Sunday, December 17, 2006

The Curly Wiry Dry Spongy Hair Strands of Yuckiness

Quotes from Mama (and Papa) and the Kadiri Curly Wiry Hair


sobrang paulitulit nilang sinasabi hahaha natawa nga ako nung nakita ko sa isang nakakalt na notebook ni ja yung isang quote ni mama na nakatikangkang ka nanaman jan hahahahahaha

1.
"Natulog ka ba kagabi, anong oras ka na natulog, nagkakape ka nanaman, kung anong oras ng gising mo ganun rin oras ng tulog mo." - Mama to Rac, kapag late nagigising para sa 7am classes

2.
"Nakatikangkang ka nanaman gising na lahat ikaw tulog pa." - Mama to Ja, di ko alam kung ano ibig sabihin ng nakatikangkang pero nakakatawa pakinggan hahahahaha, lalo na kapag kay ja sinasabi, at kapag ganun, duty ko na apra gisingin kapatid ko, kakalampagin ko lang yung pintuan niya ng malakas, nageenjoy naman ako dun. :)

3.
"Matulog ka ng maaga, bukas pupungaspungas ka nanaman." - Papa to Venoc, di ko rin alam kung ano yung pupungaspungas, siguro pag nagrurub ng eyes yun... nagagalit si pa pag mabagal kumilos sa umaga, binato nga nun ng water jug si venoc dati gwahahahahahaha nanjan na kasi yung service e 'pupungaspungas' pa



at eto yung latest, kumakain kami ng tanghalian ni mama kanina, tas napansin niya wala pa si Ja, tulog pa, kaya...

4.
"Hoy Ja, gising na, patikatikangkang ka nanaman jan gising na ang lahat ikaw na lang hindi, mamaya may kalyo na likod mo jan. Para kang si Tito Tobats mo." (Tobats, derived from the word 'mabato' which in kapampangan = mayabang... at mayabang nga naman talaga si Tito Tobats/Bato. hehe)

GWAHAHAHAHAHA, di ko talaga napigilan tawa ko sa comment ni ma, magkakakalyo sa likod amp... hahahahahahahahahahahaha tawa kami ni venoc e. ay may pahabol pa pala.... nagkekwentuhan kaming apat nila ja ma venoc at ako sa kwarto namin e binrought up ni ja yung topic tungkol sa buhok niya...

Ja: Yung mga kaklase ko inggit sa buhok ko kasi natural na raw na kulot, sila nagpapakulot pa sabi nila ang ganda ng buhok ko at ang galing. (basta parang ganyan)

e ayun, di ako papayag ng ganun dahil I HATE HER HAIR OKEY????

Rac: Weh, ampangetpanget nga ng buhok mo jan e.

Venoc: hahahahahaha

Ma: Oo nga nireverse (psychology) ka lang naniwala ka naman, shempre nahihiya lang yun sabihin na panget buhok mo kaya kunwari nagagandahan.

Rac: Oo nga, lagi ngang nalalagas buhok mo jan e. Hahahahah



(It's true, asar ako sa buhok nun dahil anywhere she goes, may ,mahuhulog na strands ng kulot at mahaba niyang buhok na kadiri okey, lagi naming pinapansin ni venoc yun kaya ayaw ko nga yun pag nandito sa kwarto sigurado magiiwan sha ng kanyang trademark na strands of curly kadiri hair. At true enough, pagkatapos namin magkwentuhan dun at magpunta na sa kanyakanyang room, may nakita akong strands of jaja's kadiri curly wiry hair sa aking higaan. So yucky talaga, di ko lang napicturan/nascan pero next time sige pipicturan/iiiscan ko para may ebidensiya, actually meron akong nakikita ngayon o.... so yuck.. from the meantime pagtyagaan niyo muna yung rough sketch ko sa taas...)


1 Comments:

At 3:27 PM, Anonymous Anonymous said...

I read this paragraph completely on the topic of the comparison of most up-to-date and preceding technologies, it's remarkable article.

my blog post ... backup software

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com