Saturday, October 29, 2005

Aray

Nagaahit ako ng aking balbas, tas TSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHH!!!!!
Nahiwa ko baba ko... aray...Sobrang sakit, next time magingat ka na rac...

May bago akong motto...

"It's better to regret something you do, than something you didn't do."


Diba inspiring... :D
Do it...
Agh, uwi kami Pampanga ngaun.... Kyut.

Wednesday, October 19, 2005

Yey. Yata.

Disregard niyo na yung previous post. Pinayagan ako ni pa. Pero mejo guilty ako. 5 grade ko sa Math74. Pero at least yun lang... pero sayang pa rin, may pahamak na 1.30+ % sumthing sa grade ko sa lec na naghihinder saken na magtake ng removals... Hng... Ang lungkot, uulitin ko na lang... iuuno ko to next sem.

Tuesday, October 18, 2005

Never was. Never will.

Nevermore.... deh.

Result. Di ako pinayagan sa outing. Ni Ma.

Ultimate outing ka pa huh... hindi ko ba alam... Ginamit ko na lahat ng tactics na okey para sureball na dapat yung pagpayag ni ma sa outing... Una, naghugas ako ng plato... nilinis ko lahat ng component ng PC ko. Pinabili pa nga niya ako ng brush para di ako mahirapan sa paglilinis. Hinintay kong magissa siya. Tas Naligo muna ako para kyut. Tas nilalambing-lambing pa niya nun yung pinsan ko bago ako nagpaalam... 'Ma sasama ako outing?' 'Ndi.'... Hindi man lang niya ako binigyan ng chance magpaliwanag tungkol dun sa outing. 'Wala tayong pera. Puro ka na outing'. Ha. Totoo ka ma. FOr the past 2 years, TOTOONG sumama ako sa kahit anong outing...

'Lagi namang ganyan e' /*quoted from janmark sa YM*/
referring na lagi akong hindi pinapayagan... yan irn nga hindi ko maintindihan, sobrang hirap magpaalam kina ma at pa to the point na minsan hindi na lang ako magpapaalam dahli useless din o kaya minsan nagsisinungaling na lang ako... Hindi ko alam kung sobrang nag-aalala lang siya o wala lang shang tiwala sakken e.

'Baka mamaya nagda-drugs ka na ha?' /*quoted from pa, when i was in highschool*/
Totoo ka pa. Totoong sobra kasing sasama ng mga kaibigan ko para gawin ko ang bagay na yan... Pero alam kong ayaw lang nya kasi akong mapasama sa mga ganyan kaya niya yan sinabi... Kung magfafrat ako, sisiguraduhin ni pa na hindi na ako makakalakad pag nalaman niya yun...

'Lambingin mo bukas. Hindi ako makakapayag na hindi ka kasama.' /*quoted from jeric sa ym*/
Sadly, hindi ako marunong nito. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung san ako nagkamali as a son. ANg labo, compared sa mga bata dito samen, sobrang iba ko. Hindi ako mahilig lumabas, hindi ako nagiinom, wala naman akong bisyo kundi tumambay sa kwarto at maglinis ng bahay... respetadong respetado ko sila, pero parang di nila maibalik yung respeto na yun e.

Eto na nga lang pahinga ko.... pero ayaw pa nilang ibigay. Alam kong nagpapakahirap rin sila sa pagtatrabaho pero parang hindi nila alam na nagpapakahirap ako sa pag-aaral...

'Pag-aaral na nga lang ginagawa mo di mo pa ayusin.' /*quoted from ma. di ko na matandaan kung kelan*/
GG. Madali lang talaga. Hindi kasi puro major yung tinetake ko na subjects... Ayoko ng mag-aral, pagtrabahuhin niyo na lang ako sa pansitan o kung saan man.

