Cicada
Listening to 'Third Eye Blind - Never Let You Go'

Feeling - exhausted
hng... Isa nanamang pagsubok sa buhay ang malapit ko ng malusutan. End na ng Hell Sem na to!!!! Kaunting tiis na lang... Isang MP na lang pinoproblema ko pero mukhang ginawa na ni Roy lahat ang task kaya sana okey na... Defense na lang poproblemahin namin... Nakakapagod. Stress. Nalusutan ko na yung Math 101 at CS126 at ang tinik na CS22... oo mejo nagalala ako sa CS22 dahil sa zero yung MP namin nila Noah dahil wala akong compiler ng Java at sha lang ang gumagawa ng CS126 na MP. :(
Buti na lang sinipag ako... Wednesday dapat ang pasahan nun pero minove sa Friday. Sinumulan lang namin ni Noah yun nung Wednesday.... tas Thursday tinuloy namin. Tapos. Hehehehehe. Pero hindi cguro kami gaganahan kung di kami tinulungan ng Grupo nila Isla at Mike... yung structures kasi ng Jframe ay kakaiba, nagets lang namin sa code nila. Ok. Pero aasahan kong mejo maramirami minus namin... Wala kaming Exception Handling mashado e. Hehehehe.
Hindi na ako makapaghintay sa sembreak. ngayon lang ako nasabik sa sembreak ng ganito. Ini-snob ko lang talaga dati mga sembreak e... Ngaun ko lang narealize ang importance,, hehe. God salamat, o kung sino mang grabe yan, dahil sa paggawa at paglikha niyo ng sembreak.

Gusto ko ng makapunta uli sa Fontana.... WHOOOO!!!!!!! RAILINGS outing!!!!! Shet gusto ko na tong mangyari... hehehehe, para maiba naman.... Halos inubos na namin mall sa metro manila sa malling at cinema attacks namin e, at counter stride attacks .... Hahahahaha. Nagyaya rin si Jalene sa outing... whooooo...sana matuloy. I deserve to be makasama sa outing. Pag hindi ako pinayagan maglalayas ako!!!!! Kailangan ko ng BREAK!!!!!!!
May overnight pa bukas kina JC, malayo pa naman Cavite.... hmmmm... sna amatapos namin program namin at sana maintindihan ko para okey ako sa defense di ko na kailangan ng Belt of Giant Strength at Aegis of the Immortal.
Ayoko madisappoint sina ma... Sana hindi ako bagsak sa Math101... at Math74.... alanganin ako.... (hindi ang gender ko, ang grades ko)
Nung stressed ako, hindi ako makatulog dahl sa mga kuliglig na humuhuni sa gabi ng madaling araw.... Ganito yung huni nila o : "Kana-kana Chu-chu hashkakum hashkakum" Hahahaha... totoo... nabasa ko lang sa encyclo yan. Hindi ako makatulog... badtrip. Pero ngaung mejo free na ako, sana marinig ko uli sila mamaya. Kailangan kong maappreciate ang mga ganito kaliit na bagay para marelax habang nakahiga sa bagong renovated kong kama... Hehe. :D (meaning pinalitan ng cover at punda ang mga unan at GG at sapin...) Excited na ako.... kanakana chuchu hashkakum hashkakum.

Totoo ako.
1 Comments:
GG
Post a Comment
<< Home