Sunday, March 19, 2006

Stagnant

Ang sarap humiga kapag afternoon hanggang late noon... sobrang sarap, parang heaven. Buti na lang masarap matulog sa kama ko. Yun bang habang nakastarfish shape ka e nararamdaman mo yung moisture tas sisilawan ka pa ng sunlight na tumagos sa kurtina ng bintana... Woooo panalo. buti buhay ako. :D Mejo sumasarap na uli yung buhay ko, di ko pinapansin masyado yung school. yey. Ang sarap pakinggan ng mga lumang kanta okey? Salamat kay pa at bumibili cya ng concert dvd's okey? Kahit matanda na si Rod Stewart, naadik pa rin ako sa kanta niya na 'First Cut is the Deepest' na nirevive ni Sheryl Crow. Yung isa naman na kanta niya, na mas maganda ay 'Handbags and Gladrags' na nirevive naman ng Stereophonics okay? Ang sarap pakinggan lalo na yung Violin, habang pinapakinggan naming buong family yun naiisip ko... yes buhay ako. :D

Stuck ako ngaun. In love ako pero hindi ako in love. Gusto kong umattack pero hindi ko gustong umattack. Gusto kong mag-aral ng mabuti pero ayokong mag-aral ng mabuti. Sa totoo lang namimiss ko na yung may kasama kang special someone pero ayoko talagang ipilit ang hindi dapat. okey? I'll just patiently wait siguro kahit na sa 30's pa yun dumating. Sabi nga ni Jeric, mahirap makahanap ng katapat ko... At pangit yung feeling ng pinilit na relationship. At sabi ko na sa sarili ko dati pa na kung magkakaroon ako ng first GF, sha na dapat o kung hindi naman, dapat mahal ko talaga, hindi yung: "oy, maganda sha, attack ko sha"... walang kwenta mga ganyan, diba raC?

Arg, ang hiwaga ng buhay. Pero masarap mabuhay. Sana bukas okey pa rin.

Kada umuuwi ako (lagi akong gabi umuuwi), pag pasakay na ako ng trike. Dun ako sa likod sumasakay, para presko sa hangin, at kita ko ang nakakamanghang kalangitan. Ang ganda ng Luna, ang ganda ng Stella. :D Naalala ko lang, may tula dati kapatid ko (si jazz) tungkol sa stars...

Last night I look up in the sky
To see what I could see
I saw a million stars
Looking down at me
And then I look down in a well
To see what I could see
I saw a million stars
Looking up at me

Okey? simpleng simple? gawa niya nung bata pa sha. Pero astig yung message, we look highly upon the stars pero makakagawa tayo ng paraan para tayo nmaan ang tingalain nila. :D

YAY!!!!!!!!! Sarap mahiga.

Friday, March 17, 2006

:(

Uhuh... SA totoo lang, narealize ko na wala na akong pakialam kung birthday ko man o hindi. Birthday mo ngaun? SO???? Espesyal ka na ba pag ganun? Lahat naman ng tao may birthday a, tsaka pwede kong gawing araw-araw birthday ko kung iibahin ko kalendaryo ko... haha. GG.

Nawawala focus ko sa pag-aaral... guide me... grabeng nasa taas... Sobrang naaadik na kasi isna JC at mark isla sa Dota kaya hindi ko mapigilan na sumama... Arg.... okey kelangan kong maibalik yung focus ko lalo na sa math74.... omagad....

Thank you.

May magandang kanta si rod stewart.. ano kaya title nun....

Sunday, March 05, 2006

Wrong Direction?

Luma na yung issue at marahil alam na to lahat ng tagapisay pero gusto ko paren magreact... tungkol sa lason attack sa pisay.

