Sunday, April 16, 2006

Keep the Faith

Hindi ako ganun ka-religious na tao... Hindi ko lang alam, hindi ako sure sa mga tinuturo sa simbahan. Naiinggit ako sa mga taong relihiyoso... hindi lang pagkainggit... kundi naiintimidate rin ako. Marami akong hindi alam tungkol sa aking relihiyon. At ang kyoti pa dun, lahat ng sininta ko na babae, mga relihiyoso... at forever trapped na ako at hindi kami bagay dahil sa religion na yan... ahuh... sinusulat ko to dahil holy week... katatapos lang.

Oo may takot ako sa Diyos.
Oo nagdadasal ako madalas.
Oo nagbabasa ako ng Bible.
Oo tumutugtog ako ng Inspirational Songs.
Naniniwala ako sa Diyos...

pero.

sigurado ako, yung iba sa inyo jan, minsan nagtataka o nagwo-wonder kung totoo nga bang may Diyos? Ang kasagutan... ay hindi masasagot ng simpleng tao lang. Ang kasagutan... ay hindi kayang malaman ng ating kaisipan. E bakit ito tinuturo sa mga religion? siguro ang tanging sagot na alam ko ay ang Pag-Asa... Sa 'Diyos' umaasa ang mga tao kapag nagigipit. Sa 'Diyos' humihingi ng mga biyaya ang mga tao kapag wala na silang makita... Sa 'Diyos' rin nila madalas na isisi ang mga pagkakamali at mga kamalasang nangyayari sa kanilang buhay. Kawawa naman ang 'Diyos'... Hindi ko sinasabi na hindi Sha totoo... Naniniwala ako sa Kanya, pero hindi ako sigurado kung totoo siya. Kitang-kita na mejo mababaw ang aking pananalig. Nakapanood ako nung mga palabas sa TV nung holy week na tungkol sa pananampalataya sa Diyos... Grabe naluha ako dun sa iba... ang bakla ko talaga. Dapat di na ako nanonood ng mga ganun, lalo lang kasi akong napapaisip tungkol sa supernatural... ard. Okey, yung isang napanood ko.. may kinalaman sa pagkamatay...

Yan tuloy, natatak nanaman sa utak ko ang nakakagimbal na pag-iisip sa mga nangyayari sa mga pumanaw na. Hindi ako naniniwala na nagiging paru-paro sila o mariposa o moth o kung anu man, o tutubi o salagubang... Mejo nagcocoincide nga sa mga ilang pangyayari... actually, nangyari na rin yun sa akin... yung makakakita ako ng paruparo... at nakita rin yun ng aking tita sa KANILANG bahay... at nakita rin yun ng isa ko pang tita... diba creepy... pero hindi ako naniniwala... Siguro... ano... messenger lang yung mga yun. Haha.

Langit? Mejo mahirap maniwala na WALANG LANGIT... san ka pupulutin after mamatay ka? Mas madaling maniwala na WALANG IMPIYERNO... dahil makasarili tayong nilalang... Ang mga hayop ba hindi pumupuntang langit? Bakit wala akong naririnig na ganun? Pano kung walang langit at walang impiyerno? Pano kung patay ka na, patay ka na talaga? As in pano kung patay ka na tas dun ka na lang, nakabaon ka sa lupa. FOREVER. Ang hirap namang isipin na pag namatay ka, wala ka ng mararamdaman, kaya pano kung yun, kung cinremate ka,,, ewan.. ang hirap isipin kung pano....

Kagabi... nasa Pampanga ako.. kahit pinarenovate na yung bahay para magkasya yung buong mag-anak... kulang pa rin... May bahay na yari sa kubo-materials na katabi ng bahay ni lolo... Kay lolo yun pero ngaun, may nakatira ng lola dun... kapatid yata ni lolo yung asawa nung lola... Tatlo yung kwarto sa bahay ni lo... at dalwa lang silang residence nun. Si lolo lang at si lola celia... (step-grandmother ko). At si Pitong, anak nila... tatlo pala... hehe... Hindi ako makatulog kagabi... sa pinakamalaking kwarto, nandun sina Ate alot at kuya dudu... Sa isa naman, sina ma at pa... sa isa naman, isang taong di ko kilala... dahil di ko tiningnan... dahil walang ilaw dun... Sa sala natulog yung iba... kasama ako... nanood pa kasi ako ng documentary at kami na lang ni tita aida ang gising... at inagaw pa niya yung pwesto ko. Haha... at sobrang tahimik ng gabi dun... wala akong marinig. Bukas ang pinto at mga bintana... Sa labas (terrace) natutulog sina Tito Odi, Lolo, kapatid ko et cetera... Sa gareta naman sina Tita Judith... ewan ko ba kung bakit ayaw kong matulog nun.. Siguro kasi, naaalala ko si Lola Liling... ang aking Lola... na hindi stepgrandmother... Hindi ko kasi sha mashadong nakapiling... Ang aking memories about her lang ay nung nasa tricycle kami kasama si Ma... nagdadrive yung Tricycle at may sakit si lola, balikbalik sha sa ospital... at naalala ko lang may mga calachuchi sa gilid ng daan... Yun lang naalala ko... Hindi ko na nga alam kung san yun... ginanap.

Image hosting by Photobucket
Tita Marita, Lola Liling, Tito Jojo


Parang sinasabi ng ID ko na kailangan may makita akong di normal. Biglang rumagasa ang imahinasyon ko. Tingin ako ng tingin sa bintana, nasa likod ko lang ang bintana, na ang vinuview ay ang kapitbahay, ang bakuran nilang puno ng puno, sampayan... Pag tumingin naman ako sa may pinto... nandun ang poste ng ilaw. May mga tala sa background... at every 20 minutes or so, may dumadaan na kotse.... sa may view naman ng mga kwarto... sobrang dilim... wala akong makita. ang eerie... minsan talaga, ginagago ako ng pagkainsomniac ko. Kahit anong gawin ko, di ako makatulog.... kahit anong gawin ko di ako makatulog.... Tinry kong matulog ng nakaupo... ayaw pa rin. Nakakainggit yung mga taong pag higa nila, tulog na agad sila... kahit anong gawin ko di ako makatulog.... kahit anong gawin ko di ako makatulog.... kahit anong gawin ko di ako makatulog....

Anyway,,, Godbless you Lola... I still believe in God. even though,,, hindi ganun katindi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com