akala ko ba masarap mabuhay?
binili ni allen sa akin ung 60M ko sa Ragna for 2000pesos.... hehe. nice.
pwede ba ako magmura? kasi cool na tao mga nagmumura e, gusto ko maging cool kahit sa blog lang na to.
(at actually nagmumura naman talaga ako sa tunay na buhay, pero i didnt mean it, pramis)[waw inglish]
arg.... feeling ko kailangan ko na talagang magmura e.... pero cge.... wag na lang.... nakakaasar lang kasi week na to.
hindi ko namanlayan, na isa pa lang hell week ngaun.... ARG. URD. nakakawalang gana. buti na lang di ko agad nalaman kung hindi di ako makakatulog. hng.... sa totoo lang nawawalan na ako ng gana sa pag-aaral.... Kaninang umaga, 10am pa lang, nagtest na kami sa Math73 lec.... ark, sobrang ikli ng coverej pero hindi ko masagutan ng maayos lalo na yung let something be u.... (sori mama, sero yata ako ngaun sa test). GGGGGGGGG. At ang pinakakinainisan ko ay ang +C na kailangan idagdag sa expression kada magaanti-derivative ka.... [kung hindi ka block12 or math addict, di ka makakarelate]. sayang naman. hindi ko naalis sa utak ko yung pagkakamaling yun, parang gusto kong ibalik yung time. bwahahaha, o kaya i load uli. [if ever na may kapangyarihan akong magsave at load]. Tas 5-7 pm pa gaganapin yung exam sa Math73Lab... at nakalimutan ko pa ang formula ng DSolve... Anyway, nawawalan na ako ng gana magtype... (tungkol sa math)...
Habang nakaupo ako dun, gusto ko na lang malusaw, o kaya mateleport, o kaya uh.... lumindol.... hindi na kasi gumagana ng matiwasay utak ko nun e....
umalis na ako agad, hindi ko na hinintay si Noah, dahil may Exam pa uli kami bukas... CS21 Lec at CS55 Finals (ma'am Alib branch). arg. tuwing ganitong times ko lang yata naaalala si lord e. :( ndi naman, madalas lang ganitong times... urrrrr.
Madilim. Sobrang pangit ng Maynila. Mainit, maingay, mabaho, hindi ko maisip na eto pala ang capital natin... walang sinabi sa Quezon City. urd, so sumakay na ako ng FX, at masikip dahil macho yung mama na katabi ko. At nagbayad na ako ng barya... buti na lang may emergency pocket yung bag ko na puno ng barya. bwahahahaha! At dahandahan. Nahilo ako. Dahil tinry kong makatulog. Dahil nalalanghap ko nanaman ang aking medisinang iniinom. at dahil airconned yung FX... Arg. Gusto ko ng masuka... pero tiniis ko, matatag kasi ako e. parang oak tree ako. deh. heehee.... sobrang narelax ako pagkababa. Pero di pa pala nagtatapos dun ang aking hardships. Pagkatapos kong makipagsapalaran sa overpopulated na streets nung terminal ng tricycle e may panibago na naman akong problema. Yung driver nung trike ay nagssmoke. Tae. Hindi ba niya alam na may TB ako, at kasalanan ng mga tulad niya yun (at ng Maynila, sobrang dumi mo Manila ka.... mahiya ka naman)... at nasa likod niya ako. kaya nung pagbuga niya ng smoke(para siyang dragon sa isang chinese legend), pakiramdam ko ay nagsusugat ang aking lungs... ARG. Palagay ko maaga talaga akong mamamatay. Mas maaga pa kay jon. Ngawit na paa ko, pabalebalentong na akong naglakad papasok sa bahay. Ang sarap makauwi, relaxing yung sofa.... :D hay salamat.... pero bigla kong naisip... biglang kumutob ang aking puso, at tumakbo ng mabilis.... sa loob-loob ko, sigurado na ako na mafufrustrate ako kapag umasa pa ako na relaxing ang ulam namin. "Ma, ano ulam" "Gulay" Tededen....... gumuho ang aking mundo... dapat umiyak na lang ako kanina.... Gulay amp... ok lang sana kung hindi ako pagod pero pagod ako, k? At hindi ako papayag na basta ganunganun na lang.... kaya nagbukas ako ng tuna. yey. solb na. at tikoy pa pala. woohoo!!!! pero naimbyerna si pa kasi dakilang epal si Venoc, gusto rin niyang magbukas ng tuna.... arg. ayoko ng masapak muli. So tumahimik na lang ako, binigay ko na lahat ng tuna kay Venoc. sigh.... at ang pinakafrustrating sa lahat ay ng malaman ko na kami lang ang pinakamababa sa MP. hay nako..... gusto ko ng pumatay ng isang tao jan.... ung feeling teacher na NAGTUTURO TALAGA na walang kaexpreexpression ung mukha... sigh.... ayoko na magaral.... sana mas masarap mabuhay bukas.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home