Ate Juliet?
Remember my last two post? Christian...
Isang bata... na naulila... ni Ate Juliet.
Nakitulog nanaman sha the day after... at dahil isa akong vampire papo, nakakatulog muna sila ni Venoc bago ako magtry matulog. Mayamaya... alam niyo naman ako... Latest na record ko ay 1:00 nagtry matulog... 4:30 nakatulog... hay nako... longest ko siguro ay 4 hours... yung tipong umiiyak na ako dahil hindi ako makatulog...
Uhuh... after 30 minutes na paghiga... napansin ko na umiiyak si Christian. Nagsasalita sha ng mga salitang di ko masyadong naiintindihan... at ang nakakakilabot na pahiyaw niyang pagsalita... umiiyak sha ng wlaang luha. Patay ang ilaw, wala akong makita... pitch black ang paligid.
"Wag muna..."
"Ayoko.. pa mumble mumble"
"Hindi ako yun mumble mumble..."
"mumble mumble..."
Sobrang creepy... 3 consecutive nights na niyang ginagawa... Hindi ako makatulog nun siguro isang oras at kalahati shang gumaganun... pinakamahabang pag iyak niya sa loob ng 3 nights na natulog sha dito. Hindi ako makatulog grabe... Noong unang night na natulog sha, kinonsult ko si ma...
"Ma, umiiyak si Christian habang natutulog..."
"Talaga, baka naman gising."
"Hindi e... tulog talaga."
"Kawawa nga yang si Christian e. Biruin mo, bata pa alng sha naulila na sha, siguro kasi mabigat ang kalooban niya, nung may sakit si Ate Juliet, nawalay na agad sha tas ang aga pa pumanaw."
"Tas, nastun na lang ako sa kinauupuan ko, di ko alam irereply. ":)
Tas yun nga... habang nasa kama ako, nakatingin lang ako sa kama nila... pero wala akong nakikita, naririnig ko lang ang mga iyak ni Christian... At ang aking nasa isip that time ay... baka nasa tabi niya si Ate Juliet ngayon, at minamatyagan sha... gusto shang alagaan... pero may isa pang nasa isip ko, baka naman kinukuha na siya ni Ate Juliet para magkasama sila... dahil yung mga sinasabi niyang.. "Ayoko mumblemumble sob sob", ano ibig sabihin nun?
Hindi ako makagalaw, iniisip kong gisingin siya pero hindi ko nagawa.
maybe kung binuksan ko yung ilaw, nasulyapan ko si Ate Juliet? :D I pray... sana masaya sha ngayon... ang swerte ko... narealize ko... puno ng pagmamahal ang mga magulang ko sakken at hindi sila nagkulang... at hindi nila ako naiwan ng maaga... Ate Juliet, wag ka magalala, masayahing tao si Christian... kaya niya yan. :D
Extra Attack:
// niyaya ako ng mga childhood friends ko dito samin in a game of DotA, namiss ko na sila... halos 3 or 4 years rin akong umiiwas sa kanila dahil sobrang focused ko sa studies at ayokong mapasama sa mga bisyo nila... well, i have owned 3 consecutive games pero dhail lang yun sa beginner pa lang sila... Sana maging close uli kami... although, hindi ako makakasama sa mga inuman attack nila.., bawal bawal... ayoko ayoko... may new additions, meron rin namang mga nawala...
Benjo ---> kulay pula yung buhok, parang si Reno of FF7
Kuya Bombet
Jabog
Nico
Macmac
Egay
Amir ---> ngayon ko lang nakilala to... new character
at yung mga nanood, sina Harry, Den (new addition, dati hindi close to sa barkada namin), Kuya TJ... etc.. napansin ko hindi ko nakita si BJ at si Jay... well... masaya naman sila kasama... ayoko lang talaga yung inuman parts...
// may new twilight of love na ako... KINIKILIG AKO GRABE... WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH ANG SARAP MABUHAY... :D sana. Shet... ang lamya ko pakinggan. love love love lala love makes the world go round. :X kung maging okey ang lahat, ibibigay ko lahat...
// Im doing fine sa acads... yata? Sana mapasa ko tong subjects na to... para regular student na uli ako... I'm delighted when MANG SZE said that perfect ko raw yung problem solving... OMGWTFBBQIMBA... sana naman... para hindi na ako mamroblema...
// Nag di-dinnertime Fish marathon si mama... yaki... pagkatapos ng 7:30-6:00 na class arawaraw, fish arawaraw ang ulam ko... YAY... totoo... alam naman nilang hindi ako nabubusog pag kumakain nun at nawawalan ako ng gana... hehe... ang kyot kasi ni ma, sobrang favorite ang mga isda... arg. pero malas niya... di sha masyadong inaaccept ng ibang seafood... particularly... Oysters, Clams, Tahong, Tulingan... ang cutesy. ma, magluto ka naman sana ng... cheese chicken!!!! Haha.
// ang sarap tumulong sa mga kaibigan... gagawin ko nga tong hobby... ang sarap ng feeling... ang sarap makarinig ng salamat. from now on, less snob na ako...
1 Comments:
Where did you find it? Interesting read Dancing supplies houston hale kai hawaii bed and breakfast Buy levitra online Fitness equipment.  w Person mobile phone 2004 eclipse convertible Chicopee paintballing
Post a Comment
<< Home