Sobrang nakakatakot kasing isipin na may matinong tao na kayang gumawa nun na may mababaw na dahilan. Pagnanasang pumatay ng kabatchmate???? I wish na makarma sha at malunod sa impiyerno. Pero, wala naman talaga akong magagawa... siguro nga mas kelangan ipagpray na tumino na yung pagiisip nung suspect. Mas nagalit pa ako ng malaman kong si Julia yung isa sa target. Si Julia? Bakit siya? E ang bait bait na tao niyan... May konsensha ba yung taong yun... Sobrang raming balita ang dumausdos sa tenga ko. Lahat masama. Wrong direction na nga ba ang tinatahak natin? Okey, tama na yung pisay issue, top secret na lang yung ibang problemang kinakaharap nila e. Una, yung stampede sa ULTRA. Nagising ako nung TV na nakaon tas si pa parang may sinasabi na sobrang rami ng namatay. Hindi ko pinansin, nagulat nalang ako nung pagbangon ko tas pagtingin ko sa TV, sobrang raming kawawang tao dun... nyay. Sumunod yung Leyte landslide. Sobrang nakakatakot yung nangyari na yun, mas malala pa sa ULTRA. Nilamon ng lupa yung isang buong baranggay!!! Waw, pano pala kung natutuog ka nun, tas biglang nangyari yun, wala kang kamalay-malay patay ka na pala. Sumunod nga ay itong banta ng coup-de-etat at proclamation 1017... sobrang tingin ko ay nasa dark ages na tayong mga Pilipino. Kabayaran siguro natin to sa kawalan ng disiplina. Nagmomoderate ako ng forums tas may isang naka-pin na topic dun na pinost ng isang GLobal Moderator, ano ang topic? Hate towards the Filipino... sobrang nagdugo puso ko, kasi nga naman kitang kita ko rin naman paano nagkakalat yung mga Pilipino dun sa forum na yun... Anyway, kung mapamahiin ka, basahin mo tong pinost ng isang fellow mod ko na pilipino rin.

Check the Dates:
January 22, 2006 - Manny Pacquiao defeated Morales.
February 04, 2006 - Stampede in ULTRA, 73 died.
February 17, 2006 - Landslide in Southern Leyte, Confirmed deaths 170+, still missing 900.
You might not notice anything fishy with the dates, but look closely...
If you count all the days between these events it's all 13. From 01/22 - 02/04 = 13 days, from 02/04 - 02/17 = 13, now the bigger question is what will happen 13 days after the Landslide, that will be March 02, 2006???

Disturbing and Scary isn't it? I'm no superstitious but it still is disturbing, so please PRAY...


~ aNdOy ~


Ok na? :D wala namang masamang nangyari nung march 2 except na lumindol nung march 1...

minsan iniisip ko na sana nga lamunin na ng calamidad ang pilipinas, ewan ko, siguro napakasama ko para isipin yun.

Latest na nangyari sakken, nadiscover na ni ma yung hidden singko ko sa math74. Which means GG. Galit na sa aken si Pa for sure..... Lahat na lang ng nangyayari ngaun ay nakakainis.

Anyway, eto yung post nung global moderator sa site... sobrang raming naiinis sa pinoy na ibang country....


Read up...

1. I heard from someone from this forum who says he hate his own country, Philipines and race, Pinoys and today there is another one, Mr. Hardedge doing the same. I look down on people like you, you are worst than an animal.

2. And there is a Mr. Kouji who says he will hunt Mr. Hardedge down once he return to Philipines from Australia. You are so full of crap that i suspected you are living in a sewer now.

3. There is not a single word from the Pinoys on this forum about the latest disaster in Leyte Island that cost thousands of life instead we get stupid bickering like the above. Compassion anyone?

4. DP has a large Pinoy population but there is a huge number who don't contribute constructively to DOTA and most of the useless posts / questions come from them.

5. Most Pinoys in this forum disregard rules and are racist. Racist as in they don't give a damn about other races and speaking in their own language in the chatroom and type their own pinoy language in the forum at times.

5. There are of course some very good Pinoys like Andoy, etc but such good guys are hard to come by. Ask yourselves how many of you are like him? Reasonable, helpful, constructive, etc.


So Pinoys go and have a long hard look at yourselves.

P.S: If you want to act like an animal in the forum, i will treat you like one.

Further observations on 90percent of them shit members...

1. Most of them don't make any posts in the forum but only make a account and chat among themselves in chitchat using pinoy language.

2. For those who post, they tend to be non-constructive. Hero / item ideas seems to be a favourite.

Do you want the forum to be overran by them speaking in their native tongue and them posting shit topics and spamming everywhere? It is up to you, this is your forum afterall.


