Wednesday, September 28, 2005

Yellow Grasshopper Green Grasshopper

Currently listening to
'Allen Girl-talk sa YM'
and feeling
'relaxed?/happy'

Ha. Sa isang buong buwan na nakalipas, isang araw lang pahinga ko. Average of 7am-730pm ako wala sa bahay
tas pagdating ko naman maraming ginagawa at house chores tas gising ako hanggang 12am or 1am depende.
Ganito mula monday-saturday every week. Tas yung apat na bakanteng Sunday ko ay....

1st Sunday - Nanood ng Sayaw Ang Kiukok sa cCP
2nd Sunday - FieldTrip sa Laguna sa church at Sculptures
3rd Sunday - Hangover sa debut ni Annie nung Saturday 230am ako nakauwi saamin
4th Sunday - Pwede. :D


And Tuesday just might go my way
It can't get worse than yesterday
Thursdays, Fridays ain't been kind
But somehow I'll survive

Hey man I'm alive I'm takin' each day and night at a time
Yeah I'm down, but I know I'll get by
Hey hey hey hey, man gotta live my life
Like I ain't got nothin' but this roll of the dice
I'm feelin' like a Monday, but someday I'll be Saturday night


Hah. Maganda last na panaginip ko. Napanaginipan ko siya. As in sha, kaholdhands ko. Tas nakaprom outfit sha tas
sinundo sha ng limousine na kasing lapad ng kalsada na kulay black. Tas yung driver nun, yung pinsan ko. Tas masaya ako nun.
Nagiisip pa ako kung anong magandang susuutin... Ang labo, kahit sa panaginip pala nagiisip ka... As in pinipili ko
nun kung ano mas bagay sakken na suot. Hahaha. Tas ang weird na ng nangyari. May nahulog na yellow na grasshopper na higante mula sa buhok ko. Tas sobrang nashock ako na may living things na naninirahan sa buhok ko. Tas may nahulog na dalwang green na kwadradong higanteng grasshopper sa bibig ko. Patay. Labo. Maganda na panaginip ko e.... :( Talagang may ibig sabihin yung panaginip ko e. Totoo. Anyway pagkagising ko, sobrang nandiri ako bago kumain, naaalala ko yung green grasshopper.

May 10,000 ako na utang kay Leslie.

Thursday, September 22, 2005

Tae, Superhero Ako (pero secret lang)

Currently listening to
'Chrono Cross - Another Guldove'
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
'sick'

Ah... may sakit ako....
sobrang lamig kasi ng panahon... Last last last day, sobrang lamig parang nagkacramp sa tiyan ko hanggang ngaun nandun pa rin... Hehehe... Di ko na lang pinapahalata... Tas recently may nadiscover akong hidden powers ko... Isang araw, actually dalwang araw, nung unang nangyari ay hindi ko nahalata pero naweirdohan ako, nung pangalwang nangyari tsaka ko lang nadiscover... Pangatlong nangyari last day (kahapon) kaya confirmed ko na... At ang secret powers ko ay *drumroll*.....
hindi ko rin alam ano itatawag ko pero.... "nanginginig magissa yung right knee ko kapag iniwanan ko ng napakatagal at a certain angle at a certain duration". Labooooooooooooooooooo. Nakasampa kasi yung kanang paa ko sa may taas ng comp table habang nagdodota.... After some time... mid-game.... biglang nakaramdam ako (bigla) ng electrons sa comp table... a uu... unti-unti akong nakaramdam ng vibrations... After 5-10 seconds, lumalakas yung vibration tas nakikita mo yung paa ko gumagalaw na in a rhythm.... yun yung first experience ko.... Magalaw pa ako nun kaya hindi ko naramdaman yung s-waves at p-waves na matitindi... pag ginagalaw ko paa ko humihina.... At buong akala ko nung time na yun na ang vibration ay galing sa PC o sa air con o sa isang machine na nakadikit sa comp table o kung anu man... Labo. Second experience ko nalaman dahli katabi ko si Noah nun. Sinasabi ko sa kanya: "Noah, may ground... nararamdmaan mo ba?" pero negative yung response niya... Hanggang sa ma-cast na nga ng right knee ko ang epicenter... tuloy-tuloy yung pag galaw hahahahaha! nakakatuwa. Sabi ko sa kanya i-try niyang isampa yung paa niya sa comp table para maramdaman niya yung ground at ginawa naman niya... After 5 minutes or so, wala pa rin... tas tinry ko sakken, tas nagvibrate uli... SHOCKED AKO!!!!!! anlabo, parang may sariling buhay yung kanang paa ko... Gumagalaw lang sha magissa pero parang di ko mapigilan nung time na yun... Sunod na laro ko sa MX, sinubukan ko uli yung experiment na yun, at oo... positive, may nagvivibrate na ewan mula sa tuhod ko kaya napapapadyak ako ng rhythmically... (yung ginagawa ng mga lalake pag walang magawa) tas ang weird pa dun ay palakas ng palakas to the point na umuuga na yung pc ko. BWAHAHAHAHAHAHA!!!!..... It is a well kept secret... Pwede na siguro ako mag ala-spiderman na ang powers ay may vibraiton sa tuhod... Hahahahaha! Magiisip ako ng instances na magagamit ko ang aking secret power... hmmmmmmm.....