Sampaguita pa lang, ganito na lagi. Hindi nila alam kung gaano karaming lakas ng loob ang iniipon ko bago magpaalam sa mga ganitong bagay. Ah. bakit kaya yung mga kaibigan ko, laging pinapayagan kahit ilang overnight pa.

Ewan. Sana bukas, magbago na isip ni ma.

Sunday, October 16, 2005

Ultimate Outing

Eto yung details sa outing naten....

When: October 20-22, 2005
Where: Fontana, Clark, Pampanga

Meeting Place: McDonald's Katipunan
Date/Time: October 20, 2005, Thursday / 7:00 AM

ETD: 8:00 AM ('Yung mga Late iiwanan)
ETA sa SM Pampanga: 10:00 AM (sa SM Pampanga; Grocery 'till 11:30 AM)
ETA sa Fontana: 12:00 NOON.

Eto naman yung list ng mga sasama at yung mga assignment nila: (Mag-cooperate daw kayo sabi ni Basil)

jeric bola
basil kotse, 5 gallons tubig
rupert
bene bola, kotse, 5 gallons tubig
gino poker chips, cards, ps2, kotse, 5 gallons tubig
janze
kevin digicam, kotse, magic sing, 5 gallons tubig
cholo
rhett 1.5L softdrink, sizzling plate
carlos 1.5L softdrink
psan 1.5L softdrink, 5 gallons tubig
pascua 1.5L softdrink
rac 1.5L softdrink
janmark 1.5L softdrink
ace 1.5L softdrink
abellar 1.5L softdrink
arlo 1.5L softdrink, ricecooker/kalderong malaki
noah 1.5L softdrink
macky 1.5L softdrink
tud 1.5L softdrink
JONATHAN CONANAN

'Yung mga wala pang assignment, contact Basil ASAP.

Kung may gusto kayong dalhin aside sa assignment niyo, pls do para mas masaya.. 'Wag niyo kalimutan ang P 700 na bayad niyo, kasama na diyan lahat, pagkain, gas, lodgings, etc etc.. Sobrang sulet na yan, considering 4 days two nights ang outing naten! Kaya wag niyo kakalimutan yan.. Sabi nga pala ni Basil na lahat magdala ng DVDs... At saka sino daw may maliit na TV na pwede dalhin? at DVD player! wala tayong DVD player...

Punta dapat lahat.. si JON pupunta o, luluwas siya dito galing DAVAO sa wednesday para makasama tayong lahat sa outing naten. P*ta sulet o! Dapat by now ay inspired na kayong sumama!

"Kebin, sabihin mo sa email na yung mga late, iiwanan ha"
-Francis Basilio, leader

Kaya wag kayo papa-late!



Sana makasama ako..... [-o<

Friday, October 14, 2005

Cicada

Listening to 'Third Eye Blind - Never Let You Go'
Image hosted by Photobucket.com

Feeling - exhausted

hng... Isa nanamang pagsubok sa buhay ang malapit ko ng malusutan. End na ng Hell Sem na to!!!! Kaunting tiis na lang... Isang MP na lang pinoproblema ko pero mukhang ginawa na ni Roy lahat ang task kaya sana okey na... Defense na lang poproblemahin namin... Nakakapagod. Stress. Nalusutan ko na yung Math 101 at CS126 at ang tinik na CS22... oo mejo nagalala ako sa CS22 dahil sa zero yung MP namin nila Noah dahil wala akong compiler ng Java at sha lang ang gumagawa ng CS126 na MP. :(

Buti na lang sinipag ako... Wednesday dapat ang pasahan nun pero minove sa Friday. Sinumulan lang namin ni Noah yun nung Wednesday.... tas Thursday tinuloy namin. Tapos. Hehehehehe. Pero hindi cguro kami gaganahan kung di kami tinulungan ng Grupo nila Isla at Mike... yung structures kasi ng Jframe ay kakaiba, nagets lang namin sa code nila. Ok. Pero aasahan kong mejo maramirami minus namin... Wala kaming Exception Handling mashado e. Hehehehe.

