Tuesday, June 21, 2005

Isda. Masarap. Panalo.

listening to 'Hunter X Hunter - Carry On'
feeling
Image hosted by Photobucket.com
very tired, especially sa part ng ankle...

Late ako. Hindi trappic kasi. Mali yata calculation ko ng time. Nakaabot pa talaga ako sa ChemTest.
Nakinabang talaga ako sa mga pinag-aralan ko. Arg. Dapat kasi yung test tuwing bago idismiss na lang sana yung
class e. :( Frustrated agad ako... next time sobrang aagahan ko na.
Ark... nice day... 7pm na uwe. ncie talaga.
Ambilis ng pacing ng mga lessons ngaun... particularly sa chem at sa math74.
Para ngang tinadtad kami ni Ser De Armas ng mga Uzi at Carbine niya. Bratatatatatatatatat.
Tapos... ano nga ba sunod nung math... uhm... nakalimutan ko na... basta breac time na yata namin
ni noah... ay oo... chem lab muna. na-meet namin yung teacher at isang unexpected guest. WAW.
highschool chem ule, matrabahong lab reps nanaman. ARG. Oo nga pala, kaklase namin si RonO4 sa
chem 14, 14.1 at sa Hum2... Wafoo. Uhm... at dahil excited na kami ng 'ANG TROPA' (as jc would call it,
ala pa kaming permanent name... ano kaya....), ay dumiretso na kami sa MicroExpress, ang comshop
katabi ng Netforce Cyber V, sa Anglo Arcade, sa Taft Avenue, gitna ng mcdo at jubilee, pagaari at pinamamahalaanan ng isang lolo. Just so you know...
kung may id ka ng upm at pinakita mo sa counter ng mcdo, may libre kang 'go bigtime', sundae, or extra rice...
sulet diba? nagtake out kami ni noah dun. sina donel mike at roy ay nauna na. tas nandun sa microexpress
sina jensen wafoo, allen, aaron the yurnero [yurnero ka nga ^_^] , jm, ivan, isla... hehehehe. Goodbye netforce babies....
3on3 laban namin nung una. Tae bat sobrang passionate ko na sa DOTA na datirati ko lang ginagago pag naglalaro ang
mga railings-ateneo/diliman branch sa 129. Arg. At ngaun lang kami naadik. malabo. pag nagpatuloy to, lagot studies ko.
hahahahaha.

eto yung second game namin.
scourge
rac - phantom assasin Image hosted by Photobucket.com
ivan - soul keeper Image hosted by Photobucket.com
aaron - witch demon Image hosted by Photobucket.com
sentinel
noah - morphling Image hosted by Photobucket.com
mike - si kardel sharpeye Image hosted by Photobucket.com
donnel - squee and spleen Image hosted by Photobucket.com
allen - lina inverse Image hosted by Photobucket.com

