Inandantia
Currently Listening to
'Sonic Flood - I Need You'
and currently feeling

stressed to death
/*thanks for Roy Caducio for the model of this icon*/
Sobrang rami ng ulan na dumating. Okey sana ang ulan kung hindi lang bumabaha. Pag umuulan, malamig, maginaw parang ang sarap mabuhay, parang nililiguan nito yung kadumihan ng mundong ito... kaya okey, pero hindi okey kapag nababasa ka tas papasok ka ng school. Bwahahahahaha! Baha sa Faura pag umuulan, barado kasi yung mga canal. Hehe. Tae kasi mga tao tapon ng tapon kahit saan. Hindi lalagpas ang isang araw na wala akong makikitang at least limang tao na nagtatapon ng basura: maliit o malaki, pasimple o hagaran.... nakakahiya kaya.... parang naiisip ko talaga hindi na tayo uunlad kada isang taong nakikita ko na nagtatapon ng basura... :( salot. Anyway, ewan ko ba kung bakit lagi kong napupuna yung mga nagtatapon ng basura, cguro kasi ako hindi. Hahahahaha. Totoo, kasi natuto ako nung first year high school. Filipino yung subject nun tas ang teacher namin ay si Ma'am Sanchez. A u u. Nakakatakot yun magalit at magaling sha magturo. Tas tinanong niya si soulmate Angeli (cuddlybear) kung nagtatapon ba sha ng basura. Sabi ni Angeli "Promise hindi, kineekeep ko talaga sa bag ko until makakita ako ng basurahan." tinanong pa sha ni ma'am kung talaga ba yan? "Promise." yun, tas tumatak na sa isipan ko yung sinabi niya kaya simula nun, tinry ko na wag magtapon ng basura. :) WOOOOO... labo, ang rami kong natatandaan sa mga recitation. Tanda ko pa yung sabi ni Anne Suansing na "Mag gusto ko yung nilalait ako kesa sa pinupuri ako para malaman ko mga pangit sa ugali ko." Hmmmm.... totoo ba yan? :D Marami pa.... Basta yung mga okey na recitation natatandaan ko...
Pero hindi ko talaga alama kung paano masosolusyunan yang basura na yan, hindi ko naman sasabihin "Mga bobo kayong tao kayo wag kayong magtapon ng basura" dahil in the first place, isa akong vandal boy. :|
/*hindi na ako nagvavandal ngaun, nung 1st sem pa ng 2nd year college ako tumigil*/
pero kahit na... wala na lang akong gagawin. Manonood na lang ako sa pagbuhos ng ulan. Kung bumaha kaya uli tulad ng sa Bibliya? Hehehehehehe.
Ngaun lang uli ako nakapaglagay ng entry dahil sobrang busy ako sa school.... :( kailangan ko ng magpagupit... waaaah.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home