Hindi na ako makapaghintay sa sembreak. ngayon lang ako nasabik sa sembreak ng ganito. Ini-snob ko lang talaga dati mga sembreak e... Ngaun ko lang narealize ang importance,, hehe. God salamat, o kung sino mang grabe yan, dahil sa paggawa at paglikha niyo ng sembreak.



Gusto ko ng makapunta uli sa Fontana.... WHOOOO!!!!!!! RAILINGS outing!!!!! Shet gusto ko na tong mangyari... hehehehe, para maiba naman.... Halos inubos na namin mall sa metro manila sa malling at cinema attacks namin e, at counter stride attacks .... Hahahahaha. Nagyaya rin si Jalene sa outing... whooooo...sana matuloy. I deserve to be makasama sa outing. Pag hindi ako pinayagan maglalayas ako!!!!! Kailangan ko ng BREAK!!!!!!!

May overnight pa bukas kina JC, malayo pa naman Cavite.... hmmmm... sna amatapos namin program namin at sana maintindihan ko para okey ako sa defense di ko na kailangan ng Belt of Giant Strength at Aegis of the Immortal.

Ayoko madisappoint sina ma... Sana hindi ako bagsak sa Math101... at Math74.... alanganin ako.... (hindi ang gender ko, ang grades ko)

Nung stressed ako, hindi ako makatulog dahl sa mga kuliglig na humuhuni sa gabi ng madaling araw.... Ganito yung huni nila o : "Kana-kana Chu-chu hashkakum hashkakum" Hahahaha... totoo... nabasa ko lang sa encyclo yan. Hindi ako makatulog... badtrip. Pero ngaung mejo free na ako, sana marinig ko uli sila mamaya. Kailangan kong maappreciate ang mga ganito kaliit na bagay para marelax habang nakahiga sa bagong renovated kong kama... Hehe. :D (meaning pinalitan ng cover at punda ang mga unan at GG at sapin...) Excited na ako.... kanakana chuchu hashkakum hashkakum.

Totoo ako.

Wednesday, October 05, 2005

Byebye Stress

Currently
'Uh, tinuturuan ko si Aaron sa Comsci 21. hehe....'




Ha, hindi ko na kailangan ng stresstabs no.... Kahit sobrang toxic pa ako, meron pa ring mga bagay sa mundo na nakakapagpangiti sayo kahit na sandali lang. :D Salamat God at merong mga bagay na ganun.

Mga okey na Stress-Relievers:



  • Venoc - Ang srap makipagharutan dito sa kapatid kong Grade5... Haha. Pag uwi ko o niya, maghihimasan kami ng baba. Hahahaha. Nakakatawa lang tas asaran kami ng: "Groobidoods ka?" Hahahaha. "Shotmac ka? Papun ka?" Mga nonsense na words na ang sarap ipang-asar. Hahahahaha. Naghuhubuan pa kami, shempre lugi sha sakken, Hahahahaha... Mismatch.

  • Arowana - Ang Arowana kong pinangalanan kong Mr. Shotmac... (pero wala talaga shang name, tawag ko lang sa kanya.), sobrang graceful ng moves niya at higante sha. Parang submarine. Hehehe. Ang ganda pa ng kulay. Hindi nga pala silver kundi Gold yung sakken... tas mejo makakakita ka ng green sa ibang parts. Ang sarap panoorin, nagga-glide. Hehehe. 6 years na namin inaalagaan mula pagkasilang... as in kasinglaki lang sha ng middle finger ko nun tas ngaun... Waw. Dambuhala na sha, kasinglaki ng kamay ko.



    imaginin niyo na lang na malaki yang nasa picture.

  • Ulam na may sabaw - Sobrang nakakarelieve ng pagod, isama mo na ang coffee pag umuulan... Pag umuuwi ako ng late, lagi kong pinagpe-pray na sana mainit at masabaw ang ulam namin... at wag sana isda.... GG.