Tinadtad kami nung una. nakasawsaw pa si aron sa akin ng frags nung nagsama kami.
tas ang saya kasama ni aron dahil lion siya at vinu-voodoo niya lang yung mga kalaban tas
aatakehin ko lang ng deviruchi tas kaunting blinkstrike at bawas lang. Bwahahahahahaha!
bakla nga lang ung kai noah dahil may blink, hirap patayin. tas nakakatawa nung nagpu-push kami ni
aaron sa kaliwa tas nas-stun kami, may trap pala dun si donnel, e ang clear-clear nung path. hehehehehe.
tas si ivan pissed off sakin dahil nasawsawan ko siya ng frags nung binackstab ko si mike. hahahaha.
may isang time na nagsecret push ako sa kaliwa, tas lahat halos ng hero nila nasa base namin. tas dinedefend na
nila ivan at aaron, tas napatay yata nila yung tatlo, tas dun na nagsimula yung push namin. hehehehehe.
pinakanakakatawang part nung game ay nung pinilit ni roy na mag "UNDERCOVER" nga si noah. Ginaya nung charac niya yung
hitsura nung kai ivan. HAHAHAHAHAHAHA. Jutah, hindi siya inatake ni Donnel at Mike. hahahaha. HIndi siya binato nung tore
kaya nabuhay talaga siya. Nakasulit nga siya sa ability na yun. :D
sobrang ganda nung game, e 2:30 na at math101lec na namin (ni noah), first meeting supposedly...
pero tinuloy paren namin yung laro dahil nga nakakahinayang iwanan. tas yun, nung nadali na namin yung emp nila.
may 30 minutes na kaming late ni noah. at hinanap pa namin yung room. at wala sa 2nd floor, ayos talaga mga room dun.
sa 5th floor pala. roofdeck. at meron talagang klase. buti na lang alang teacher. Bwahahahahaha. ligtas.
tas 4-7 ay isang oras lang namin inattendan, dahil biglang may pumasok na foreigner looking woman.
sabi niya, nasusunog raw next door. wag raw mag-panic. So biglang tayuan lahat at labasan... Supreme Court pala
tinutukoy niya, nakita ko nga puno ng usok yung isang floor. hehehehe. tas eto yung okey na part. Sobrang pagod na ako.
sobrang init, nakachamba ako ng alltheway na jeep papuntang fairview. waw. pero mejo wrong move yun dahil mainit sobra.
natulog ako, nagising ako sa Q.Av., gabi na. tas pinilit ko na wag matulog dahil malapit na ako, pero angkulit ng mata ko,
kumukurap-kurap na siya, at naduduling-duling... arg. nung nasa trike na ako, pumatak yung mga malalaking tulo ng ulan.
arg, e nasa labas ako... patay. buti may bumaba kaya nakasakay ako sa sidecar. Wooo. Chamba. Tas hinihiling ko na sana
masarap yung ulam. Yung tipong makaaalis ng pagod. sabi ko sa sarili ko... 'kahit ano sana, wag lang isda.'... masarap kasi talaga yung isda.
nakakagana talagang kumain ng isda. Isda na talaga ang d best na pagkain. hindi favorite ni mama ang isda. at favorite ko talaga ang isda.
Lalo na ang bangus. Bangus na talaga ang pinakamasarap na isda. Hindi lasang kanal ang isda.
Hindi rin kinain nila papa yung alaga kong isda na namatay na Tiger Oscar e. hahahaha. Allen bakla ka, ayan, may picture pa ng tiger oscar
para mapatunayan ko sayo na totoong isda yun. :D

Image hosted by Photobucket.com

Tas... pagdating ko sa kitchen, may nakahain na na ulam.
natatakpan at may moisture yung takip kaya hindi ko narecognize. pero mukang hindi naman bangus kaya okay lang.
at may sabaw, kaya malamang hindi isda yan. Nung nagkakarej na ako na buksan yun. Nafrustrate ako.
<....
o
0
O
><(((;>
o
O
O
o
<;)))><
hindi talaga kasi isda yung nasa loob. masarap talaga. hindi nanaman akong mapipilitang kumain.
gaganahan ako ng todo. di ko alam kung anong isda yun. anong pakialam ko? pare-parehas lang naman
ng lasa isda a? lasang kanal? (at least para sakken)... hindi ko talaga alam bakit kinasusuklaman ko
ang isdang kainin, cguro dahil pisces ako (good point rac, so yung mga cancer, allergic sa crab.
yung mga aquarius, hindi umiinom ng tubig. yung sagittarius, di kumakain ng tikbalang...) o_0
??? pluplu? Isda. Masarap talaga. at least meron (pagkain).
Magpasalamat ka kung hindi mo nararanasan ang pain/sakit/pagdurusa/panglalamya/pangunguluntoy na nararamdaman ko tuwing kumakain ng isda.
Anyway masarap namang magkape tuwing ganitong umuulan at pagod. TY.

Monday, June 20, 2005

Angelus Erarre

listening to 'Queen - Love of My Life'
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
shatmaccy

Angelus Erarre - Where Angels Lose Their Way.

