Tuesday, October 18, 2005

Never was. Never will.

Nevermore.... deh.

Result. Di ako pinayagan sa outing. Ni Ma.

Ultimate outing ka pa huh... hindi ko ba alam... Ginamit ko na lahat ng tactics na okey para sureball na dapat yung pagpayag ni ma sa outing... Una, naghugas ako ng plato... nilinis ko lahat ng component ng PC ko. Pinabili pa nga niya ako ng brush para di ako mahirapan sa paglilinis. Hinintay kong magissa siya. Tas Naligo muna ako para kyut. Tas nilalambing-lambing pa niya nun yung pinsan ko bago ako nagpaalam... 'Ma sasama ako outing?' 'Ndi.'... Hindi man lang niya ako binigyan ng chance magpaliwanag tungkol dun sa outing. 'Wala tayong pera. Puro ka na outing'. Ha. Totoo ka ma. FOr the past 2 years, TOTOONG sumama ako sa kahit anong outing...

'Lagi namang ganyan e' /*quoted from janmark sa YM*/
referring na lagi akong hindi pinapayagan... yan irn nga hindi ko maintindihan, sobrang hirap magpaalam kina ma at pa to the point na minsan hindi na lang ako magpapaalam dahli useless din o kaya minsan nagsisinungaling na lang ako... Hindi ko alam kung sobrang nag-aalala lang siya o wala lang shang tiwala sakken e.

'Baka mamaya nagda-drugs ka na ha?' /*quoted from pa, when i was in highschool*/
Totoo ka pa. Totoong sobra kasing sasama ng mga kaibigan ko para gawin ko ang bagay na yan... Pero alam kong ayaw lang nya kasi akong mapasama sa mga ganyan kaya niya yan sinabi... Kung magfafrat ako, sisiguraduhin ni pa na hindi na ako makakalakad pag nalaman niya yun...

'Lambingin mo bukas. Hindi ako makakapayag na hindi ka kasama.' /*quoted from jeric sa ym*/
Sadly, hindi ako marunong nito. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung san ako nagkamali as a son. ANg labo, compared sa mga bata dito samen, sobrang iba ko. Hindi ako mahilig lumabas, hindi ako nagiinom, wala naman akong bisyo kundi tumambay sa kwarto at maglinis ng bahay... respetadong respetado ko sila, pero parang di nila maibalik yung respeto na yun e.

Eto na nga lang pahinga ko.... pero ayaw pa nilang ibigay. Alam kong nagpapakahirap rin sila sa pagtatrabaho pero parang hindi nila alam na nagpapakahirap ako sa pag-aaral...

'Pag-aaral na nga lang ginagawa mo di mo pa ayusin.' /*quoted from ma. di ko na matandaan kung kelan*/
GG. Madali lang talaga. Hindi kasi puro major yung tinetake ko na subjects... Ayoko ng mag-aral, pagtrabahuhin niyo na lang ako sa pansitan o kung saan man.

Sampaguita pa lang, ganito na lagi. Hindi nila alam kung gaano karaming lakas ng loob ang iniipon ko bago magpaalam sa mga ganitong bagay. Ah. bakit kaya yung mga kaibigan ko, laging pinapayagan kahit ilang overnight pa.

Ewan. Sana bukas, magbago na isip ni ma.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com