Monday, April 04, 2005

Suntukan

Wala sina mama ngayon. Nasa Pampanga nga kase sila ni Venoc dahil inihatid nila si lolo... Kaya ang naiwan sa bahay ay ako, si pa, at si ja. natulog lang ako buong araw at nagdrowing ng sora para sa isang kaibigan ko. nasasayangan ako sa araw kong to, walang kwenta talaga. nagsayang ako ng isang araw ng aking buhay. at dumating na nga ang gabi, at dahil nga allah si ma, nagtawag si pa ng kanyang mga kaibigan para mag-inuman sa bahay namin.

Title:Nang makita kong maging Furious, MagBerserk at MagLimitBreak si Kuia Medel.
Characters:
Ronnie Merjudio (papa ko)
Medel Garganta (kabarkada ni pa since highschool, mabait, nagabroad for many years)
Boy (kabarkada rin ni pa galing Quezon, kinupkop ni pa at pinapatuloy kina Tito Roel, ihinanap ni pa ng trabaho)
Romy Alteza?/Kuya Balong (kapitbahay namin, (bagong) kasama sa barkada pero ngaun-ngaun lang sya nakilala ni pa(mga 4-5 yrs na cguro))
Kuya Iloy (kapatid ng asawa ni kuya balong, bata pa, cguro 24 yrs old pa lang) Tito Roel (kapatid ni pa)
Rock Merjudio (isang creep, isang weirdo, p*ta, what the hell he's doing there? he dont belong there...)
Setting: bahay namin, sa sala... dun sila nag-iinuman... si ja nasa kwarto lang... dala-dala ni kuya balong anak niyang babae na si Bea, iniisketch ko siya ng caricature niya. gabi na, mga 7oclock siguro.

Mahaba-haba na rin ang inuman nila pa... As usual ganun lagi role ko, tagamasid, tagalinis ng kalat nila, tagakuha/bukas ng beer, tagasunod sa utos nila... marami na akong nakita sa mga inuman sessions nila pa. Nandiyan ang minsang magpakita ng brief (color blue) si Tito Jojo. Nanjan ang minsang paghedbang at lipsynch ni Tito Pok sa tugtog na led zeppelin, metallica, etc. Tsaka yung mga mahihina sa inuman na laging nakakantiyaw. Randam na randam ko talaga na masaya sila sa pag-iinom nila. Bakit ba sila nag-iinuman? Para magbonding, para once in a while magkakmustahan, para magsaya-pahinga sa trabaho, para lumayo sa problema... yun. At dahil sa pag tagal ay natutulog sa inuman si pa, sa akin niya ipinapasa ang authority sa bahay (dahil ala si ma). Ako ang kailangang mag-maintain ng linis ng bahay. Ako ang supposed to be magsasara ng pinto at gate pagkatapos mag-inuman... yun.