Noong bata pa ako.
Nawala si Jaja sa Quezon.
Abay sya nun sa kasal.
Sobrang gusto na niyang umuwi kaya
tinahak niya ang isang eskenita.
Mayamaya pa ay napuna ni mama na nawawala na nga si jaja.
E magsisimula na yung kasal... hng.
sobrang swerte dahil nagkataon na papuntang munisipyo yata si tito sergio.
tas namukaan niya si jaja.
Yun, bumalik siya kasama si jaja na luhaan.
Haha. Dapat tayong magpasalamat sa mga ganitong situation.
Siguro, sa isang parallel universe, tuluyan ng nawala si ja sa pamilya namin,
natsambahan ng mag-asawang walang anak,
at tuluyan na siyang inangkin... diba.

Image hosted by Photobucket.com

When you were before.
dati pa yan.
Couldn't look in your eye.
May isa pang angel na naligaw ng landas...
You're just like an angel.
uh, mas okey sigurong term ay hindi naligaw kung hindi niligawan.
Your skin makes me cry.
heehee...
You float like a feather.
Yung angel na inaadmire ko (which skin makes me cry, who floats like a feather in a beautiful world),
In a beautiful world.
sobrang saya nga niya e.
I wish i was special.
Sana nga masaya siya,
You're so very special.
at hindi siya naligaw ng landas.
But im a creep.
Talipandas.
Im a weirdo.
Hehe.
What the hell im doing here.
ammm....
i dont belong here.
its alright we can all sleep sound tonight...
i dont care if im hurt.
alam ko naman na hanggang admiration from afar lang ako e.
i wanna have control.
(cause im a creep im a weirdo what the hell im doing here i dont belong here)
i want a perfect body.
Inggit ako sa kanya,
i want a perfect soul.
para siyang fairy tale.
i want you to notice,
at alam kong invisible ako sa kanya.
when im not around,
pero okey lang yun.
you're so very special.
ii-stalk ko siya hanggang sa dulo ng mundo.
i wish i was special.
hindi naman.... exaj na yun.
But im a creep.
bwahahahahahahahaha.
Im a weirdo.
Ganun ako ka-creepy.
What the hell im doing here.
O sobrang naookeyan lang talaga ako sa kanta ng radiohead na to,
I dont belong here....
na tuwing naririnig ko to,
Sheeeeeeeeeeeee's running out agehen...
ay naiintimidate na naman ako sa angkin niyang cagandahan.
Sheeeeeeeeeeeee's running out.
at ngayong nahanap na niya ang pares ng kanyang pakpak,
She run... run run? RAAAAAAAAAAA-HAAAAAAAAAANNNNNNN (nagwawala na si radiocreep sa part na to)
sana'y tuluyan na siyang makabalik sa langit.
She-RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA-UHHHHHHHN (sobrang parang mamamatay na na umiiyak si radiohead dito sa part na to)
at kung pumapangit ang wonderland mo pag nakikita mo ako,
Whatever makes you happy, (kumalma na uli si radiohead sa part na to pero mukang kawawa yung boses niya)
magtatago na lang ako sa lihim na lilim.
Whatever you want.
at magdo-DOTA na lang ako,
i wish i was special.
gagamitin ko si Sven.
You're so very special.
Bibili ako ng POwer Threads, Monkey king bar, Black king bar, Mask of madness at Null Talisman.
But im a creep.
Oo nga pala, mas mukang maporma yung creeps ng sentinel kesa sa scourge.
I'm a weirdo.
Biruin mo puno yung creeps nila, may ugat pa.
What the hell im doing here.
Please Biruin mo.
I dont belong here.
Mahaba pa buhay ko.
I dont belong here.
Pupunta ako sa Iraq.

Sunday, June 19, 2005

Yuffie Kisaragi

Currently listening to 'Incubus - Consequence'
Currently Feeling
Image hosted by Photobucket.com
Thankful

Image hosted by Photobucket.com

Ne

currently listening to 'john rzeznik (idol) - im still here'
and currently feeling
Image hosted by Photobucket.com
thankful

anyway. hindi na uli zero ang GOK. hehe. salamat sa inyo, kev gino jerk pan jon diz. ALtough hindi kasama si diz last time, sobrang saya ko nun, kahit na sobrang bulok yung batman begins at pinagtatawanan na lang natin yung boses niyang pilit. Lakas ng railings. rami naitn last time. sorry late kami nila noah at alllen. Hindi kasi totoong traffic sa may espanea at sa may lawton e. anyway. Relieved na ako. WOOOO! Masarap mabuhay. uh... okey. Gusto ko sanang idedicate ang entry na to kai pa. A uu. Kai papa.

