Tuesday, August 30, 2005

I Need A Hero

Currently Listening to
'Guns N Roses - Patience'
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
uncertain


Kailangan ko ng painting... REquirement namin sa humanities, e painting na napili ko. Kailangan ko ng subject na ipepaint na ang theme ay 'Heroic'. Di ko alam kung paanong heroic. Pwede bang superhero? Pwede bang mga bayani nung Spanish time? O yung mga bayani ng makabagong panahon? Hindi ko talaga alam. Hanggang ngaun blangko paren ang canvas ko. Hahahahaha.

Ang naisip ko ay pagsusuotin ko ng Superman costume si rizal, tas batman naman si ninoy tas nakacostume naman ng the incredibles ang isang metro aide (bayani para sakken tong mga to), tas yung isa naman nakasuot ng spiderman tas isa shang donator o kung anu man... :| Pwede kaya yun... wala na akong maisip na mejo interesting e.... Kung pangit to, magpepaint na lang ako ng metro aide tas naglilinis sha ng mga basurang itinapon ng ibang tao tas sobrang init ng araw tas mausok... :| o kaya taxi driver na lang na nagreturn ng malaking halaga ng pera (old school). Hahahahaha. Sana okey.... sa totoo lang wala akong panahon dito dahil kailangan ko pang atupagin ang math74 ko. :(

Sa mga pisay:
Meron ba kayong xerox copy ni Ida (ung painting na cinritic sa arts secant year) ??? Para sa mga Sci Stream. Kung meron pa pahiram naman o, kelangan namin para ievaluate... :D


Sit here on the stairs
'Cause I'd rather be alone
If I can't have you right now, I'll wait dear
Sometimes, I get so tense
But I can't speed up the time
But you know, love, there's one more thing to consider
Said woman take it slow
Things will be just fine
You and I'll just use a little patience
Said sugar take the time
'Cause the lights are shining bright
You and I've got what it takes to make it
We won't fake it, Oh never break it
'Cause I can't take it


...little patience, mm yeah, ooh yeah,
Need a little patience, yeah
Just a little patience, yeah
Some more pati... (ence, yeah)
I've been walking these streets at night
Just trying to get it right (Need some patience, yeah)
It's hard to see with so many around
You know I don't like being stuck in a crowd (Could use some patience, yeah)
And the streets don't change but maybe the name
I ain't got time for the game
'Cause I need you (Patience, yeah)
Yeah, yeah well I need you
Oh, I need you (Take some patience)
Whoa, I need you (Just a little patience is all we need)
Ooh, this ti- me....

Saturday, August 27, 2005

Viviparous

Currently feeling
Image hosted by Photobucket.com
hungry. hindi talaga 2pm ang lunch ko kanina.

Mahirap man tanggapin, magtatrabaho ako balang araw. Labag man sa kalooban ko. Ehehehehe. Hindi naman.

When i was in Nursery/Kinder/Gradeschool
1. Fishball Vendor - hindi ko na naaalala na minsan ay ginusto ko maging Fishball Vendor...
naririnig ko na lang sa mga kwento nila Jaja at Mama na minsan ay gusto ko maging fishball vendor paglaki.
Hahahaha.
Progress: 0%
*masarap ang fishball pag isinahog sa Pancit canton. ^_^

2. Fireman - sobrang angas ng mga fireman naka full battle gear pa sila at matatapang pa. Tsaka
parang ang sarap pumatay ng apoy kaya nung minsang seatwork... na kailangan naming idrowing ang
aming future career, nagdrowing ako ng pulang fireman na may hose at pumapatay ng apoy.
Progress: 0%