  • DotA - Defence of the Ancients. Ang sarap kumawala sa Academics paminsan-minsan. Lalo na ngaung 2 consecutive Hell Weeks... Yeh. Academics is OWNING!!!! Academics is BEYOND GODLIKE, SOMEONE KILL HIM!!!! TRIPLE KILL!!! mo-mo-mo-monster KILL!!!

  • Friends - Mapa-Railings pa yan o Block 12. Hehehehe. Buti talaga naisipan kong makipagkaibigan... dati kasi iniisip ko nung Grade 3 ako na Kailangan hindi ako makikipagkaibigan para 'ASTIG' ang tingin sakken ng mga tao... langyang kalokohan yan... hahahahaha. :D Ang sarap ng may kausap... Recent friends na rare ko makausap na kakakausap ko lang: Issa, Annie, Julia, Gino-bat madalang ka sa YM? :(, Nicole -nagtag lang hehe, Kathleen, Pan, Yumi... Agh... :D

  • Tulog - Hindi ako mejo komportable matulog dahil wala akong time ayusin yung kama ko... Kay Venoc ko pinapaayos pag nagkataong nakita ko sha at gusto kong ibully. Hahahahaha. Mas okey na tulog ko. Naka 2 straight days ako na tulog from 10-5... swerte. :D kanina nga pala, nakatulog ako sa banyo. Langya nakakagrabe yung feeling pagkagising ko. Nanaginip pa kasi ako nun e. Oo nga pala, ang weeweirdo ng panaginip ko recently... (see GreenGrasshopper YellowGrasshopper). Yung kaninang umaga sa banyo, napanaginipan ko na Naglalakad kami ni Noah at nagg-girl talk... Tas biglang nasa bahay na kami ng kalaro ko dito sa village namin. Tas kinalikot namin yung PC dun tas may naex kami na windows. Tas biglang pumunta si Gino kasama si Tito Raph!!!! OMG!!! Tas galit si tito raph as in yung usual furious mode ng tatay ni Gino. Tas ngumangawa si Gino, "bakit niyo in-ex?" E dinadownload niya raw yung harry Potter. Shet ang labo. ayoko na.

  • Blog - Buhos ko lang lahat ng iniisip ko dito... Pag uugod-ugod na ako at 70 years old na, babasahin ko uli ito. Sobrang sarap ng feeling nun. GG.

  • Tiles - as in tiles sa sahig ng kwarto ko. :D Ang sarap magyapak, malamig tas pag binasa ko pa paa ko, heaven na.

  • Inspiration - marami akong inspiration sa buhay. Wag na to. Ayoko magpakakorni. :D

  • Chunkee - uh, newly discovered cookies ko to. Chunkee yung name niya tas nakalagay sa sub-label niya 'Chewy Macaroon Cookies' tas SOBRANG sarap kainin... Hehehehehe. Buti na lang libre. Hehehehe. Sarap buhay. Tsaka yung Madelicious na bread nila na may cheese at sugar at margarine sa taas tas pwede ng ipangtawid gutom. Sana tumaba ako.

  • Taeng yan, mga conversation namin tungkol sa DOTA (nakarereceive ko lang sa YM) tulad nito -

    Aaron: jm: dc muna ko kelangan ko na mag 1 game para makapag aral na ko
    Aaron: ano yan GG?
    Rac: :-j
    Rac: HAHAHAHa
    Rac: tae natatawa ako ngaun
    Rac: =))

    Yan ang tinatawag mong GG. Diba JM? hindi ka nga adik. =)

  • Music - aha, may bago akong kinocompose sa organ... Papangalanan kong Green Grassy Fields... :D Pinag-iisipan ko pa yung lyrics e... tungkol sa isang babae na nakatayo sa green grassy fields tas sinisinagan sha ng radiant sun tas sweet yung smile niya.... anyway, isang verse pa lang naman yung nacocompose ko sa organ... yung lyrics, di ko pa sinusulat... At masarap makinig ng mp3 na relaxing pakinggan... Instrumentals lalo. Masarap irn kumanta. Sobra.

