Stagnant
Ang sarap humiga kapag afternoon hanggang late noon... sobrang sarap, parang heaven. Buti na lang masarap matulog sa kama ko. Yun bang habang nakastarfish shape ka e nararamdaman mo yung moisture tas sisilawan ka pa ng sunlight na tumagos sa kurtina ng bintana... Woooo panalo. buti buhay ako. :D Mejo sumasarap na uli yung buhay ko, di ko pinapansin masyado yung school. yey. Ang sarap pakinggan ng mga lumang kanta okey? Salamat kay pa at bumibili cya ng concert dvd's okey? Kahit matanda na si Rod Stewart, naadik pa rin ako sa kanta niya na 'First Cut is the Deepest' na nirevive ni Sheryl Crow. Yung isa naman na kanta niya, na mas maganda ay 'Handbags and Gladrags' na nirevive naman ng Stereophonics okay? Ang sarap pakinggan lalo na yung Violin, habang pinapakinggan naming buong family yun naiisip ko... yes buhay ako. :D
Stuck ako ngaun. In love ako pero hindi ako in love. Gusto kong umattack pero hindi ko gustong umattack. Gusto kong mag-aral ng mabuti pero ayokong mag-aral ng mabuti. Sa totoo lang namimiss ko na yung may kasama kang special someone pero ayoko talagang ipilit ang hindi dapat. okey? I'll just patiently wait siguro kahit na sa 30's pa yun dumating. Sabi nga ni Jeric, mahirap makahanap ng katapat ko... At pangit yung feeling ng pinilit na relationship. At sabi ko na sa sarili ko dati pa na kung magkakaroon ako ng first GF, sha na dapat o kung hindi naman, dapat mahal ko talaga, hindi yung: "oy, maganda sha, attack ko sha"... walang kwenta mga ganyan, diba raC?
Arg, ang hiwaga ng buhay. Pero masarap mabuhay. Sana bukas okey pa rin.
Kada umuuwi ako (lagi akong gabi umuuwi), pag pasakay na ako ng trike. Dun ako sa likod sumasakay, para presko sa hangin, at kita ko ang nakakamanghang kalangitan. Ang ganda ng Luna, ang ganda ng Stella. :D Naalala ko lang, may tula dati kapatid ko (si jazz) tungkol sa stars...
Last night I look up in the sky
To see what I could see
I saw a million stars
Looking down at me
And then I look down in a well
To see what I could see
I saw a million stars
Looking up at me
Okey? simpleng simple? gawa niya nung bata pa sha. Pero astig yung message, we look highly upon the stars pero makakagawa tayo ng paraan para tayo nmaan ang tingalain nila. :D
YAY!!!!!!!!! Sarap mahiga.
1 Comments:
profound...
Post a Comment
<< Home