Dash Ignore
Coldplay-Clocks
at
Donna Weiss - Bette davis Eyes
Merong mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na narerealize mo kung gaano ka ka-insignificant sa ibang tao. At sa mga pagkakataong tulad nun, hindi mo maiiwasang makaramdam ng lungkot. Hehe.
Hindi okey yung pakiramdam. Ah. Akala ko pa naman mahalaga ako sa kanya, tas kinalimutan niya na lang ako bigla-bigla palibhasa hindi ko na sha nakikita. Ganito siguro yung naramdaman nung close friend ko na hindi ko nagreet nung birthday niya, na binitchslap pa ako. Pasend-send pa sha dati ng 'Lav Yah' amf.... Kalokohan.
Mararamdaman mo lang kung gaano ka kaliit sa paningin ng ibang tao.
Insignificant. Kung baga, yung level of significance mo, masyadong hindi bagay sa alpha value kaya makakacommit sha ng type1 error. Hehe. Math 101 amf. Anyway, nakaraan na yan. Wag ng balikan yan. Tumingin ka na lang sa hinaharap, tumingin ka sa kasalukuyan. Pero paano kung wala kang makita pagharap mo? A e.. ewan, basain mo paa mo o sumthing na magpapakalma ng kalooban mo. Sumulat ka ng liriko, tumula ka,
humaching ka o kung anu man. Hehe. Unti-unting lumiliit ang ginagalawan kong paligid. Yung isa kong kaibigan dati, galit na galit na sakin with all her ferocity dahil sa isang hindi ko sinasadyang kasalanan. Yung isa ko namang special friend, ni hindi ko na nga makausap ng diretso. Yung isa naman, yun nga, yung
minura pa ako. Palayo ng palayo ang agwat ko, kakalimutan ko na lang ba sila? Di pwede, di kumpleto buhay ko.
Recently nabasa ko yung mga palanca ko nung 4th year retreat sa Angel's Hills... Ang sarap basahin after such a long time.
Puro pagmamahal pa nakasulat dun, puro praise, puro thank you's, puro gratefulness... Siguro nagdedegrade yun habang tumatagal. Praise, ThankYou's,Admiration,Significance is inversely proportional to Time(as time increments). Bawat salita dun nagpapasaya sa loob ko, yung mga kaibigan kong Railings, mejo dramatic pa yung iba magsulat. Hahahaha. Tama, isa ang retreat sa pinakamasasayang araw ng buhay ko. Ha, ginawa ko lang yun para makabawi yung
sarili ko sa naramdaman kong degradation ng significance ko. Pero kahit anong mangyari halos wala naman talagang halaga ang existence natin kung ikokompara mo sa kalawakan, pero kung sa mundong ito, pwede pa, dahil kahit sino naman sa atin mahalaga para sa ibang tao e. Pero mukang ako mediocre lang. Minsan talaga unfair yung mundo diba? GG.
2 Comments:
Cool blog, interesting information... Keep it UP devon furniture Tv radar detectors dvd players gps electroniczillacom land rover defender double cab pick ups tyre http://www.ergonomic-office-chair.info/design_driveway_patio.html is land rover and range rover the same land rover part chubby cheeks exercises rangemaster single ovens Levitra+pill
Cool blog, interesting information... Keep it UP Talking baseball mp3 http://www.blackjack-8.info Resolution print cartridges Meridia cardiomyopathy
Post a Comment
<< Home