3. Comic Book Writer - Grade 3 to grade 4 to nagsimula. Isang kaibigan ko na Francis Padua ang
mahilig magdrowing at gumawa sha ng comics. Nainggit ako kaya gumawa rin ako. Tas yun, sa section
namin..(IV-Venus), lima kaming gumagawa ng comics. JRIBF pa nga tawag namin sa amin e. jed, rock,
irwin, brian, francis. o diba. muka kaming mga gago. masaya magdrowing.
Marami na akong nagawang comics. Actually hindi ko na alam kung ilan. Tinapon kasi ni ma yung mga
gawa ko dahil nakakalat raw sa cabinet. Hahahahaha. Ang pangalan ng mga comics na yun ay Temple
Fighter. Oo, ang corny. :D Tas, nung nagtagal, dinagdagan ko ng 'R' sa dulo, kaya Templer Figthers na
sha. Hahahaha. Tas gumawa ako ng comics (named -IZE, 9 episodes) na nakakatawa nung Grade6 na binabasa namin dati bago mag-
klase. Anyway, tungkol yun sa section namin... wala lang, nasakken parin yun. At sinubukan kong
simulan uli yung Templer Fighters na yan at nakaabot ako ng 25 episodes so far. Ang sarap tingnan
kung paano nageevolve yung style ko ng pagdodrowing. Binebenta ko nga pala drowing ko dati...
kumita ako ng 1800 plus... hahahaha. Nabasa na ni Pan yung mga comics kong yan. hehe.
Progress: 40%

4. Painter - Baka ipursue ko to, baka hindi. Balak kong magfine arts pagkatapos ko grumadweyt ng college. pwede ba yun?
Si Jaja ang mas painter sa aming pamilya, pang anime lang ako... o_0
Progress: 0.5%

5. Pianist - Grade 3 ako ng pagaralin ako ng mama ko sa Wenstein o Weinstein o kung anu man...
pinapili niya ako kung ano gusto kong instrument na matutunan at ewan ko ba kung bakit e.organ ang
pinili ko... Siguro dapat gitara na lang pinili ko, mas sikat yun sa girls e. At e. organ ang itinuro sakken.
iba pa pala yun sa piano... hindi ako marunong sa f-clef, pero chords marunong ako. Si jaja nga
pala ang naggitara. Shet baligtad choices namin. ^_^
Dalawang original composition pa lang nagagawa ko pero nakalimutan ko na yung una, kaya yung pangalawa...
na ginawa ko lang ngaun college ang okey. Wala akong maisip na magandang title.

Scanned:

Image hosted by Photobucket.com

Progress: 10%

6. Civil Engineering - Gusto kong magdesign ng bahay para kina mama at papa. Kaya gusto kong careerin ang arts and drafting dati.
At ang ninong ko na nasa Australia ay architect, nung nakita ko mga gawa niya, naisip ko na okey
kung maging tulad niya ako o kaya engineer na lang.
Progress: 0%

When i was in Highschool

7. Vocalist - Nung highschool ko lang nalaman na pwede pala akong kumanta... yun. Naintroduce kasi
ang mga mp3 sakken at naadik ako sa mga kanta. Yun.
4th year promenade, hindi ko aakalaing tunay at seryoso si Gerard nung sinabi niya na ako ang kumanta
ng Swing Swing (all american rejects) sa prom... Yun, haha. at ako pa unang kumanta nun. Maganda
naman yung performance. Ang sarap kumanta. Bumagsak ako sa upcat, si bene rin, si ian rin, si noah
rin, si ansay rin... tas tawag namin sa amin ay All University Rejects... tas inadapt ni Bene yung
Swing Swing ginawang pang UP/college yung theme.... nakakatawa kaya, kinanta namin nung Farewell Concert
ng 04. Tas Battle of the Bands sa pisay... ako, gerard, noah, kapatid ni gerard, enzo (yata)... (hindi ko
kilala yung kapatid ni gerard at enzo yata dahil lower year yung mga yun). Wala kaming matinong
practice pero nagperform na rin kami. Kumanta kami ng Love Makes the World GO Round (powerpuff),
Semi-charmed Life (3rd eye blind, tae ambilis ng drums) at Vindicated(Dashboard Confessionals, noah vocals/guitars).
Palagay ko hanggang dun na lang ako. :D
Progress: 10%