Di ko alam kung talagang sobrang TOTOO lang yung lahi natin o racist at mahilig magdiscriminate yung mga ibang bansa. Anyway, palagay ko sobrang sayang yung pinaglaban nila Rizal at Bonifacio etc. :(

About Me

Friendster Purposes...
For some reasons, ayaw idisplay ng Friendster yung second part ng 'About Me' ko... Kaya eto, may back-up file na ako... hehehehe. pinaghirapan ko kasing icopy paste yung mga magagandang part ng testi nung mga tao sakken... kung gusto niyong makita yung mga panget na part, hanapin niyo.. haha... tsaka hindi kasama rito yung mga testi na bago... testi hanggang highschool lang to... yung mga nung college ay di kasama.



About Me:

Summarized testi ng mga tao sakken:

si rac ang pinakamakulit na nilalang na
nakilala ko sa istay ko sa pisay. ngunit pagmasdan niyo ng mabuti ang kanyang
litrato. ang lamya ng picture ni rac'04. madalas kong angasan ito, at sa ngayon
hindi ko na rin alam kung bakit. si rac ay magaling kumanta... lahat ata ay kasundo niya dahil palakaibigan... napupuyat siya paminsan kasi hindi siya makatulog kasi kelangan niyang umihi every 5 minits. si rac ay ang pinakasikat sa 04. kasabay ko sha sa kotse araw-araw. gwapo yan e. magaling magdrowing. sobra sobra. magaling din magvandal. kilala rin siya bilang RHOPHIE at HALIMAW78. mahilig siya magbording sa basketbol. ang tawag ng busm8 ko sa kanya
ay lizard kasi mukha daw siyang lizard.. Rac?! Who doesn't know this person?! maypinakamaraming
abubot sa katawan.. friendly no? ang lupet ng goatee nya!! i admire your confidence, man! xa ang
nagpauso ng maraming bagay sa pisay. may lalaking nanliligaw sa kanya. c Rac ay isang matapng na kaibigan. kaya kahit anong mood ako, gs2 ko si rac ang kasama ko.. Rock is the type of person who has his own jargon. di ko pa siya nagiging kaklase.. malas nga eh.. A man with appeal... sya ung mukang teenage mutant ninja turtle na totoy. c rac ay nagpaste sa akin ng isang mahabang testimonial na totoo ay isang sponsorship letter para sa Infairno... salamat talaga... tunay kang
kaibigan... uy bes! Deh. siya yung may legacy sa buong pisay. ancutecute nea dun sa pic nea
nung bata shea. (nakacrosslegs pa cya nun wid matching pamaypay na pambakla...) pag d nauubos
ni rac ang kanyang softdrinks pinamimigay niya ito sa mga streetchildren... naks... baet... ein echt beschissener Typ joke:-) ang unang taong ginawan ko ng testimonial. habulin din siya ng chicks.. natatakot lang ako sa kanya.. hehehe.. pero mabait sha.. kami.namimiss ko na
nga yung mga ginagawa ko sa kanya. yung pananabunot ko,yung pagsapak ko,yung pagsampal-sampal ko...sobra! myembro rin sya ng PINAKAGWAGWAPONG BARKADA SA
STAR SECTION (maniwala tanga) he got the moves! kung kelan aq umalis ng pisay tska kmi naging close. napaka-sulit magtext yan.. puro quotes na malupit at kyut.. clasm8 po ako ng inyong fan. Kuya Rac EeeZZ
mahy idol!!! si ky0ot guy na may hair na parang Einstein at si RAC04 na mahilig magvandal ay iisang ta0 lang… dahil may mga sira ulo sa pisay, ang vandal nalang nila ay "rac 04" na rin.. marami palang nagkakagusto dito :) sobra..ang cute talaga ng smiley nya...naiinggit ako... bago ka grumadyuweyt, mag.hi ka muna saken!! aba at mei banda k n rn pla jan..! ayos tlga..! Rac is a member of the Lampayatot society. Sooobrang payat niya. Rac, kumain ka pa nga.

blog: http://www.rhophiehalul78.blogspot.com
ym : rhophiehalul78
email: rhophiehalul78@yahoo.com

Who I want to meet?
Old Friends
Guardian Angel Ko
Dead Relatives
Jesus
Santa
Bloody Mary
Dryad
Anthony Kiedis
Celes
August
Fairy
Traxex
Papa Bear
Tinkerbell
Mr. Furuta
Kitty-N
Harle
Axl Rose
Future Wife


.... byes.

