Wala Akong Buhay
Oo. I feel lifeless...
Siguro kelangan ko ng mag-quit sa pagmomoderate ng forums... Medyo nananakaw niya yung oras ng tulog ko e... Kahapon 3am na ako natulog kakagirl-talk kay wafoo, kaka-moderate, kakabasa ng x-men, kakaforums, kaka-downlaod ng map... hng... Pag ginising na ako sa umaga, forced gising, bali sobrang sakit ng likod ko at mata... laging parusa sakken ang umaga, nagiging bampira na ako. :|
Gusto kong magbago lahat sa buhay ko ngaun. Pag may pasok ako, puro aral lang at DotA inaatupag ko. Sa aral, mukang okey naman ang mga tests ko... so far, isa pa lang ung binabagsak ko pero Math74 nanaman yun.... arg... ayokong magthird time dito... kaya siguro kelangan ko ng magserious-gaming... hmmm... okey naman ang tests ko, mejo mataas yung mga grado: physics, bio, comsci 130(sana). Nakakalungkot lang dahil sa pagiging bampira ko, naka-miss ako ng lec test sa bio. Nagdurusa ako paggising ko isang kinaumagahan, biglang nagvibrate yung mundo ko, yun pala katabi ko ang xellphone ko (na inalarm ko pero pinatay ko rin nung inalarm sabay tulog ulit - hindi ko kayang pigilan to kahit anong method) at nagtext si Donnyboy...
'Rac, hindi ka ba papasok? Naguumpisa na ang test'
Biglang nakuryente katawan ko at tumayo, hinanap ang tsinelas ko at twalya... Sureball, hindi na ako aabot... pero may physics lab pa na kelangan kong abutan, wala pa akong report... arg. sana magbago na ako. Ayoko namang sisihin ang Guardian Angel ko. Oo, may guardian angel ako, sha ang tagapag-gising ko, turo sakken to ni mama. Pero minsan pinapahamak ako nitong Guardian Angel ko, tulad nga nung test sa Bio, di ako ginising. Mga apat na beses na rin akong lumalagpas sa dapat kong babaan pag nagcocommute dahil ayaw niya akong gisingin. Pinakamalayo ko so far ay sa Batasan, papunta kina Kevin. Paggising ko nun, nahulog yung daigdig tas nagisip ako ng matinong explanasyon bakit ako nandun, at kung nasa ako... Kung DotA naman ang paguusapan, hmmm... mejo tangatanga si IceFrog... tagal magupdate, mas okey pa dati... at nawawalan na rin ng gana mga kasama ko na nagreresulta sa Rikimaru na walang Perma Invis na naka Lothar's... hehe. Kaya ang bagong pinagkakaabalahan ko ngaun ay ang pagDL ng mga map sa wc3sear.ch
Sa bahay naman, hindi ko maituturing na pahinga ang Sabado at Linggo. Paggising ko sa umaga, sobrang sakit ng likod ko.... inuulit ko lang mga sinulat ko hehe... tas, paguutus-utusan na ako ni ma... pero okey lang yun, normal lang yun sakken... cguro, nagsasawa lang ako dahil pareparehas na lng lagi - pag freetime ko uupo na ako sa computer at maglalaro. Na ang consequence? Bagsak si Venoc sa dalwa niyang subject... Math at Science, actually hindi yata bagsak pero mababa... at nararamdaman kong ako ang may kasalanan nun. Sobrang masakit sa pakiramdam nung tanungin ni ma si Venoc na:
'Bakit ka ba nagkakaganyan?'
Pati ako, natusok sa puso, sa aorta at sa left ventricle. Dapat ay pati ako, pinangaralan na rin niya habang kumakain kami... Kailangan ko ng magbago. Hindi ito ang gusto kong buhay e. Hanggang pangarap na lang yata talaga ang nais kong pamumuhay malapit sa seashore, na presko ang hangin, na bughaw ang kalangitan, na okey ang mga ulap, na masarap mabuhay, na may nagmamahal. Puro kabaliktaran ang nasa buhay ko ngayon - mausok na paligid, kadiliman (7pm ako disimissed 3 times a week, last time 830 na ako nadismiss), pagaalala sa mga machine problem, pagiging mapag-isa, paulit-ulit na pamumuhay, puno ng teknolohiyang put*ng ina. hmmm... sorry sa mura, mejo nakakaasar lang talaga...
Lagi kong iniisip - mali ang kapanahunan kung san ako pinanganak, maling lugar, maling oras, maling mundo... ah... pero di ko alam, mashado na akong maraming pinagiisip na mga walang saysay na bagay.
Nawala na ang musika sa buhay ko, puro bulok yung mga naglalabasang kanta, pati mga mp3 ko, pinagsasawaan ko na. urge, sobrang haba na ng entry ko pero tutuloy ko lang to hanggat pwede.
Sinisisi ko ang mga taong TOTOO. ang mga taong nagimbento ng relihiyon, kotse, pulitika... san ba nila napulot yan... Anyway, pinakagalit ako sa mga kotse. Yung mga kaibigan ko, hangang-hanga pag may bagong kotse yung isa sa barkada namin... di ko alam kung bakit, dahil ba napapakita mo na mayaman ka? Hndi ba hassel magdrive? Hindi ba hassel yan sa kapaligiran? Nagmumukha akong uh... ano tawag mo dito... uh... environmentalist pero yun naman talaga ang gusto ko. AYoko yang mga daanan na yan, ayoko talaga ng taknolohiya... kahit tong computer na to, sinisipsip ang buhay ko... kelangan kong tigilan to.. GG.
Wala na akong energy... bukas may pasok nanaman, haharap nanaman ako sa mundong aking kinagagalitan at sobrang drama ko pa. Pinoproblema ko kung paano ako magigising ng effective sa alarm clock ko. Minsan nagkakaroon ng time na sobrang maraming pumapasok sa utak ko, masasamang bagay, masasamang lesson, mga pag-aalala, uncertainty, takot sa kinabukasan, mga bagay na inaasam, mga bagay na inaadmire to the point na nararamdaman kong kumakalog na utak ko. Wala na akong buhay. Isang naglalakad na makina, napako sa pang-araw-araw na gawain, palayain sana ako ng Grabe sa itaas - viviparous.
2 Comments:
Excellent, love it! »
Keep up the good work » »
Post a Comment
<< Home