Friday, December 22, 2006

Kinet



Collaboration namin ni Ja, although sha lang talaga yung gumawa, akin
kasi yung character design e, at sha mismo yung gumawa. College of Fine
Arts kasi si Ja sa UPD at may project sila na gagawa ng mga models na
gamit ay mga metals, at ewan ko kung bakit niya naisip na yung
character ko yung gawin niya... shempre pumayag naman ako, haha,
actually dalawa yung ginawa niya, etong Kinet at yung isa pa, Jester na
purely made of metals rin na umiikot yung mga kamay na parang
nagjujuggle ng bola astig.




Ang totoo, di dapat metallic to, yung itsura nito dapat parang normal
na lobster shell lang, e dhail nga mettalic yung theme nila, ginawa
niyang may pagcacyborg yung dating, parang Computer Bug or Virus nga
uyng dating niya e. Hehe. Sabi naman ni She, mukha raw sapatos,
patawa... at tama nga naman kung titingnan mo sa ganyang angle parang
sapatos nga hahaha.



One day, makikita niyo to sa isang auction house pag sumikat na si Ja.

Sunday, December 17, 2006

The Curly Wiry Dry Spongy Hair Strands of Yuckiness

Quotes from Mama (and Papa) and the Kadiri Curly Wiry Hair


sobrang paulitulit nilang sinasabi hahaha natawa nga ako nung nakita ko sa isang nakakalt na notebook ni ja yung isang quote ni mama na nakatikangkang ka nanaman jan hahahahahaha

1.
"Natulog ka ba kagabi, anong oras ka na natulog, nagkakape ka nanaman, kung anong oras ng gising mo ganun rin oras ng tulog mo." - Mama to Rac, kapag late nagigising para sa 7am classes

2.
"Nakatikangkang ka nanaman gising na lahat ikaw tulog pa." - Mama to Ja, di ko alam kung ano ibig sabihin ng nakatikangkang pero nakakatawa pakinggan hahahahaha, lalo na kapag kay ja sinasabi, at kapag ganun, duty ko na apra gisingin kapatid ko, kakalampagin ko lang yung pintuan niya ng malakas, nageenjoy naman ako dun. :)

3.
"Matulog ka ng maaga, bukas pupungaspungas ka nanaman." - Papa to Venoc, di ko rin alam kung ano yung pupungaspungas, siguro pag nagrurub ng eyes yun... nagagalit si pa pag mabagal kumilos sa umaga, binato nga nun ng water jug si venoc dati gwahahahahahaha nanjan na kasi yung service e 'pupungaspungas' pa



at eto yung latest, kumakain kami ng tanghalian ni mama kanina, tas napansin niya wala pa si Ja, tulog pa, kaya...

4.
"Hoy Ja, gising na, patikatikangkang ka nanaman jan gising na ang lahat ikaw na lang hindi, mamaya may kalyo na likod mo jan. Para kang si Tito Tobats mo." (Tobats, derived from the word 'mabato' which in kapampangan = mayabang... at mayabang nga naman talaga si Tito Tobats/Bato. hehe)

GWAHAHAHAHAHA, di ko talaga napigilan tawa ko sa comment ni ma, magkakakalyo sa likod amp... hahahahahahahahahahahaha tawa kami ni venoc e. ay may pahabol pa pala.... nagkekwentuhan kaming apat nila ja ma venoc at ako sa kwarto namin e binrought up ni ja yung topic tungkol sa buhok niya...

Ja: Yung mga kaklase ko inggit sa buhok ko kasi natural na raw na kulot, sila nagpapakulot pa sabi nila ang ganda ng buhok ko at ang galing. (basta parang ganyan)

e ayun, di ako papayag ng ganun dahil I HATE HER HAIR OKEY????

Rac: Weh, ampangetpanget nga ng buhok mo jan e.