Image hosted by Photobucket.com

Wala akong chance na maipakita ko ang paghanga ko kai papa ko... (anyway, alam kong malamya ang tawag ko sa tatay ko, gamitin ng mga bading. pero yan na nakasanayan ko e. bwahahaha... hindi ako bakla. cla-cla-cla-cla-cla). Hindi kasi ako ganun kaexpressive at malamang kapag sinabihan ko siya ng happy father's day, wala naman syang laban... pero nakakahiya lang talaga since alam kong makokornihan lang sya. at alam ko naman na alam na rin niya na hinahangaan ko sya.

Image hosted by Photobucket.com

Anyway... Si Pa, (Ronnie Merjudio)... Isa siyang nakakatakot na tatay. Sa takot na yun, nahuhugot ko ang respeto ko sa kanya. Pluplu kasi siya. Tandang-tanda ko pa ang pangdidisiplina niya sa amin ni Jaja nung maliliit pa kami. There was a time na, tinatakot ko si Jaja na may mumu sa CR at umiiyac siya. Nalintikan ako ng tatay ko at pinalo ng walis ang aking kamay. Hindi ko naigalaw ang aking kamay for about 2 weeks. Ganyan kalupit smain noon si papa. Maswerte si Venoc di siya nakatikim nun. :D There was a itme rin na pinalo niya si Jaja at nabali yung walis. OMG. Awang-awa ako kay Jaja nun. heehee. Nagdaan sa kanyang mapanirang kamay ang aming 3 famicom na winasak niya dahil nabanas siya sa pag-aaway namin ni jaja. Yung Sega rin ay tinapon niya dati. Pati yung telepono namin na black ay di nakaligtas habang kachat ko si Jeric ng gabing-gabi na at naglalaro kami ng flash ng may baboy na umaakyat sa langit habang ang background music ay Pachelbel Canon, dahil sobrang late na, binalibag niya rin nun... so ganun kadestructive si pa. Oo nga pala, yung salamin ring naming lamesa di nakaligtas sa kanya. Huchooo....

Uhm.. Di ko lang alam kung pang-ilan si pa sa kanilang magkakapatid pero alam kong siya ang pinakamasipag sa kanila. Naririnig ko sa mga kwento niya sa mga frends niya yung mga childhood days niya na nagbebenta pa siya dati ng icecream para lang magkabaon. Nagtricycle driver na rin siya at dating kargador ng copra, nagbenta na rin siya ng lugaw. Nanghuhuli pa raw siya ng isda sa may ilog nun... Nakita ko nga ang shell ng possibly pinakamalaking hipon na makikita ko sa buhay ko.. Yung ulo nung hipon ay kasize ng wrist ko... tae, ang laki. Hahahaha. Oo, sobrang sipag niya. Mahilig siya sa Rock music kaya ang resulta ay ang pangalan kong 'Rock' okay... dahil Rakista siya dati at long hair siya. Naalala ko pa na naglalambitin kami ni Jaja sa buhok niya at naglalaro... "Rapunzel- Rapunzel... let down your hair...". Siya rin ang influence kung bakit hilig ko mga old rock music niya... (guns n roses. nirvana. neil young. the doors. megadeth. skidrow. bon jovi. metallica. kidrock... sa kanya ko rin nalaman ang rhcp)

Image hosted by Photobucket.com

Unfortunately, hindi siya nakatapos ng college. Awww. at isa siyang biktima. Nung nag-aaral pa siya at magtatapos na sana siya ng college ay may nagpasabog ng cr ng lalaki. Nakita ko pa yung cr na yun minsang dumalaw kami dun dahil sa Reunion nila Pa. So wasak talaga,,, siya ang napagbintangan dahil sa bakat ng sapatos sa flooring nung cr. Sa kanyang sapatos raw yun, kaya di siya nakagrad... tsk tsk... ganyan talaga. di na niya natapos dahil kulang sa pera. Hindi ko maimajin kung gaano siya kadeprest, seeing na sobrang sipag niya... Hindi ko lang alam kung totoo to pero parang may narinig ako sa kwentuhan nila nila mama na nag-NPA yata dati si pa. Kaya siguro siya longhair at may uniform ng military. ewan ko lang.

