Sunday, August 27, 2006

Relief

Sobrang sama ng pakiramdam ko last week pero mejo okey na ako ngayon. Nanlibre sina Gino at Jeric last night. Salamat Gino, salamat Jek! :) Belated happy bday Jeric, advanced happy birthday Gino!



Tas birthday na ni venoc sa 29!!! Lagi kong nakakalimutan kung kelan bday ni Venoc, di kasi ako sure kung sa 24 o sa 29, hehe... umalis sila nila ma at ja kaninang umaga. Si Venoc kasi mashadong paepal nagpabili ng gitara amf... Tas may Guitar Craze na agad sa amin. Kanina nakita ko mga pinsan ko kasama si Ja, papunta sa kwarto niya. Si Angel, may gitara. Si Grace, may gitara at kulay pink pa ang ganda. Tas si Ja at Venoc may gitara... that was pretty cute... Tas tatlo yung nakikita ko ngaun okey at bago matulog magjajamming muna sila Venoc at Ja okey at nakikinig kami ni Mama.

Mama: Ikaw Rac ano gusto mo ipabili sakin, bili rin kita gitara?
*tumango ako once, meaning negative response
Mama: Drums gusto mo? Para di ka laging nagcocomputer.
*tumango ako, meaning negative response
Mama: Flute gusto mo? Para di ka laging nagcocomputer.
*tumango ako, meaning negative response
Mama: Ano pala gusto mo?
Rac: EH, hindi naman ako marunong magdrums e.
Ja: Kaya nga ibibili ka para matuto ka e.
Venoc: Si kuya yung vocalist.

ano tayo, the corrs? op corrs.

Tas kaninang umaga, naririnig ko ang tugtog ng KoRn with an inversed R kaya ako nagising. Yun pala, bumili nanaman si pa ng mga concert dvds... At ang labooooooooooooooooooo ng mga binili niya okey? Kakaiba, hindi parang siya uyng bumili, hindi old school Rock... mukang gusto ni pa pakinggan yung ibang genre hehe.

a. Moby -> yung kalbo na malamya oooh lordy trouble so high
b. Rage Against the Machine
c. KoRn
d. Marilyn Manson -> OMG ngaun ko lang nakita magperform to, bano siya please pero nakakaaliw ang rami niyang pakulo. gayagaya sha sa The Cure yung makeup niya lahat ng member ng band nila ganun tas may props pa silang hotchics pero ayoko mga kanta nila, parang hate music tas ang pinakamaganda na dun yung Sweet Dreams (are made of these) tas hindi pa yata siya orig na kumanta nun, si Annie Lennox yata.
e. MuDvAyNe -> omg purely metal rock okay hindi ko na pinakinggan puro sigaw like, pero mukhang interesado si pa, tinanong niya sakin ano name nung banda e haha. Mukha silang mga halimaw lalo na yung guitarist... err.
f. Tupac -> rap amp...
g. D12 -> Hello Snark ΓΌ
h. Eminem
i. isa pang hindi ko kilala
j. Woodstock '99 -> Eto gusto ko panoorin kaso pinanood na yata ni pa habang tulog pa ako e, i want to see Flea! Tawa raw ng tawa si Ja ng pinopause rewind pa raw ni pa sa parteng nagtumbling si Flea (nakabold kasi siya). hahaha..

//Jenzen please return my RHCP DVD sa tuesday baka hanapin ni pa at mapansin niya na tinakas ko haha.

Naisip ko lang, papaturo ako kay Venoc kapag master na sha sa gitara. hehe.

Nitong week na to, ang rami kong serious conversation with my secret friends haha, ang saya. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com