Tulog na si pa nung mga oras na yun. Pagala-gala lang ako sa aming bahay, at pagbalik ko sa sala, nakita ko na nakatayo na sina kuya medel,tito roel at kuya balong, dinaanan nila si pa habang naririnig kong sinasabi ni kuya balong na "dito na lang para respeto ganyan-ganyan" (sumthing like that) ginaguide nila ni tito roel si kuya medel palabas. Tas si kuya iloy at kuya boy, magkasama parang parehong galit... si pa, tulog. Dinala nila si kuya medel sa labas. binatukan pala ni kuya medel si kuya boy. kaya gumanti.. at dun na umawat sina kuya balong at tito roel. tas naririnig ko si kuya iloy "bubugbugin ko talaga yan ganyan-ganyan ganito-ganito". di ko alam reason. pinauwi na nila kuya balong si kuya medel... akala nila umuwi na so pinagkwentuhan nila yung nangyari... "mali siya dun ganyan-ganyan..." "papatulan ko yan ganito-ganito"... tas, bumalik si kuya medel, narinig niya pala... tas ako naman humarang na sa gitna... (bali nasa labas si tito medel ng bahay, nasa pinto ako, nasa loob yung mga nag-iinuman)... tas mayamaya, nagmumurahan na sila "tang-ina mo ganyan-ganyan" "lumabas ka rito ganito-ganito" "puro ka pareng roni puro ka pareng roni ganyan-ganyan" "puro ka kwento halika rito ganito-ganito" "kung mangbabatok ka yung kaya mo ganyan-ganyan" "halika rito isang bagsak lang ganito-ganito" ako. hinanda ko na ang sarili ko sa gulong mangyayari... basta nakaharang lang ako sa pinto... Lasing na si kuya medel, ngaun ko lang siya nakitang mapasabak sa gulo. (ang madalas na nakikipagsuntukan dito yung tatay ko e...) pasuray-suray na syang maglakad. at nakapikit na ang isa niyang mata. yung mga nasa loob naman, sa tingin ko hindi pa lasing... ang mabuti na lang, nagising si pa... para matigil na ang gulong to... nirerespeto siya ng lahat, at hindi sila nagsasapakan dahil nasa bahay sila ni pa. nagtitimpi na lang raw yung mga tao sa loob. so lumabas si pa at kinausap si kuya medel. salita pa rin siya ng salita at kung anu-ano... sinubukan siyang ihatid ni tito roel pauwi pero nung malapit na raw sa bahay ni kuya medel, nagwala raw ito (nag omni-slash deh.)... kaya nainis raw si tito roel, sabi niya pagbalik "pag bumalik pa yan rito banatan niyo na, naiinis na ako jan", dun nag-ignite ang ready signal ni kuya boy. Ready to stike na siya. Bumalik si kuya medel, nakataas ang dalwang kamay na parang nagta-taunt ("sapakin niyo ko")... lumapit si kuya boy. face to face sila. nasa kanan nila si pa. nasa kaliwa nila ko. at yun, nagsapakan sila... agad namang umawat si pa... (oo nga pala, yung swiss knife at cell ni kuya medel, nasa akin, binigay sa akin ni tito roel... nakuha niya nung inihatid niya si kuya medel"). ibinuhos na naman ni kuya medel ang kanyang sama ng loob. nagsalita siya. "mali ba ako? mali ako pare. ganyan-ganyan" "hwag mong sabihing kampi si pareng ronnie sayo ganito-ganito" "mambabatok ka e yung kaya mo ganyan-ganyan" tas naglapit uli sila at nagsapakan pa, mga naka 2 hits siguro sila bawat isa for 400 hp damage. tas cinast ni kuya medel si Quezacotl!!! deh. tas inawat na ni pa si kuya boy, tumatawa pa si pa nun para wag maging madugo yung sapakan. binuhat niya ito... hehe... tas sinamahan para umuwi na dun sa tinutuluyan niya. ako naman ako ang umawat kay kuya medel. inakbayan ko siya (na parang akbay sa kabarkada)... hindi naman siya pumapalag. sabi niya... "rac, nirerespeto kita alam mo kung bakit?" sabi ko bakit. "kasi sa lahat ng pare ng tatay mo, ako lang kumakarga nung maliit ka ganyan-ganyan. natatandaan mo pa ba yun?" sabi ko naman oo kahit hindi na. tas, nabasa ang mata ko ng kaunting luha. randam ko kay kuya medel ang sakit na pinagdaraanan niya ngaun. (tingin niya sa sarili niya ay alang kwentang tao which is hindi naman totoo) pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis siya. akala ko ay uuwi na, pero nakita ko papunta sa direksyon nila pa. parang wala akong laban. pumasok na uli ako sa loob ng bahay. iniisip kung ano pa ang mangyayari. tumingin sa salamin... mukang hindi naman ako naluha. di ako mapakali. pag labas ko, nanjan nanaman sila sa