Ang hassel minsan magpantalon, lalo na kung sobrang kapal... ala levi's... Sobrang nakakairita kanina sa bus pauwi... Parang binabanat ng pantalon yung tuhod ko, mahirap i-explain dito... pero basta, sobrang nakakaialng sa tuhod at pagtagal sumasakit... Puno pa yung bus (tingin ka sa harap, may bag mula sa nakatalikod na mama 2 inches away sa mukha mo, sa kaliwa, 5 inches away, sa northwest, 7 inches away and the like, may choice ka talaga na makapagpahinga.)kaya nasstretch ko talaga paa ko... (kanan nga pala). Buti na lang good timing yung isang ale na pasakay kaya tumayo na ako at pinaupo sha... Yun nastretch ko na right paa ko... WOOO!!! Muka naman akong tanga dun kung basta tumayo ako pero matagal pa bababaan ko... Pero ang nakakahiya dun, (yung bus na yun ay punong-puno ng mga lalake....) ako pa yung nagvolunteer na magpaupo dun sa ale... talo ko pa yung mga walanghiyang mayaybaang na maskuladong lalake dun na nakaupo na balbas sarado na mabaho na o_0... uh.... Wala talaga mga Pilipino... di ako bilib... (sa current ha, yung past Filipinos mga great)... Ang kinainisan ko pa nun, nung marami ng nagsibabaan, nakita ko na tsaka pa lang nakaupo yung isang dilag dun... Taeng mga lalake yan, mga walang pakiaalam... Mejo na offtopic ako dun ah....

Sobrang raming nangyari these past days pero nakakatamad naman gawan ng entry lahat at ngaun lang uli ako nakapaglagay ng entry dahil sa TRIPLE kill na tests na nagdaan... anyway ah... nanjan yung Math LT na 25 pts na omg na GG, yung debut ni Annie, yung pagadventure ko sa lrt kasama sina Donnyboy, Mikeyboy at Noahboy na naligaw pa ako pero doesn't really matter... na may nakatabi si Noah na buwang na nakatitig lang sa kanya for the whole trip at kinakausap sha tungkol sa kung anu-anong kabaliwan niya, kesyo KINAIN raw niya yung pambayad niya para sa bus, na humihingi siya ng gamot dahil nilalamig raw kasama niya, na hindi pa raw naiimbento ng mga SCIENTISTS yung gamot na pag ininjection sayo hindi ka na mamamatay...

Ang sarap humaching... lalo na pag walang tao... Sobrang sarap ng feeling e... Sana humaching ako bago matulog.... Anyway, gusto kong irenew tong ilong ko, sobrang reactive sa mga maduduming bagay e (usok)... Hahahahaha... Exothermal reaction. Totoo ako.

Kanina nga pala nangyari ang di ko inaasahan... Isang kadiring pangyayari (para sakken). Habang dinadampian ko ng panyo ang aking mukha... (minamasahe ko ng marahan), e kung di ba naman aanga-anga yung mata ko e, hindi kumurap, nadapuan nung panyo... as in panyo dumapo sa cornea, iris, pupil, mata .Ouch, masakit yun. Hahahahaha! hindi naman. Naaalala ko tuloy si Steven, kaya niyang hawakan yung mata niya with his bare fingers!!!! WOOOO!!! at si Fria oo nga pala, may secret powers rin sha e, kaya niyang panginigin ang kanyang iris... Mahirap iexplain... Secret.

Kung taga UPM ka, CAS.... uh, may coming exhibit nga pala kami sa modern day heroes sa Tuesday sa RH lobby... TOtoong engrande e may ribbon cutting pa at may UPM chorale pa... Yun yung masaya dun.

Gusto ko pa sanang maglagay dito ng kunganu-anong bagay na nasa isip ko kaso mukang tatamarind na yung mga magbabasa e.... (kung sobrang haba ng entry)... Cut na natin dito....

Alangyang Venoc yan natulog sa kama ko. o_0

Monday, September 12, 2005

Chagall

currently listening to nothing and feeling uh....
Image hosted by Photobucket.com
haseld.

Image hosted by Photobucket.com
Ang ganda ng painting na to... Gawa ni Marc Chagall of Jewish/Russian descent. Ang title ng painting ay 'Birthday' pero mejo okey pa kapag inalanisa mo yung painting. Eto ang sarili kong interpretasyon base sa mga nabasa ko na rin at sa wafoo kasi si Jenzen.

