Friday, May 12, 2006

Tag-Ulan. Salamat kay God. (Sobra)

Tag-ulan na naman... Ang sarap ng pakiramdam ko ngaun... habang umuulan, ang hangin na dumadaloy mula sa king bintana ay sariwang sariwa at ang lamig pa ng tilings sa sahig... at masarap magkape... sobrang narerelax ako. Buti na lang umuulan na uli, mejo hassel lang sa pagcocommute pero sobrang okay pag nakauwi ka na, sobrang ginhawa, sobrang sarap ng feeling... ngaun ko lang naappreciate ang ulan ng ganito katindi... :)

Sobrang raming nangyari sa mga nakaraang araw... dalwang beses palang umuulan pero ayos... naeenjoy ko... unti-unti akong napapalapit sa elemento ng tubig... BLBLBLPPP...

Once again... icocongratulate ko si Jaja,,, kapatid ko... nakapasa sha sa UP Diliman okey? Fine Arts course niya... at enrolled na siya... proud ako sa kanya, pero nung sinabi niya yun sakken ng harapan, muka lang akong no reaction. Sabi pa niya...

"Hindi mo man lang ba ako icocongratulate?"... haha... pero wala na akong sinabi, basta masaya ako para sa kanya... ayoko lang magmukang malamya... naglevel up paghanga ko sa kanya okey?

Nakitulog nanaman si Christian dito... at umiiyak nanaman uli sha habang tulog okey? at ginising ko sha... nagmulat mata niya tas nakatulog uli sha agad... at ngayon, nandito nanaman sha... hehe.... pero hindi na sha umiiyak ng tulog, siguro may kinalaman ang panahon, siguro mas relaxed na sha dahil malamig ang simoy ng hangin.

Next week, ako lang magissa sa bahay... ano kaya magandang gawin... di ako pwede maglakwatsa, kelangan bantayan tong bahay, kailangan kong maregain ang trust ni ma...
at pa.

Hmmm... this time... magpapasalamat ako kay God... hindi lang dahil nagpaulan sha dito ng kanyang grasya at luha... kung hindi, nagligtas rin sha ng isang taong sobrang mahal ko...

Kagabi, nagpapacharge ako kay venoc (younger brother ko). Ang nakuha niyang charger ay yung sira... nastuck yung plug ng charger sa outlet... yung metal na strip, hindi niya matanggal... hinayaan ko na lang dhail busy ako sa pagchachat...

Kinabukasan... (current day = now)... paguwi ko, nakikita ko mula sa labas ng pinto yung family ko, nandun si Ma, nagluluto, si Venoc, nasa sala... dumiretso ako sa kwarto ko pero pagdating ko sa kusina... sabi ni ma.

"Yang kapatid mo kulang sa orientation, hinuhugot kanina yung sirang charger sa outlet gamit ang vice grip, buti nakita ng papa mo, kung hindi edi nangisay na yan..."

napahinto ako sandali... tae ba... whew.... sigh.... buti na lang... thank god. God, salamat at may kapatid pa ako. Sobra. Sana naririnig mo to. You make me feel alive. Ulan, bumuhos ka lang... hugasan mo na yung buong mundo. :) Salamat, talaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com