Wednesday, July 20, 2005

Panahon na Naman

Currently listening to 'Racrac - Lagatak ng Keyboard dahil sa pagta-type...'
currently feeling...
Image hosted by Photobucket.com
Kuba... hng... at Deprest


Ang labo kaya ng buhay ng tao. Diba dapat simple lang mabuhay. Para sakken bakit parang sobrang komplikado. uh, particularly bakit parang nakatali tayo sa araw-araw na routine.

We are all slaves of time

sabi yan nung dati naming philo teacher.

naniniwala ako. kasi... sobrang halaga ng oras sa tao e. nadarama ko to dahil nale-late ako sa Chem14 na 7am tas mamimiss ko yung quiz na sobrang importante para sakken tas mafufrustrate na ako buong period at iniisip ko na "sayang naman. kung gumising lang ako 5minutes earlier." tas magkakalat na ako at dadalhin ko ang kalatism ko hanggang sa math74. hng.

kapag kasama mo mga kaibigan mo, parang ang sarap patigilin ng oras. pag nalelate ka na parang ang sarap patigilin ng oras. kapag nagiinternet ka sa gabi tulad nitong ginagawa ko at may pasok ka pa ng 7am bukas, parang ang sarap patigilin ng oras. Sched kasi namin ni Noah, bulok e, walang kwenta. Parang basura na pinagkasya sa isang week. Sa isang buwan, apat na araw lang ang wala kaming pasok... laban ka?
at sulit talaga ang mga panahon na ginugugol ko sa bus/jeep/fx. Sobrang productive talaga, natutulog pa rin talaga ako dahil hindi ako nagsisi sa paglampas ko sa pupuntahan ko. Sobrang sulit nga talaga ang pasok tuwing Sabado, na 7am-10 am tas uuwi nanaman ako (dota muna haha). Hindi nasasayang ang 2-3hours ng buhay ko araw-araw sa pagco-commute.

Normal talaga akong matulog sa mga panahon ngaun. Sa totoo lang, normal talaga buhay ko ngaun. Hindi ako parang manika lang na sumusunod sa bawat obligasyon na gagawin ko sa araw-araw. Sa totoo lang, nawawala yung essence ng pagiging masarap mabuhay.

4:30-5:00 Obligasyon kong gumising
7:00-7:00pm at the most Kailangan kong mag-aral/pumasok
8:00-9:00 Kung sinwerte nga ako at Cleaningweek ko ngaun,
ako ang maghuhugas ng pinggan. Swerte nga kung
tambak. Grabe. Swabe. Sobra.
9:00-11:30 Kailangan kong magpahinga, eto na lang ang leisure
time ko.
11:30-12:00 Uumpisahan ko ng mag-attempt matulog. Ang pag-
aattempt kong matulog ay kadalasang tumatagal ng
isa hanggang dalwang oras.
12:00-5:00 Limang oras lang ang tulog ko.

Magaling talaga. Bakit ba kasi kailangan 4years ko tapusin tong course na to e. Sino kayang Grabe ang nagpakomplikado ng buhay ng mga tao. Bakit kailangan naitng sumunod sa oras? Kasi malelate ka? So? Mamimiss mo exam mo. So? Babagsak ka sa subject. So? Hindi ka makakagraduate ng matino. So? Mahihirapan ka magtrabaho. So? Walang perang darating sayo. So? Di mo mabibili gusto mo. So? Hindi ka liligaya. So? Wala na, bottom line na yun. Pag kinontra mo oras, hindi ka liligaya. Totoo. Totoong masaya ako sa pagsunod ka sa basurang schedule na to. Parang ang ewan ng sistema talaga ng buhay ngaun. Sana taong tabon na lang ako. Gwahahhaha. Cge gnyt, 11:45 na at ayon sa aking MAHIWAGANG SCHEDULE, kelangan ko ng magattempt matulog. Gru.

Pahabol: Birthday nga pala ni mama sa Friday... First time kong maga-attempt na bilhan siya ng regalo. oo. hahahaha. ANo kaya? Cake? Kaso hindi ako marunong sa mga bagay na ganyan e. Pero gusto ko talaga syang regaluhan, nakikita ko kasi ang kapaguran niya sa pagtatrabaho.... nung dinala ko yung toolbox ng Groups namin (mike donnel roy noah rac allen mark) sa Chemistry, akala niya pasalubong ko sa kanya... hahahaha. :D Wag ka mag-alala ma, di ko kakalimutan bday mo. popo. Bday wish ko ay sana... okey. :D Godbless.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com