8. Developer - gusto kong gumawa ng games na rpg tas Gangs of Commonwealth yung bida tas kung ano
yung nangyari sa amin nung highschool yun rin takbo ng storya... Pang movie kasi yung mga kwento
namin e. Kaya gusto maging movie director ni Jeric e. Mga okey na scenes: Jeric at Kevin nagaaway
dahil sa babae, nagbabackstaban pa sila dati. Jon, nagkahepa nahawa kay Dizon dahil tumalsik raw yung
laway ni Dizon pagbukas niya ng pinto (naiimagine kong gawing ala-matrix o kaya bullet-time yung
pagtalsik ng laway) tas nashoot raw sa bibig ni JOn. GwAHAHAHAHAHAHA! Jon nagkasakit ng malubha, hindi
na nakakatulog, Ang napipintong paglisan ni Ginorey, ang pagcoconvince namin kay mang Jonie na
wag ng papuntahing states si gino, TOTOO tatay talaga ni gino si mang jonie kaya sa kanya kami nagpapaalam.
Hahahahaha. Si pan chumichiks.
Progress: 0%

9. Book Writer - Nagsecret gawa ako ng book... mejo mala-final fantasy dahil nga naadik ako dun. Tae.
pinangalanan kong 'Tales of Destruct' na sabi ni Gino ay mukang putol yung destruct na word. haha.
Tas gumawa pa ako ng sketch pad ng mga character profile. Marami kasi akong gustong sabihin tungkol
sa buhay na sa palagay ko ay sa libro ko pwedeng ikalat. May naisip akong idea ng magandang story.
Tungkol sa isang orphanage sa isang isolated na place tas unti-unting madedevelop yung mga ugali
ng mga bata na inaalagaan nila. Tas gusto ko mejo dramatic at mejo masarap basahin. Ipapakita ko yung
bonding nung nang-aampon sa mga bata ni anampon niya. May batang maliligaw ng landas, may batang
aalis... ganyan-ganyan... tas merong event na may isang trahedya tas kailangan mamili nung nangaampon
kung sino sa mga bata ang isesave niya muna, tas mamamatay yung hindi niya napili. Basta... Wala pa nga lang
akong maisip na title at mejo pagod aking mga kamay...
Progress: 10%

When I was in College:

10. Computer Scientist/Programmer - okung ano man. Basta nung nakausap ko Si Anna Santos, sabi niya
okey naman course ko... Tsaka mukang may sense naman pinagsasabi niya kaya naisipan kong ituloy na lang tong
course na to... Okey lang, nakakaya ko pa anman yung mga pinapaprogram nung mga teacher pagkatapos kong
ibagsak ang ComSci 22... tsaka lang akong natuto talaga.
Progress: 15%

11. Fisherman - Siguro iniisip mo na mejo bumalik yata isip ko. bakit fisherman? Gusto ko, pagnagretire ako,
mamumuhay na lang ako sa isang island para tahimik... masarap isipin. Simpleng buhay lang gusto ko.

Saturday, August 20, 2005

Spiderman's Birdie is the Cutest



Wednesday, August 17, 2005

Katangahan

Currently Listening to
'Eraserheads - Overdrive'
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
stupid

masaya si spiderman dahli sa Katangahan...












ko.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

Hindi na ako magrarant dito tungkol sa katatapos lang na tests sa CS 126 at Math74 lab... nakakasawa na yun e. :(

May mukang gago lang na nangyari kanina...

Hindi ito maiintindihan ng hindi MX Babies kaya wag niyo ng basahin... at hinding hindi niyo to madedecode.

Okay na kasi yung laro namin e, 2on2 na e, kampihan na lang kulang e... kaso may napasamang external element tas okay na okay yung mga pangyayari kasi purely nagkataon nga lang.... Hindi pa mukang gago yung nick e... Okey lang mukang propesor naman si Mike e, tsaka okey yung napili ko e, hindi ko talaga minamaster. Si Noah rin hindi niya minamaster yun e. Hindi nga nangchecheapshot sina Propesor at Isla e. hahahahahaha. Tae kaninag habang nagtetest natatawa ako sa sarili ko sa katangahan kong yun e... Mike kasi e kasalanan mo tong lahat. Close nga kayo. Gyahahahahahaha. Wala na.... Parang hindi ako nagbobonakid nun 'Batang WalangLaban'. Nagets ko talaga yug mga sinenyas mo nun Mike e. Gyahahahahaha. Tae sobrang bakla nun... dapat kasi si GerBear na alng yung nandun nung panahong yun e o kaya si Kids... haha.

