Sunday, July 02, 2006

Sunday Wala Akong Magawa OMG

Kahapon, sabado ang supposed to be TRUE SCHEDULE ko... biruin mo naman, 4-9 prime meridian ang klase namin. tas may break kami from 10-4 OMG HAXORZ. Tas, mukhang mejo malabo ang possibility na makakapgdota kami ng matino tuwing SAturday dahil may pasok rin ng sabado ang lower year na 2nd year comsci students na bahay nila ang Natasha. Pero siguro okey na rin yun para di kami mapagastos. Siguro.

Kahapon ng umaga, nagising ako ng alarm clock na sinasadya kong ilagay sa mga UNPREDICTABLE na lugar. Ginagawa ko yun para maensure ko na hahanapin ko pag gising ko ang alarm clock at magising ako. Kadalasan kasing nangyayari ay pinapatay ko lang ito tas paslang na uli ako.

OMG ANG GANDA NG BACKGROUND MUSIC KO NGAUN...
to the beat of my, to the beat of my, to the beat of my heart :) OMG im inlove :)
ang ganda ng boses ni Hilary, parang pang chic. nakakamiss tuloy ang pop paminsanminsan, Tae kasing mga rapper gangsta ala snoop dog Jay Z Kanye yan e. OMg may lyrics pala ang Mmmbop akala ko gibberish lang yun hahaha.

anyway... balik tayo... so ang totoo pala, nagising ako 530 na. Ginising ako ni ma. Hindi nanaman ako nagising sa alarm clock ko. Tas furious na sha like Furion the Prophet. Wag ka ng magkanin. Bilisan mo jan. 7am klase mo tas aalis ka sa bahay 7am? edi makakarating ka sa school tapos na klase mo. kung ganyan ka rin lang idrop mo na yang subject na yan. kaya ka bumabagsak e. anong oras ka natulog. diba sinabihan na kita na matulog ka na tas laru ka pa rin ng laro sa computer. anong oras ka natulog. kakatulog mo lang ano. omg all of these was addressed to me by mama while eating instant supreme noodles na talagang nilasahan ko. Nagreply talaga ako kay mama habang nagtatanong sha at nagsesermon. mamadaliin talaga kita kala mo ha. habang naliligo ako, kinakalampag niya yung pinto omg im hasseld pero wala talaga akong pakialam. hindi ako nagsalita nung araw na yun. habang magbibihis na ako kinakalampag niya rin yung pinto like she is a contestant from WOWOWEE at gusto niyang makapasok sa ULTRA. pagkatapos ko magbrush my teeth, diretso kuha ako ng pera sabay alis. tas tulala/tulog lang ako papuntang school.

hulaan niyo kung anong oras ako nakarating ng school. 6:30.
hulaan niyo kung anong oras nagstart ang klase. 8:00.

tas wala pang klase dun sa isaang subject so nasayang lang ang paghintay namin at paglalaro ko sa natasha. DApat umuwi na lang ako at nagTTA hahahaha!!!!111111111

Nakachat ko si Cholo, at nagbigay sha ng link sa akin sa FF6 rom at snes emulator. OMG malalaro ko na uli ang finalfantasy 6. Unang laro ko dito ay marami akong namiss so tingin ko ay mas mageenjoy ako ngaun. anyway.... isa sa mga kawirduhan ko ay naglilist ako minsan ng characters tas wala lang ililist ko lang sila tas happy na ako.

1. Terra Branford - magandang chic pero di ko type
2. Locke Cole - thief na malamya
3. Edgar Roni Figaro - manyak at chicman na hari at kapangalan niya ang aking itay na si Ronnie
4. Sabin Rene Figaro - mongha na kapatid ni Edgar Papo. Macho siya type ko sha.
5. Shadow (CLyde Arrowny) - isang ninja na sobrang angas at sexy at may alaga siyang cool na aso omg hes my idol kaso nung una kong nilaro FF6 namatay siya dahil iniwan ko sha dati hahaha
6. Celes Chere - teh hotchic she's my crush
7. Cyan Garamonde - isang knight na ang accent ay Old English yun bang mahilig sa 'thou', 'thee', 'tither', 'doth' etc.
8. Setzer Gabbiani - isang gambler na sobrang gwapo at maangas type ko rin sha dahil maporma sha
9. Relm Arrowny - isang fine arts student tulad ng kapatid kong si Jaja.
10. Strago Magus - isang tandang kurdo na magaling mag magic
11. Mog - isang cute na stuff toy
12. Umaro - isang mabahong sasquatch. oo mabaho nga yata sha.
13. Gau - isang tarzan na green ang buhok maporma
14. Gogo - isang lalake/babae na mahilig manggaya

OK, nalist ko na lahat sila, masaya na ako like a true mababaw ang kaligayahan








Nanalo si Pacquiao kay LArios no match si Larios pramis naaawa ako pero hanga pa rin ako kay Larios kasi sport sha at mabait. hahahaha... nanalo ako ng BENTE!!!!!!!!11111111111 NAKIPAGPUSTAHAN KASI AKO OMG BIG DEAL OMG OMG OMG MAGpapaBOBLOWOUT AKO.

oo nga pala... Honey Bunny, kung nababasa mo to, ang ganda mo kasi :)

3 Comments:

At 5:39 PM, Anonymous Anonymous said...

Wonderful and informative web site.I used information from that site its great.
» »

 
At 4:53 PM, Anonymous Anonymous said...

Cool blog, interesting information... Keep it UP »

 
At 12:42 AM, Blogger Unknown said...

❤️

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com