  • Sigh - Kung mashado ka ng deprest, mag-sigh ka na lang. Isang maingay na sigh para maraming stress ang mawala... Ginagawa ko to minsan.

  • Music ni Pa - sobrang okey ng mga pinapatugtog ni papa ngaun... Mejo nabulukan ako dun sa mga kanta ng Pink Floyd e... ang boring, makakatulog ka, parang nagkekwento lang si Pink Floyd.. Yung ngaun hyper na uli, masaya kantahin kaso makikita ko lang yung title nung kanta pag wala na sha sa sala... hehehehe, nakakahiya tingnan e. "out of here, out of here, out of here... iknow you know i want.... you...." Download niyo Queen-Somebody To Love. Hehehe. Hinahanap ko nga dun sa sala e, kaso mukang kailangan ko itry lahat yun.

  • Drawing/Painting - shet ang sarap magpainting.... :D Kaso nagamit ko na canvas ko. Argh... masarap rin magdrowing. Kaso mejo kulang ako sa time e... tsaka ayoko i-scan, dagdag space sa HD. 1 Gig na lang free space ko... GG. San ba kasi makakabili ng okey na HD?

  • Mainit na Tubig - di pala mainit. Maligamgam.

  • Tumunganga - Sobrang sarap. Hindi nakakapagod. Daydream ka pwede, ipikit mo mata mo pwede rin.... Hehehehe.


Image hosted by Photobucket.com
Hayup na arowana. Gwapo talaga. Aaron jutah ka ipasa mo yang CS21, inumaga ako ng pagtuturo sayo. Hindi biro magturo ng nakabukas ang PDF file tas turo sa YM na walang doodle IMvironment. hehehehe. Goodluck bukas sa tests niyo... at tests rin namin... Handa na talaga ako sa 22... GG sa essay attack bukas... OYE, Nadl ko na yung Jikes compiler at Context Text editor.... what next? Allen goodluck rin. :D

Lapit na Sembreak. Excited na ako.

Tuesday, October 04, 2005

Random Kalat Na Naman

Currently listening to
'The Julianna Theory - The Closest Thing'
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
Papunny

Wala na yung isa kong alagang ibon... Bali kasi dalwa alaga kong ibon, isa Kulasisi, isa Limuhun. GG na yung Limuhun, nakaalpas recently ng gabi. GG, hindi kasi nakakulong yung ibon na yun, nakatali lang sha katabi niya cage nung kulasisi... Bawal sila magsama kasi nagaaway sila. Yun... natanggal niya yung tali niya. Sana hindi na sha mahuli ng tao hehehehe. Mamimiss ko yung huni niya na Kukukukukukukukucoocoocoocoocoo..... anyway, dalwa yung huni niya, yung isa parang tawa ni joker.... hehe. Sayang mag2-2 years na sana sha samen. hehe.

Kung magkakaroon ako ng superpowers... Kung... Uh... gagawin kong pera lahat ng basura dito sa Pilipinas. Para matuto naman tayong magpulot... GG na tayo kung kalinisan ang pag-uusapan, kung magiging pera lahat yan, edi wala ng basura... kailan kaya tayo matututo... ???

2 Hell weeks pala kaharap ko ngaun. Tapos na yung Hum2. Tapos na Chem14, exempted ako sa finals pero baka magtake pa rin ako kung may pag-asang tumaas pa grade ko hehe. Math74, hindi ko nakita result ng second tests sa lab at lec, tas kanina 3rd exam sa lec at lab, bali finals na lang... Pray tayo...