MAgdiwang tayo sa katangahan ko!!! WOOOOOO.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, August 16, 2005

The Crap, The Creep, The Cure

THE CRAP
Currently listening to
'No Vacancy - Heal Me, I'm Heartsick'
and feeling
Image hosted by Photobucket.com
doomed :o
Image hosted by Photobucket.com
old
Image hosted by Photobucket.com
useless
Image hosted by Photobucket.com
zero :(



Ayoko na. First bagsak na test ko this sem... Math74... :( Ayoko ulitin tong math na to.... please.... :( anyway... sobrang wala akong mukang maihaharap dahil sa score ko sa recent long test... ako na yata ang pinakatadtad na tao sa buong mundo.
Minashin-gun ako ng mga longtest... Hindi ko alam lahat ng sched... Recently, nagtest kami sa CS22 lec at CS22 lab , Chem14.1 tas sa Math 101(na di ko pa alam results) also known as Stat tas biglang merong Math74 (na binagsak ko... WAW, ako yata lowest), tas meron pang CS 123lec tas nagtest rin ng CS123lab. tas bukas naman ay Math74 lab pero bago yun, may test pa kami sa CS126lec at lab.... TOTOO... buhay pa talaga ako ngaun... Wala akong magawa... wala akong laban...

Nakakadepress ang score ko sa Math, pinagaralan ko pa naman ng taimtim yung mga formula tapos nazero lang ako... talagang yung pinakaiisang question sa problem solving na alam kong sagutan e nagkamali pa ako. Kabisado ko nga yung tanh para sa proving at tama na sana e arctanh naman yung nailagay ko... TOTOO.... :( Next week, may upcoming Chem14 pa talagang marami akong alam dun tas Stat/Math101 uli pero lab naman... nabubuhay pa talaga ako ng matiwasay e.

Kada araw na lumilipas unti-unting pumapangit ang mundo sa paningin ko.

bakit parang pumapasok na lang ako para magtest??? argh....

THE CREEP
Gusto kong maging
Image hosted by Photobucket.com
in love
Nakausap ko kanina si Maan, rare lang na magkausap kami ng okay, usually kasi pahi-hi lang kami e. Hehehehehehe. Yun bago mag Stat kanina kumain muna ako sa "CAF" tas nandun yung kambal (maan/lean) tas dismissed na pala sina maan kaya nagkwentuhan muna kami, kung gaano namin namimiss highschool days ganyan-ganyan... :D Sana ganun na lang sa school, ayoko ng magtest... pero shempre bawal e...

Tapos, nakasalubong ko kanina si Yellow-uhm... WAW, sobrang ganda may sparkle pang kasama parang nasa commercial ng close-up.... kailangan ko na talagang umatak... Hahahahaha, sobrang ngaun ko lang uli sha nakita tas... WAW, mapapakanta nanaman ako ng Creep nito e. Hahahahaha.

Sana meron rin akong girl... :D Kailangan ko na ng ka-share ng mga oras ko, -_-
Kailangan ko na ng kasama kapag break, nakakamiss... o_0 Ewan ko ba, palagay ko talaga mas okey buahy ko kung may kasama ako e, nakakamiss umatak. Wala kasi akong ginagawa ngaun kundi magDota at Magtest... kung may minamahal na siguro ako, hindi ko na kailangan pang maglakad mula Faura hanggang Pedro Gil para lang magdota, kumain ng take out sa McDo sa may Taft para makasulit sa promo nila na free double go large tas kakainin ko habang nagdodota tas kinakain ko pa hastily. Kung may minamahal na siguro ako, mas masaya buhay ko at hindi hasseld. Yun may kasama kang magrevyu tas yun yung mahal mo, okey yung pakiramdam nun... tas reregaluhan mo sha tas matutuwa sha tas parang okey.... hng... sana makilala ko na sha de. Tuwing nakakakinig ako ng malamya at pang love song na music, narerelax ako at naiisip ko na ang sarap hindi maging single... :|

THE CURE
Masaya... mejo... wrong timing ang Math74
Image hosted by Photobucket.com
Cured na ako... Wuuuuu. naubos ko na ang 558 pieces ng tablet na kailangan kong inumin sa loob ng half a year... Hindi na ako mahahassel kada umaga sa paginom nun bago kumain, basta, salamt naman kay lord. Miss ko na Railings oh??? Hoy wala na ako sakit, overnice tayo at outing like the good old times nga sabi ni Bene. :D Shet, miss ko na sina Gino, Jeric, Kevin, Janmark, Jon, Dizon, Railings.... kailangan ko kayo NGAUN NA!!! hehehehe. Hindi na ako mamatay ng maaga!!! Sorry jon, ikaw na uli nasa unahan ng listahan. D. Kailangan ko munang talunin tong sched ko bago ko kayo makasama,,, hindi ako hasseld e.

