Friday, February 03, 2006

Friends (Come and Go)

Toxic ako. Ngayon na lang uli ako magsusulat sa blog ko. Mahiwaga ang buhay, maganda ang langit. Recently, unti-unting bumabalik ang mga pakiramdam na matagal ng nawala sa akin sa piling ng aking mga lumang kaibigan... :|

Listening to Jenzen (Girl Talk Kami)... at feeling
Image hosting by Photobucket
melancholic...

Hmmm, umpisahan ko sa pagkabata ko, there was Macmac. Aking kapitbahay at magkakaibigan kami nila Nico, Egay, Benjo, Patricia, Jaja (kapatid ko), Chris, kuya Bombet, Jabog etc... marami yan. Years na wala akong ginawa kung hindi magpakasaya sa buhay, Sa ngayon, wala na kong masyadong maalala sa mga sandaling magkakasama kami, ako ang umiwas sa kanila dahil nadarama kong papuntang mali ang landas nila... madrama ako...

GOK, ang aking pinakamahal na barkada. Sana nga makasama ako sa Friday sa overnight. :) Miss ko na kayo friends forever. PS. Jeric, wag mong sasabihin fabled na ang GOK, as long as naniniwala tayo sa isat-isa, hindi maglalaho samahan natin. I love you guys. Bakla ako guys. :)

Recent deduction --- allen santos. Mami-miss kita, ang sarap mong kasama e, kahit mejo magkaiba tayo ng prinsipyo sa buhay. Alam kong masaya ka sa girl mo ngayon, sana maging okay pag-aaral mo sa US. :)

Hmmm... ayoko na magdrama, wala naman patutunguhan. Anyway, kung may nagbabasa pa nito, may isa akong advice pangtanggal ng stress. Kada may chance ka na tumingala sa langit, tingnan mo kung gaano kabughaw ang langit at ang kagandahan ng mga ulap. Shempre ang corny ng mga ginamit kong salita pero eto na lang stress reliever ko ngaun. Ang ganda talaga pagmasdan, buti na lang hindi ako bulag... (cguro maglalagay ako ng isang entry dito tungkol sa mga bulag, hehe, sobrang misteryoso nila e). Salamt sa grabe sa itaas na gumawa ng magandang scenery. Nagtataka ako kung bakit nakakakita pa ako ng blue skies sa panahong polluted gaya nito... Wooooo.... blu Sky.
Edit: mas maganda kung may sanga at leaves ng puno sa foreground.



PS. Gusto kong mabuhay sa ibang mundo ng fairy tale dahil nabubuhay ako ngayon sa isang halimaw na mundong ginawa ng mga taong magpapadali raw sa ating buhay. Totoo silang lahat. Totoo ang mga kotse ako lang yata ang taong may ayaw sa kotse, totoo ang mga relihiyon, totoo ang mga pulitika.... :|

1 Comments:

At 6:29 AM, Anonymous Anonymous said...

Looking for information and found it at this great site...
» » »

 

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com