Thursday, October 26, 2006

Kalokohan

Okey, isang gabi, nagkekwentuhan sina ma, ja at venoc habang nanonood ng TV at di ko napigilang makisama kasi nakakatawa uyng pinagkekwentuhan nila...

Venoc: Magkasama talaga yung dalwang yun sa kalokohan e.

Tinutukoy niya ang aking pinsan na sina Eloy at Bembem. Magkapatid sila at kuya nila si Janjan the Panjan (lima silang magkakapatid, in descending order... si Janjan the Panjan, Eloy the Peloy, Bembem the Pembem, American Diday, Bingkoy the Pingkoy) , mejo baklain kong pinsan pero gwapo at lalake raw sha sabi niya.

Ganito kasi yun, nangupet si Bembem ng 50 pesos sa kanyan mama. At ang pinagbentangan ng mama niya ay si Eloy. Nagalit si Eloy kay Bembem at kailangang aminin niya sa mama niya na sha ang nangupit kung hindi lagot siya sa kuya Eloy niya. And this is what Bembem the Pembem did.

Nagsulat sha sa may dingding malapit sa hagdanan nila:

SUlat. TaAs sa GiLid nG HAgDaN.

Tapos pag inakyat mo raw yung hagdan, may sulat pa dun na ganito ang nakalagay.

Ma, ako TaLagA anG nanGupIt ng 50 PeSoS. PatAwaRin NiyO na AkO. LaGyAn Ng TsEk pag PinApaTawad Mo nA aKo, Eks nAmaN kunG hIndI.

tas may box na katabi na paglalagyan naman ng answer nung mama niya.

ang answer ng mama niya? di niya sinagutan... pinagalitan pa niya lalo si Bembem for writing on the walls. Hahahaha... Snap talaga kaming apat habang nagkekwentuhan nun. Tawa kami ng tawa lokoloko kasi si Bembem haha. Ginawa ba namang treasurehunt/questionnaire yung dingding... HAHAHAHAHAHAHAHA :)

Tas may isang time pa raw...
Sa Santacruzan sa barangay nila raw.
Naguusap raw si Tita Judith (mama nila janjan eloy at bembem at diday at bingkoy) at ang mga amiga niya. Tas naguusap-usap raw sila na partner-partneran ng anak sa santacruzan.

SAbi raw ni

Amiga: Partner natin anak natin, ay ang bait naman ng anak mo.
Tita Judith: Oo nga mababait talaga yang mga anak ko, pinalaki ko silang ganyan.

Yun raw yung kwento ni Tita Judith kay Ja... ang kwento naman ni Bembem kay Ja ay:

Bembem: Takte ampapangit ng kapartner namin. Mga mukhang tae.

Hahahahaha... Totoo sha e :)

Tawa talaga kami ng tawa, mukang tae amp. haha.

Wednesday, October 04, 2006

Sea Mantis

Nahuli ni Ma dati sa probinsha ng Quezon na sobrang takot akong hulihin mas matapang pa sha sakken, masakit raw kasi to mangagat.



Ang ganda di ba.


Tuesday, October 03, 2006

Sulgi

Nagaalala ako sayo.
Kakaiba kasi ang pakikitungo mo sakken ngaun.
Halatang may problema ka na ayaw mong sabihin sakin.
Di ako sanay na ganyan ka, masyado na kasi akong nasanay na kakulitan ka at kaasaran, sobrang nakakatuwa kang katext. Bumibilis ang oras pag kausap kita, hindi ko namamalayan na madaling araw na pala, at nawawala ang atensiyon ko sa pagkainsomniac ko.
Palagay ko kasi may nagawa ako sa iyong kasalanan, kung bakit ka biglang naging malungkot, siguro dahil sa mga nasabi ko sayo... at hindi ako mapakali. hindi ako makatulog dahil dun. Sana naman sabihin mo sa akin minsan kung bakit ka malungkot, o kung galit ka ba sakin... para mapayapa ang aking isipan, gogogo. namimiss na kita uli :) ikaw nagpapasaya sakin ngaun, masarap mabuhay dahl sayo. :)

Monday, October 02, 2006

Sanctuary

alam kong paulitulit entries ko pero wala kang magagawa kelangan ko talaga iappreciate ang life at maiparating sa iyo kung gaano kasarap mabuhay. yun ang theme ng blog ko e. Kaya eto nanaman, appreciate lahat ng maliliit na bagay. ΓΌ
Random attack lang to , kung ano lang biglang sumagi sa isip ko okey? at hindi ako nagdadramattack okey? Gusto ko lang sanang makainspire pero kung gusto niyong pagtawanan okey lang. Ok, dedicated sana to kay Lolo... lo wag ka ng magdramattack at magtampo, magpakatatag ka, maraming nagmamahal sayong mga apo mo at mga anak at mga kamaganak at kaibigan.

Masaya ang pakiramdam na may sanctuary ka,
na isang paraiso,
na ligtas ka,
na may nagpoprotekta sayo,
na may nagaaruga sayo,
na malaya ka,
na kaya mong tumakbo sa bukirin,
na mataas ang araw,
na bughaw ang langit,
na may mga ibon sa papawirin,
tagak, tuhaw at maya,
na handa silang kantahan ka,
na may pamilya ka,
na handa silang suportahan ka,
na masaya sila sa mga ginagawa mo,
na may tiwala sila sayo,
na pinagmamalaki ka nila,
at nagaalala sila sayo,
na nanjan sila para pasiyahin ka,
at paligayahin ka,
at damayan ka sa bawat problema,
handang tugtugan ka sa gitara,
handang maglambing,
handang makipagkulitan,
tulungan ka sa iyong assignments,
at iba pang mga gawain,
na ikaw ay kanilang inspirasyon,
ikaw ang kanilang hinahangaan,
na dala mo sila sa balikat mo,
na karamay mo sila arawaraw,
di ka nila pababayaan,
na meron kang mga kaibigan,
iba-ibang katangian,
na magpapangiti sayo,
na magkekwento sayo,
na magbibigay ng payo,
na pwede mong iyakan,
na pwede mong tawanan,
sabihin lahat ng sikreto mo,
at iyong mga pangamba,
kung san ka payapa.
yun ang mahalaga,
payapa ang iyong isip,
malinis at tahimik,
tumalon ka sa batis,
magtampisaw ka sa dagat,
bumalik ka pag malinis na,
bumalik ka sa iyong kinauupuan,
magdasal ka sa Diyos,
sa grabe sa itaas,
magpasalamat ka,
sobrasobrang pasasalamat,
buhay ka kase,
at masaya ang mundo,
at yun ang mahalaga,
at may silbi ka,
may halaga ka,
may nagmamahal sayo,
may nagaalala sayo,
kahit di mo pansin,
kahit di mo mapansin,
kahit di mo pinapansin,
kahit di mo napapansin,
at kahit pilit mong wag pansinin,
may sanktwaryo ka,
kung saan masarap mabuhay.
Buti na lang buhay ka.





yay! tanggal lahat ng stress ko yahoo!!! Salamat sa grabe sa itaas. Corny na kung corny. Gwahhahahaaha.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com