EDIT: IF ALL ELSE FAILS:
'kung hindi man ako magtagumpay sa kurso ko, isang option ay.....

maglilive na alng ako peacefully sa isang island as a fisherman... WOOO peaceful oh, wlaang usok oh, walang basura oh, walang tests oh, walang kotse oh, walang pera oh, walang balakid oh, WOOOOO!!!!!'

Saturday, August 13, 2005

Inandantia

Currently Listening to
'Sonic Flood - I Need You'
and currently feeling
Image hosted by Photobucket.com
stressed to death
/*thanks for Roy Caducio for the model of this icon*/


Sobrang rami ng ulan na dumating. Okey sana ang ulan kung hindi lang bumabaha. Pag umuulan, malamig, maginaw parang ang sarap mabuhay, parang nililiguan nito yung kadumihan ng mundong ito... kaya okey, pero hindi okey kapag nababasa ka tas papasok ka ng school. Bwahahahahaha! Baha sa Faura pag umuulan, barado kasi yung mga canal. Hehe. Tae kasi mga tao tapon ng tapon kahit saan. Hindi lalagpas ang isang araw na wala akong makikitang at least limang tao na nagtatapon ng basura: maliit o malaki, pasimple o hagaran.... nakakahiya kaya.... parang naiisip ko talaga hindi na tayo uunlad kada isang taong nakikita ko na nagtatapon ng basura... :( salot. Anyway, ewan ko ba kung bakit lagi kong napupuna yung mga nagtatapon ng basura, cguro kasi ako hindi. Hahahahaha. Totoo, kasi natuto ako nung first year high school. Filipino yung subject nun tas ang teacher namin ay si Ma'am Sanchez. A u u. Nakakatakot yun magalit at magaling sha magturo. Tas tinanong niya si soulmate Angeli (cuddlybear) kung nagtatapon ba sha ng basura. Sabi ni Angeli "Promise hindi, kineekeep ko talaga sa bag ko until makakita ako ng basurahan." tinanong pa sha ni ma'am kung talaga ba yan? "Promise." yun, tas tumatak na sa isipan ko yung sinabi niya kaya simula nun, tinry ko na wag magtapon ng basura. :) WOOOOO... labo, ang rami kong natatandaan sa mga recitation. Tanda ko pa yung sabi ni Anne Suansing na "Mag gusto ko yung nilalait ako kesa sa pinupuri ako para malaman ko mga pangit sa ugali ko." Hmmmm.... totoo ba yan? :D Marami pa.... Basta yung mga okey na recitation natatandaan ko...

Pero hindi ko talaga alama kung paano masosolusyunan yang basura na yan, hindi ko naman sasabihin "Mga bobo kayong tao kayo wag kayong magtapon ng basura" dahil in the first place, isa akong vandal boy. :|
/*hindi na ako nagvavandal ngaun, nung 1st sem pa ng 2nd year college ako tumigil*/
pero kahit na... wala na lang akong gagawin. Manonood na lang ako sa pagbuhos ng ulan. Kung bumaha kaya uli tulad ng sa Bibliya? Hehehehehehe.

Ngaun lang uli ako nakapaglagay ng entry dahil sobrang busy ako sa school.... :( kailangan ko ng magpagupit... waaaah.

Friday, August 12, 2005

Frankl. Ultimate Meaning of Life

dahil tinatamad pa akong magtype ng mga nangyayari sa buhay ko,,, eto muna.


Rock Merjudio
2004 13676


Man’s Ultimate Meaning of Freedom According to Frankl

Being a prisoner in Auschwitz, Frankl had learned many things about the psychology of prisoners who are in the process of undergoing the three stages of prisoner life. The three stages are the period of time when one becomes a prisoner, the one when the prisoner accepts his fate and try to abide by it and the one when the prisoner finally achieved freedom. Over the time Frankl was imprisoned, he learnt what freedom actually mean to him. This is shown when they were liberated and they did not feel any supreme joy about them being free.

