Friday, April 07, 2006

Salamin

As promised... dati ko pa nakumpleto lyrics nito... nakalimutan ko ipost... Here it is :D

Masigla dapat yung mood tas biglang solemn sa mga last stanzas... please dont make fun of me, this is my pasttime kung inggit ka gawa ka ng sarili mo... walang masama sa ginagawa ko... :D

SALAMIN




Nakita kita sa 'sang salamin
At mapupungay ang yong tingin
Ihip ng hangin
Tumibok ang aking puso't damdamin
Pinangarap na ikaw ay akin
Wag mo lang akong sisisihing
Mahalin

Nakasalubong kita sa harap ng CAS
Kasa-kasama mo ang iyong mga kaibigang maaangas
Tinanong ng cute na guard kung nasan na ang ID mo
Napalingon
Naghahanap
Nawawala

Kulay ng aking mundo'y nagbalik , parang isang pantasya
Pitong kulay ng bahaghari ko'y naging walo
Pag nanjan ka namumulalak aking buong paligid
Mga Rosas
Mga Jasmin
Mga Biyuleta

Nakita kita sa isang hardin
At mapangakit ang yong tingin
Pag-ibig na bangin
Tumibok ang aking pusong malalim
Maganda ang aking pangitain
Wag mo lang akong iisiping
Tanggalin

Ika'y diwata na naglilibot sa aking panaginip
Mula noon hanggang ngayon buo na ang aking pasya
Ikaw ang aking iibigin kahit na ikasawi
Mamamatay
Inaalay
Dugong buhay

Pero bakit tila nakasimangot ka uli kanina
Ikaw ba ay nasasaktan o di kaya'y nagdaramdam?
Sa likod ng yong mga magagandang mga ngiti
Mga luha
Umaagos
Bumabaha

Nakita kita sa kalangitan
At banaag ang iyong mukha
Ikay nakapikit
Pumailanlang ka na sa langit
Iyong pakay sa lupa ay tapos na
Salamat sa iyong ala-alang
Kayganda

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com