Currently feeling

hungry. hindi talaga 2pm ang lunch ko kanina.
Mahirap man tanggapin, magtatrabaho ako balang araw. Labag man sa kalooban ko. Ehehehehe. Hindi naman.
When i was in Nursery/Kinder/Gradeschool
1. Fishball Vendor - hindi ko na naaalala na minsan ay ginusto ko maging Fishball Vendor...
naririnig ko na lang sa mga kwento nila Jaja at Mama na minsan ay gusto ko maging fishball vendor paglaki.
Hahahaha.
Progress: 0%
*masarap ang fishball pag isinahog sa Pancit canton. ^_^
2. Fireman - sobrang angas ng mga fireman naka full battle gear pa sila at matatapang pa. Tsaka
parang ang sarap pumatay ng apoy kaya nung minsang seatwork... na kailangan naming idrowing ang
aming future career, nagdrowing ako ng pulang fireman na may hose at pumapatay ng apoy.
Progress: 0%
3. Comic Book Writer - Grade 3 to grade 4 to nagsimula. Isang kaibigan ko na Francis Padua ang
mahilig magdrowing at gumawa sha ng comics. Nainggit ako kaya gumawa rin ako. Tas yun, sa section
namin..(IV-Venus), lima kaming gumagawa ng comics. JRIBF pa nga tawag namin sa amin e. jed, rock,
irwin, brian, francis. o diba. muka kaming mga gago. masaya magdrowing.
Marami na akong nagawang comics. Actually hindi ko na alam kung ilan. Tinapon kasi ni ma yung mga
gawa ko dahil nakakalat raw sa cabinet. Hahahahaha. Ang pangalan ng mga comics na yun ay Temple
Fighter. Oo, ang corny. :D Tas, nung nagtagal, dinagdagan ko ng 'R' sa dulo, kaya Templer Figthers na
sha. Hahahaha. Tas gumawa ako ng comics (named -IZE, 9 episodes) na nakakatawa nung Grade6 na binabasa namin dati bago mag-
klase. Anyway, tungkol yun sa section namin... wala lang, nasakken parin yun. At sinubukan kong
simulan uli yung Templer Fighters na yan at nakaabot ako ng 25 episodes so far. Ang sarap tingnan
kung paano nageevolve yung style ko ng pagdodrowing. Binebenta ko nga pala drowing ko dati...
kumita ako ng 1800 plus... hahahaha. Nabasa na ni Pan yung mga comics kong yan. hehe.
Progress: 40%
4. Painter - Baka ipursue ko to, baka hindi. Balak kong magfine arts pagkatapos ko grumadweyt ng college. pwede ba yun?
Si Jaja ang mas painter sa aming pamilya, pang anime lang ako... o_0
Progress: 0.5%
5. Pianist - Grade 3 ako ng pagaralin ako ng mama ko sa Wenstein o Weinstein o kung anu man...
pinapili niya ako kung ano gusto kong instrument na matutunan at ewan ko ba kung bakit e.organ ang
pinili ko... Siguro dapat gitara na lang pinili ko, mas sikat yun sa girls e. At e. organ ang itinuro sakken.
iba pa pala yun sa piano... hindi ako marunong sa f-clef, pero chords marunong ako. Si jaja nga
pala ang naggitara. Shet baligtad choices namin. ^_^
Dalawang original composition pa lang nagagawa ko pero nakalimutan ko na yung una, kaya yung pangalawa...
na ginawa ko lang ngaun college ang okey. Wala akong maisip na magandang title.
Scanned:

Progress: 10%
6. Civil Engineering - Gusto kong magdesign ng bahay para kina mama at papa. Kaya gusto kong careerin ang arts and drafting dati.
At ang ninong ko na nasa Australia ay architect, nung nakita ko mga gawa niya, naisip ko na okey
kung maging tulad niya ako o kaya engineer na lang.
Progress: 0%
When i was in Highschool
7. Vocalist - Nung highschool ko lang nalaman na pwede pala akong kumanta... yun. Naintroduce kasi
ang mga mp3 sakken at naadik ako sa mga kanta. Yun.