Image hosted by Photobucket.com

Until nameet niya si mama, may GF si pa nung time na yun. May BF si ma. SObrang okey dahil naging sila pa rin. Tas, sabi pa ni pa. "Kung hindi siguro kita nakilala, NPA pa rin ako ngaun." o kaya "Kung hindi siguro kita nakilala, sumama na ako sa NPA."... di ko sure.

Image hosted by Photobucket.com

Astig talaga si pa. Mabait yan, pag kailangan ng pera/tulong ng mga kuya niya, siya ang laging nanjan. Pinag-aral niya dati mga pamangkin niya dito. Yung isa kong pinsan pagaaraling niya sa college... kaso di yata pumasa.. :(

Parang si Masked Rider siya rito samin, takot mga masasamang tao sa kanya. Isang beses, yung isang holdupper, binugbog niya, bangas mukha... duguan, muntik pang mabarag yung mukha dahil ihahagis sana ni pa yung napakalaking bato sa mukha niya habang nakaluhod... Basta alam niyang mali ang isang tao, hindi siya natatakot na icorrect yun... Cinombo niya ako dati dahil ayokong sumama sa Quezon... haha. Anyway. tama na muna drama.

So,,,, uh... salamat at binigyan niya kaming tatlo nila Venoc ng magandang buhay. salamat sa astig na pangalan ko... (btw sa mga nagtatanong, hindi Rhophie second name ko... solidong rac lang talaga. o_0) dahil idol ko siya. aayusin ko buhay ko. hehe. Kailangan kong suklian ang mga paghihirap mo.

Image hosted by Photobucket.com
(pinakaluma naming retrato sa bahay) si pa yan. graduation.

[Ne - tawag ni ma kai papa... short for ronnie]

Hello Caper Cat

His flocks are folded; he comes home at night
As merry as a king in his delight,
And merrier too;

For king behtink them what the state require,
Where shep-- ------ ------------------
careless, carol ------- by the fire:

Ah then, ah then, If country love suc- --- sweet desires gain,
What lady would not love a ------ shepherd swain?

He kisseth first, the sits a sblithe to eat
His cream and curd as doth the king
his meat, --- and blither too;
For kings have often fears when they sup----.

-We grow great by dreams-
-all big men are dreamers-
Image hosted by Photobucket.com
[rare pic ni pa na long hair]

Saturday, June 04, 2005

Zero Tayo Ngaun

Currently listening to 'The Wallflowers - Heroes'
and currently feeling
Image hosted by Photobucket.com
zero

hindi pa ito ang end... noooo.... haha.
bakit ganun... anlabo naman ng nangyari sa GOK...
cguro kailangan namin tong ayusin para lalong maging okey yung samahan...

Current Status:
Rock - isang lonely man sa upm. gusto niya ng kumawala sa school na to. sana this sem... sana okey.

Jeric - katatapos lang pumunta ng cebu kasama si rupert. Sila nila kev at pert ang magkakasama ngaun.

Kevin - break na sila ni gf niya. ngaun ko lang nalaman.

Pan - patay na. di ko alam. wla akong balita.

Dizon - patay na rin. nagtatampo. hindi raw siya yinayaya.

Gino - di ko alam. wala akong contact sa kanya. Galit yata sya samin. :(

Jon - LOA yata. tinigil niya na yata ang botting career niya?

Image hosted by Photobucket.com

Isa-isa silang nawawala sa YM ko. bakit ganun. sila ang mga inaasahan kong kasama ko hanggang pagtanda. alam ko walang iwanan e. First year pa lang. kami-kami na magkakasama, at tumagal yung ng apat na taon. At sa apat na taon na yun, hindi ko maipagkakailang love ko tong anim na to. siguro mejo malabo lang situation ngaun.
marami kaming pangarap at mga pananaw na naiisip namin kapag kami-kami lang ang nasa koste ni gino (actually kasama si mang jonie... at si julia, nung 3rd-4th yr.).