labas... nasa isip ko sinasabi ko "umuwi na kasi kayo mga isip bata ganyan-ganyan, para binatukan lang akala mo sobrang napahiya na ganito-ganito" bali kaming tatlo ni kuya medel at pa ay nasa labas ng bahay namin habang yung sila tito roel, kuya iloy at kuya boy (nakatingin siya ng masama kay kuya medel) ay nasa tapat ng bahay namin. [diba nga kapitbahay namin si kuya balong]. buti na lang, galit na si kuya roel kaya pinatahimik na niya sila boy. may power siya dahil nagtatrabaho siya dati sa barangay nila at siya pa ang leader dati. at marami siyang alam sa batas ganyan-ganyan... maya-maya, ipinagpatuloy na lang nila yung inuman nila kina kuya balong. nagumpisa na ang madrama part.
nakita ko sa tabi ko ang dalwang tunay na magkaibigan. magkaibigan sila since highschool pala. ngayon ko lang nalaman. habang kinakalma ni pa si kuya medel, ibinubuhos naman ni kuya medel lahat ng sama ng loob niya. frustrated overseas worker siya. lahat yata ng naipon niya for so many years (about 10?) ay naglaho sa isang iglap lang... di ko alam ang dahilan, pero narinig ko yun kay pa. at yun ang hindi alam ng iba. yun ang lubos na dinadamdam ni kuya medel. siguro nagkamis-understanding lang kaya nangbatok si kuya medel. sabi ni pa simula nung nawala yung pinagipunan niya, lagi na raw siyang problemado at frustrated man. at hindi sinabi yun ni kuya medel kay pa. nalaman ni pa thru sa tatay yata ni kuya medel. tas maya-maya pa nagkekwentuhan na sila sa college days nila. naalala ko tuloy yung pangarap ng Gangs op komonwelt. pangarap namin na mabuhay sa iisang village lang, dahil masaya kami sa isat-isa. para sakken, kasama sila sa mga pinakamahal kong tao sa buhay ko. kaso mukhang nawawasak na nga dahil sa love triangle sa loob ng barkada... kung sinu man yung may kasalanan, nakikiusap ako "please, itigil mo na yan.... marami kang nasasagasaang tao. hindi lang siya." pero wala naman akong magagawa kapag itinuloy niya yun. bahala na. napa-upo si kuya medel sa kalasingan. tas sabi ni pa "parang dati to a, pag di na nakatayo isa satin binabantayan nung isa ganyan-ganyan" "kasi wala kang chicks ganyan-ganyan" nadudurog yung puso ko sa loob. ang ganda ng samahan nila. parang ang ganda gawan ng movie... sana paglaki ko may ganun pa rin akong kaibigan. tas maya-maya pa, hinatid na ni pa si kuya medel, tinanaw ko sila hanggang sa maglaho sila sa dilim. nakakainggit barkada ni pa. buo pa rin hanggang ngayon. hinintay kong makauwi si pa. tas. sinara niya na ang pinto. pinatay ko na ang ilaw. nagpunta akong kwarto. tahimik.
Image hosted by Photobucket.com
soraness
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
opal boys jackass... rolling down a hill... kung gusto niyo yung clip makita, ipasend niyo sakken.... nakakatawa pramis. :D
Image hosted by Photobucket.com
sana kasama ko paren tong mga cool guys na to kahit matanda na kami... kyutee. nainspire ako kai pa.
Image hosted by Photobucket.com
opal boys acting for the clip entitled "kidnapper" hahahaha.... everytime pinapanood ko yung cd naitn, di ko mapigilang tumawa....
Image hosted by Photobucket.com
Komonwelt salakot.... jon matino.
Image hosted by Photobucket.com
ganito ang tamang paraan para magsabi ng WOAH.

5 Comments:

At 6:28 AM, Blogger syk0saje said...

waw.. action packed ah!
sana naman maayos ang mga isyu diyan sa lugar neo..
para la na mga delikadong suntukan session =\

sige,, VIVA POR BABOY!!
pepX|

 
At 8:19 AM, Blogger rac? said...

hahahahaha! oo, sanay na ako. mainitin kasi ulo ni pa. hehe.

-rac o4

 
At 7:45 AM, Blogger rac? said...

hahahaha! iyak na tayo....

 
At 5:15 PM, Anonymous Anonymous said...

Excellent, love it! »

 
At 2:25 AM, Anonymous Anonymous said...

Keep up the good work Dsl in seattle Diagnose video cards Chrysler crossfire accessories Fiat barchetta body kits Car rental st. augustine Www adderall ep patents How to get a patent on a invention Actis impotence Watch tk seiko Sargeant web design Insane asian America tire discount tire Burning thigh and ass fat

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com