4th year promenade, hindi ko aakalaing tunay at seryoso si Gerard nung sinabi niya na ako ang kumanta
ng Swing Swing (all american rejects) sa prom... Yun, haha. at ako pa unang kumanta nun. Maganda
naman yung performance. Ang sarap kumanta. Bumagsak ako sa upcat, si bene rin, si ian rin, si noah
rin, si ansay rin... tas tawag namin sa amin ay All University Rejects... tas inadapt ni Bene yung
Swing Swing ginawang pang UP/college yung theme.... nakakatawa kaya, kinanta namin nung Farewell Concert
ng 04. Tas Battle of the Bands sa pisay... ako, gerard, noah, kapatid ni gerard, enzo (yata)... (hindi ko
kilala yung kapatid ni gerard at enzo yata dahil lower year yung mga yun). Wala kaming matinong
practice pero nagperform na rin kami. Kumanta kami ng Love Makes the World GO Round (powerpuff),
Semi-charmed Life (3rd eye blind, tae ambilis ng drums) at Vindicated(Dashboard Confessionals, noah vocals/guitars).
Palagay ko hanggang dun na lang ako. :D
Progress: 10%
8. Developer - gusto kong gumawa ng games na rpg tas Gangs of Commonwealth yung bida tas kung ano
yung nangyari sa amin nung highschool yun rin takbo ng storya... Pang movie kasi yung mga kwento
namin e. Kaya gusto maging movie director ni Jeric e. Mga okey na scenes: Jeric at Kevin nagaaway
dahil sa babae, nagbabackstaban pa sila dati. Jon, nagkahepa nahawa kay Dizon dahil tumalsik raw yung
laway ni Dizon pagbukas niya ng pinto (naiimagine kong gawing ala-matrix o kaya bullet-time yung
pagtalsik ng laway) tas nashoot raw sa bibig ni JOn. GwAHAHAHAHAHAHA! Jon nagkasakit ng malubha, hindi
na nakakatulog, Ang napipintong paglisan ni Ginorey, ang pagcoconvince namin kay mang Jonie na
wag ng papuntahing states si gino, TOTOO tatay talaga ni gino si mang jonie kaya sa kanya kami nagpapaalam.
Hahahahaha. Si pan chumichiks.
Progress: 0%
9. Book Writer - Nagsecret gawa ako ng book... mejo mala-final fantasy dahil nga naadik ako dun. Tae.
pinangalanan kong 'Tales of Destruct' na sabi ni Gino ay mukang putol yung destruct na word. haha.
Tas gumawa pa ako ng sketch pad ng mga character profile. Marami kasi akong gustong sabihin tungkol
sa buhay na sa palagay ko ay sa libro ko pwedeng ikalat. May naisip akong idea ng magandang story.
Tungkol sa isang orphanage sa isang isolated na place tas unti-unting madedevelop yung mga ugali
ng mga bata na inaalagaan nila. Tas gusto ko mejo dramatic at mejo masarap basahin. Ipapakita ko yung
bonding nung nang-aampon sa mga bata ni anampon niya. May batang maliligaw ng landas, may batang
aalis... ganyan-ganyan... tas merong event na may isang trahedya tas kailangan mamili nung nangaampon
kung sino sa mga bata ang isesave niya muna, tas mamamatay yung hindi niya napili. Basta... Wala pa nga lang
akong maisip na title at mejo pagod aking mga kamay...
Progress: 10%
When I was in College:
10. Computer Scientist/Programmer - okung ano man. Basta nung nakausap ko Si Anna Santos, sabi niya
okey naman course ko... Tsaka mukang may sense naman pinagsasabi niya kaya naisipan kong ituloy na lang tong
course na to... Okey lang, nakakaya ko pa anman yung mga pinapaprogram nung mga teacher pagkatapos kong
ibagsak ang ComSci 22... tsaka lang akong natuto talaga.
Progress: 15%
11. Fisherman - Siguro iniisip mo na mejo bumalik yata isip ko. bakit fisherman? Gusto ko, pagnagretire ako,
mamumuhay na lang ako sa isang island para tahimik... masarap isipin. Simpleng buhay lang gusto ko.