Di ko alam gagawin sa apat na MP (machine Problem) na kinakaharap ko. CS 22. CS 126. CS 123 lec. CS 123 lab. dahil wala akong Java compiler, at mysteriously nasira yung DVD Drive ko... Bali nakakaread pa sha ng DVD pero hindi na ng Vcd o kung ano pang cd... arg, e yung compiler nasa burnt cd ni Noah... GWAAAAAH... wala ng space hard drive ko. Im doomed. Juju.

Acceptance. Tanggap ko na. Mejo. Move on, move on, inoopen ni Janus ang pintuan papunta bukas.



Minsan natatakot ako pag binubuksan ko pintuan papuntang kusina pag gabi, pano kung biglang may distrubed na babaeng nakawhite na wasak yung mata na biglang nagaapproach sakken at mashadong mabagal ang aking reaction time? Alam ko na, GG na lang... Isa ang pintuan sa pinaka-nakakatakot na kagamitan.

Lahat ng nasa YM ko, busy sa pag-aaral, Kung sino man yang grabe jan, bigyan niyo naman kami ng pahinga. :D

Sunday, October 02, 2005

Dash Ignore

Coldplay-Clocks
at
Donna Weiss - Bette davis Eyes

Merong mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na narerealize mo kung gaano ka ka-insignificant sa ibang tao. At sa mga pagkakataong tulad nun, hindi mo maiiwasang makaramdam ng lungkot. Hehe.

Hindi okey yung pakiramdam. Ah. Akala ko pa naman mahalaga ako sa kanya, tas kinalimutan niya na lang ako bigla-bigla palibhasa hindi ko na sha nakikita. Ganito siguro yung naramdaman nung close friend ko na hindi ko nagreet nung birthday niya, na binitchslap pa ako. Pasend-send pa sha dati ng 'Lav Yah' amf.... Kalokohan.

Mararamdaman mo lang kung gaano ka kaliit sa paningin ng ibang tao.
Insignificant. Kung baga, yung level of significance mo, masyadong hindi bagay sa alpha value kaya makakacommit sha ng type1 error. Hehe. Math 101 amf. Anyway, nakaraan na yan. Wag ng balikan yan. Tumingin ka na lang sa hinaharap, tumingin ka sa kasalukuyan. Pero paano kung wala kang makita pagharap mo? A e.. ewan, basain mo paa mo o sumthing na magpapakalma ng kalooban mo. Sumulat ka ng liriko, tumula ka,
humaching ka o kung anu man. Hehe. Unti-unting lumiliit ang ginagalawan kong paligid. Yung isa kong kaibigan dati, galit na galit na sakin with all her ferocity dahil sa isang hindi ko sinasadyang kasalanan. Yung isa ko namang special friend, ni hindi ko na nga makausap ng diretso. Yung isa naman, yun nga, yung
minura pa ako. Palayo ng palayo ang agwat ko, kakalimutan ko na lang ba sila? Di pwede, di kumpleto buhay ko.

Recently nabasa ko yung mga palanca ko nung 4th year retreat sa Angel's Hills... Ang sarap basahin after such a long time.
Puro pagmamahal pa nakasulat dun, puro praise, puro thank you's, puro gratefulness... Siguro nagdedegrade yun habang tumatagal. Praise, ThankYou's,Admiration,Significance is inversely proportional to Time(as time increments). Bawat salita dun nagpapasaya sa loob ko, yung mga kaibigan kong Railings, mejo dramatic pa yung iba magsulat. Hahahaha. Tama, isa ang retreat sa pinakamasasayang araw ng buhay ko. Ha, ginawa ko lang yun para makabawi yung
sarili ko sa naramdaman kong degradation ng significance ko. Pero kahit anong mangyari halos wala naman talagang halaga ang existence natin kung ikokompara mo sa kalawakan, pero kung sa mundong ito, pwede pa, dahil kahit sino naman sa atin mahalaga para sa ibang tao e. Pero mukang ako mediocre lang. Minsan talaga unfair yung mundo diba? GG.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com