The experience of camp life showed Frankl that man really does have a choice of action, be it good or bad. This is freedom, and freewill. Apathy could be overcome and irritability can be suppressed. To Frankl, even if he is not free physically, he has spiritual freedom, of independence of mind that saved him through such very terrible conditions of psychic and physical challenges. There are many forms of freedom but one freedom can’t be taken away from anyone and that is the freedom to choose one’s attitude in any given circumstance. In one’s life, there are many choices to make. These choices will offer consequences of unlimited possibilities sprouting from the actions you take. As stated in the book, an inmate’s nature and disposition is not really due to the camp influences alone, but to one’s inner decision.

Frankl also said that one’s inner freedom cannot be lost as he saw the martyrs who die in the camp. It can be said that they were worthy of their sufferings; the way they bore their suffering was a genuine inner achievement. It is this spiritual freedom that makes life meaningful and purposeful. It is just that suffering and death can’t be taken away in one’s life because human life can’t be complete without it. To make you feel that you’re alive, one must suffer and surely one who died will always be said as one who once lived.

The way man accepts fate whether it is accompanied by suffering makes him brave, unselfish and dignified. On the other hand, if he refused it, he may lose his human dignity and be no more than an animal. Here lies the chance for one to decide what he will do. It is one’s freedom to take the path which he thinks is right. This decides whether one is worthy of his sufferings or not. This situation is not only seen in concentration camps. Everywhere, man is confronted with fate, with the chance of achieving something through his own suffering.

A man who could not achieve his provisional existence was not able to aim at an ultimate goal in life. This is why when we are still little; our parents will sometimes ask us what we want to be when we grow up. An unemployed worker, for example, is in a similar position. His existence has become provisional and in a certain sense he cannot live for the future or aim at a certain goal. These men lost every consciousness of time like the prisoners which don’t know when they were brought to camp and when did they achieved release. They experience an existence without a future and a goal.

One of the prisoners, which Frankl met while marching whispered that he had felt as though he were marching at his own funeral. His life had seem to him absolutely without a future. He regarded his life as over and done, as if he already died. This example shows loss of hope. A man who cannot let himself decline because he could not see any future goal found himself occupied with retrospective thoughts. These men often look back at the past to escape away from the present but in erasing the present of its reality lies a certain danger which is the tendency to overlook some opportunities to make something positive in life. They preferred to close their eyes and to live in the past. Life for such people became meaningless.

What we really need is a fundamental change in our attitude toward life. We had to learn ourselves and teach despairing men that it did not really matter what we expected from life but rather what life expected from us. We needed to stop asking what the meaning of life is but instead to think ourselves as those who were being questioned by life. Life ultimately means taking the responsibility to find the right answers to its problems and to fulfill the tasks which it constantly sets for each individual. These tasks differ from man to man and form moment to moment. Thus it is impossible to define the meaning of life in a general way. When a man finds that it is his destiny to suffer, he will have to accept his suffering as his unique task in life. No one can relieve him of his suffering or suffer in his place. His unique opportunity lies in the way which he bears his burden. This thought can keep a suffering man from despair. We need the “why” for us existence and we will be able to bear almost any “how”.

But a liberated man cannot shun away all of spiritual care. It would be wrong to think that a liberated man is free from all obstacles. But the crowning experience of it all, for a liberated man, is the wonderful feeling that after all the suffering he has endured, there is nothing he need fear any more except God.

Wednesday, August 10, 2005

Kalasag

hmmm.... sumali ako sa Hero Idea Contest ng dotaportal.com, isang forum para sa mga nagdodota,,, at nanalo ang aking hero, hehehe, pwede ko maipagmalaki bansa natin... deeeeh..... hehehehe....

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com


Image hosted by Photobucket.com

eto nga pala ang link :::::

eto ang aking thread...
http://www.dotaportal.com/forums/index.php?showtopic=1033&st=0

eto naman ang voting :::::
http://www.dotaportal.com/forums/index.php?showtopic=1980&st=0

a b b. :D

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com