Sa palagay ko:

Patay na ang lalake dati pa, tas ngaung birthday niya, dinalhan siya ng flower nung babae (kaya nakablack yung babae). As a spirit, hinalikan niya yung babae. O ha. Pano ko nasabing spirit yung lalake? Kasi nakabend sya like lastikman, tas blurry yung face nya, at sa bahay na yun, makikita mo na isa lang ang upuan, isa lang ang baso, meaning isa lang ang nakatira sa bahay na yun. Isa pa, tiningnan ko ibang works ni Chagall, at jutanginang sobrang hilig niya sa mga espiritu at kaluluwa. Yung isa nga tikbalang kinasal sa babae. Hehehehehe. Ang ganda ng painting niya. WOOOO!!! Eto ang ieevalate ko sa oral exam. :D

I Miss You

currently listening to nothing
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
'reminiscent of the past d.'

Rac: hi. si fria ba to?
Fria: a..oo. hello.
Rac:
Rac: kamusta?
Fria: hehe...ayos naman...
Fria: sana.
Fria:
Rac: bakit sana? .?
Fria: nyehe ala lang...
Fria: dami kasing ginagawa...
Fria: stressful lang...
Fria: kaw kamusta?
Rac: a u u
Rac: ganun rin, hahaha gumagawa nga ako labrep ngaun e, tas tatlong sunodsunod na test nanaman this week
Rac: at babagsak ako ng math74
Fria: haha! ako din ay gumagawa ng labrep...
Fria: at babagska din ako ng math...huhu...
Fria:
Rac: 74 rin?
Fria: yup yup...
Fria: pareho tayo math diba? owel obviously...
Fria: nakoo...
Rac: okay, goodluck satin sana sa friday....
Fria: exam na nman at zero pako...
Fria:
Fria: goodluck!!!!
Rac: haha. sino teacher niyo?
Fria: si sir de armas..(tama ba ispeling nun?)
Fria: haha. kayo?
Rac: a yun ren
Rac: tapos na last day of dropping diba?
Fria: haha! at may balak ka!
Fria: uu nung sept2 pa...
Rac: ha, wala....


miss ko na sha :D

Kung papayagan ako ni ma na makapunta sa debut ni Annie, edi okey. :D

Sunday, September 04, 2005

Fragile OO

napanginipan kong umiiyak ako. tas nagising ako na basa ang mga mata ko.


(sayang tong picture na nasa taas, cool na sana e kaso down na yung site, *sigh*)
Image hosted by Photobucket.com

Kokorokok. Sunday morning. Pahinga dapat. Pero alam kong 3pm kelangan nasa CCP ako para manood nung presentation ng sayaw kiukok koko, at alam ko talaga pano magcommute hanggan dun. TOTOO.

Wala si ma, wala si venoc... hng...

Tsaka ko narealize na umattend sila ng libing.

Libing ni ate Vane.(vanessa)

Asawa ni kuya Norton (antivirus), na pinsan ko. Namatay sha sa panganganak. Overbleeding o kung anu man. Well, sobrang daling mabawian ng buhay ang isang tao... kaunting pagkakamali/pagkakataon lang, a-byebye ka na. Ipinagdarasal ko si ate vane, sana okey jan sa pupuntahan nya. :( Less than 5 years pa lang sila nagsasama, parang ang ikli... shet, cruel life.
Kaya pala ako umiiyak sa panaginip ko....

10:57 na, wlaa paren sina mama.... sayang naman, minsan ka lang mabubuhay tas kukunin pa agad pagkapanganak ng una mong sanggol... :( Alam ko na darating ang oras na may mamamatay rin na mahal sa akin, paano kaya ako magrereact?

May isang sigang binata na mejo matanda sakken siguro ng 3-5 years dito sa village namin. Astigin sha, marami shang resbak, nakikipagbugbugan sha at nagnanakaw pa. Puro kasamaan lang naririnig ko tungkol sa kanya. At nalaman ko na lang na patay na pala sha dati pa... di ko namalayan. Binaril sha sa basketball court ng kaaway nya. Deserving o hinde, mejo nakakaewan yung pagkamatay nya. At ang mas nakakaewan, yung pagkabuhay nya, wala shang nagawang mabuti sa kapwa nya tas namatay sha ng walang kwenta. Kawawa.

Fragile ang buhay natin, parang pinggan. Pero kahit gaano pa kafragile yan, gawin mo na ang lahat para maalala ka bilang isang mahalagang tao, at hindi isang walang kwentang tae.

Pagdasal sana lahat ng kaluluwang pumanaw (once in a while/once in a year), hindi natin alam kung gaano sila naghihirap sa kabilang buhay. Kapayapaan sana jan, uhte Vanessa. :D

Railings (Alumni homecoming)

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

ang saya maging railings oh. :D

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com