Naalala ko nun, mga suggestion ni jeric... na okay lang sa kanya na hwag mag-asawa basta kami mga kasama niya. Sabi rin niya na masaya siguro kung mag-oouting kami isang araw at dala namin mga girlfriend namin. hehehehe. at yung idea na titira kami sa iisang village lang... at yung idea na gagawa kami ng isang rpg na kami ang bida? at yung idea na gagawa kami ng 'Jutah mo' shirts. at yung idea na maglalayas si gino dahil pinipilit siya sa amerika at inoffer ni dizon ang bahay niya dahil siya lang naman at ang kuya niya ang nakatira dun at sabi naman namin ni pan na okey lang at handa kaming sumama...

kung isa ka sa GOK, basahin mo to... kundi naman, ibang topics na alng basahin mo... di mo to maappreciate at di ka makakarelate.

Anyway... ako kasi, hindi ko nararanasan yung okey na college life tulad nila jeric, kevin, gino at jon... kung tutuusin, hindi ko alam bakit mejo hiwalay kayo. palagay ko naman ay maaayos na yung problema niyo utngkol sa babae since nag-give way na yung isa. Ang saya isipin na sobrang concerned si Jeric sa samahan. Anyway, alam kong mejo matagal pa bago magsamasama uli tayo kaya eto gaiwn mo... kung may gok folder ka man sa pc mo, try mo buksan yun at tingnan mo ang mga pictures natin. alalahanin mo bawat times na tinreasure natin nung highschool. ako hindi ko alam kung gaano mo tinreasure yun, pero para sakken, mas pinili ko yung time na kasama ko kayo kesa sa pag-atake. so ganun... so punta ka sa groups natin at tingnan mo ang mga pictures. ako pupunta talaga ako dahil wala pa ako nung ibang pictures jan... particularly yung sa baguio... di kasi ako nakasama. dahil nasa quezon ako nun. at remember, susunduin niyo pa nga sana ako sa bahay nun kung hindi niyo lang nalaman na nasa quezon ako... so anyway, sobrang sayang na hindi ako nakasama nun. hindi ko nawitness yung pang-bully ni kev kay dizon at yung secret skating skills ni jon. at yung haplos pic... hahahaha. anyway, sana natatandaan niyo pa to: Merong isang moment na nasa garahe tayo nila gino.. at hinihintay natin yung koste. At nandun lang tayo at nagkekwentuhan. tas biglang tinanong ni jeric na "okey lang ba sa inyo na ganito ang heaven? garahe tas magkakasama tayo forever?" tas sabi naman ni gino.. "ako okey lang sakin." tas sumagot lahat... ... kung hindi mo naaalala, siguro di ka napaisip nun. o baka hindi ka kasama nun, lima lang yata kami nun e hehe. Naalala ko pa nung mageend na yung 4th year, mangiyak-ngiyak pa si pan habang pinipilit namin si gino na maglayas. haha. cguro nga bad influence kami? pero i never saw it that way. Marami akong natutunan sa barkada na to, pinagpalit ko to sa barkada ko sa village namin. Sa kanila ko lang natutunan na ang boses na naririnig mo pag nagsasalita ka ay iba pala sa naririnig nila... hehe. wala kaming masamang bisyo, pure samahan lang. Sa barkada na to, hindi ko nafeefeel na left behind ako. Hindi na natin mabilang kung ilan overnight ginawa natin so sana wag nating basta-basta itatapon lang yun. sana maging okey na.

Image hosted by Photobucket.com

Kaya mo yan jessie. Kaya mo yan justin.
Image hosted by Photobucket.com

let's go let's GO!!!

Thursday, June 02, 2005

Gif

Eto ang unang animated gif na ginawa ko :
Image hosted by Photobucket.com
awoo(name nung devil)
actually pangalwa yan. bulok yung una:
Image hosted by Photobucket.com
gwahahahaha....


Image hosted by Photobucket.com

Mary mary quite contrary
how does your garden grow?
With silver bells and cockle shells
and pretty maids all in a row?

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com