isda a? lasang kanal? (at least para sakken)... hindi ko talaga alam bakit kinasusuklaman ko
ang isdang kainin, cguro dahil pisces ako (good point rac, so yung mga cancer, allergic sa crab.
yung mga aquarius, hindi umiinom ng tubig. yung sagittarius, di kumakain ng tikbalang...) o_0
??? pluplu? Isda. Masarap talaga. at least meron (pagkain).
Magpasalamat ka kung hindi mo nararanasan ang pain/sakit/pagdurusa/panglalamya/pangunguluntoy na nararamdaman ko tuwing kumakain ng isda.
Anyway masarap namang magkape tuwing ganitong umuulan at pagod. TY.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home