Venoc: hahahahahaha

Ma: Oo nga nireverse (psychology) ka lang naniwala ka naman, shempre nahihiya lang yun sabihin na panget buhok mo kaya kunwari nagagandahan.

Rac: Oo nga, lagi ngang nalalagas buhok mo jan e. Hahahahah



(It's true, asar ako sa buhok nun dahil anywhere she goes, may ,mahuhulog na strands ng kulot at mahaba niyang buhok na kadiri okey, lagi naming pinapansin ni venoc yun kaya ayaw ko nga yun pag nandito sa kwarto sigurado magiiwan sha ng kanyang trademark na strands of curly kadiri hair. At true enough, pagkatapos namin magkwentuhan dun at magpunta na sa kanyakanyang room, may nakita akong strands of jaja's kadiri curly wiry hair sa aking higaan. So yucky talaga, di ko lang napicturan/nascan pero next time sige pipicturan/iiiscan ko para may ebidensiya, actually meron akong nakikita ngayon o.... so yuck.. from the meantime pagtyagaan niyo muna yung rough sketch ko sa taas...)


Tuesday, December 12, 2006

12-A-K

pag kumanta na si Kaye, at ang Switch function, nahulog mula sa langit, gumasgas ka sa lupa at naubusan ka ng kwento... naaalala ko si Laurice, kung paano ako nagkamali noon, nung tinanong ko ang kanyang stage... ilang linggong kausap ko si Jalene (hi jalene, miss you), na kanyang groupmate sa Tech Prep, at ang fulcrum ang nagligtas sa aking buhay. Masaya magkakaibigan, at lalo na kung panibagong simula. Naalala ko rin si <ly (leslie), at kung paano ko nawala ang singsing ng lola niya, at kung paanong simula nun ay hindi na kami nagpansinan, kung paano ako nawalan ng kaibigan.

pag ang pinakatatangi mong stellazio na ang nagdamot sa iyo ng ilaw, di mo maiiwasang gumawa ng kristal, kristal na halul. At ang tangi mong kapatid na lang ang makukuhanan mo ng paliwanag, at nagovernight pa siya ng dalawang magkasunod na araw sa school, wala ka ng ibang kasama kundi ang unan mong orange. At wala ka nang maisulat pa sa iyong iginuhit, isang salita na lang na sana'y makabuluhan. Isang salita na lang na sana'y pagbigyan, isang salita na lang na sana'y maintindihan. At hindi mo pa alam kung papaano itatago, kung papaano papagandahin, ingatan mo sana at wag mong ibabalibag ang bag mo, kailangang maipadama mo na ngayong pasko, dapat masaya sila.

Nitong mga nakaraang araw, dumalaw si lola, naglinis ng bahay, nagpakalma ng sarili, at ipinagdarasal ko na sana ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Lola Da, hindi tayo ganun kaclose pero ang bait niyo sakin last time. Sana kung ano nangyari sayo, iawit mo rin sa iba, iugoy mo rin sa iba. Sana dito na lang kayo tumira.

Gumising ako ng isang delingkwenteng gabi upang matuklasan na hindi na ako marunong uminom ng tubig. Gutom ako pero ayaw ko ng kumain, at wala na akong natatanggap na mensahe kung kailan umaakyat na ang pananampalataya ko, sana magwakas na ang taon na ito, gusto ko ng tumalon sa enero, sasalubungin ko ang taon ng pagwawakas ni Axis. Hoy fool, galingan mo pagaaral mo jan hehe.

Pinsan ko, na hindi na siya masaya kapag may pusa akong daladala, at kapag umuulit ako, parang sapat na sa kanya ang isa. Kapag yung Secretariat School o kaya yung Pandaren Brewmaster yung kaaway niya, puno siya ng galak, at tuwang tuwa pa pero kapag prosperity na, parang wala lang, parang walang gana, parang walang tuwa, walang kahit na ano. Nagalinlangan na ako dati, pero bawat hakbang ko, nadadapa ako.

Ang sarap ng asukal na buhay.




Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com