Saturday, March 04, 2006

Ghost Stories + Alien Stories + Totoong Stories

Hmmm... Lagi akong fascinated sa mga abnormal na bagay gaya ng spirits, multo, aswang, alien, E.T. at kung anu-anong mga kasinungalingan na inimbento ng mga tao, pero may mga tao akong kakilala na talagang pinagpipilitan na may nakita silang kakaiba. At sa maniwala kayo at sa hindi, pati ako ay nakaranas na ng ganito... marahil ay imahinasyon ko lang o kaya pinipilit ko lang isipin na kakaiba yung mga nakita ko. Hmmm. marami to.. enumerate ko nalang followed by a brief explanation. :D

a. Grade1 Ghost
Sa DPS to. May narinig akong dating sementeryo yung DPS. Ngayon, ang naiisip ko na lang ay TOTOO SILA. May isang araw na nagkagulo yung buong batch namin na Grade1 dahil may nagpakita raw multo sa upper floor. Sobrang dagsa lahat kami dun saisang part ng stairs tas nakatingala kami at naririnig kong story ay may multo raw na nagssplit into two doon sa fourth floor. Jutah, gago ba? TOTOO. Pero wala lang, sobrang nagkagulo yung batch dahil sa isang taong barberong kartero... Haha.

b. White Lady
Kwento ni Pa. Na isang araw habang bukas yung gate at sobrang madaling araw ay may nakita raw shang white lady. Sa sobrang bigla raw niya ay tinawag niya si mama at pagkalingon niya ay yung buhok na lang raw nung white lady yung nakikita niya habang hinahangin ng malakas. Tinawag niya uli si ma at paglingon niya, wala na raw... Imagination? Cguro.Anyway, dati sobrang nagkasakit si pa, tas for fun, tinry namin shang ipatingin sa isang paranormal expert. Gyahaha, tas yung pinapatakan ng kandila yung tubig yata, may naform na mukha ng isang babae. Nilibing yun sa gilid ng bahay namin tas gumaling na sha. I think this is just a coincidence.

c. Tito Jo / Lola Liling
+ sumalangit nawa..... After the death of Tito Jo, si aaron yata ang nakakakita sa kanya. Biglang tuturo yung bata sa hangin tas biglang bibigkas ng: "Si lolo o.", kinikilabutan si Ate Ella nung narinig niya yun. Yung kay Lola Liling naman, may time raw na nakita ni Tita Aida si lola liling sa bahay ni lolo na naka itim na cloak. Nakakakilabot... i dont know if maniniwala ako o hindi.

d. Alien Encounter sa may Sapa
Sapa o Ilog, i dont really know. Basta may legend na may dalawang binatang naliligo sa ilog sa may Pampanga o Quezon... (di ko alam basta kwento to nila pa at ma nung minsang nagkekwentuhan silang magkakaanak), nakakita raw sila ng UFO na bumababa. I don't believe the 2 binata...

e. Malaking Langaw
Encounter ni Jaja minsang natulog kami sa bahay ni lolo nung Nov 1. Nakakita raw sha ng higanteng langaw, kasing laki ng coconut tree. Ginising niya ako, pagtingin ko wala. Bullshit, TOTOO TO!!!!!! Last time na tinanong ko sha, pinagpipilitan niya na TOTOO TO!!!!!!

f. White Lady sa CR
Sa Pampanga paren, sa CR ni lolo dun. May tao sa banyo at sobrang taeng-tae na si Kuya Norton, nung turn na niya, habang nakaupo sha dun ay may nakita shang white lady raw. Nakita ng lahat na lumabas si Kuya Norton sa banyo na nakahubo at sindak na sindak.

g. Malaking Ibon
Kwento ni Tito Jojo tungkol sa malaking ibon sa may General Santos. Naencounter raw nila ni Tita Maret nung time na nililigawan si Tita. Parehas silang nagsasabi at saka buong bayan raw nakakita nung sobrang laking ibon na yun. I remember other stories about this giant bird pero walang details e.

h. Manananggal
Sa Hondagua Quezon, nakita raw ng buong bayan na may manananggal sa may puno. Nakakatakot naman talaga sa place na yun dahil in between sha ng mga bundok at dagat.

i. Tiktik
tama ba? yung nagkakain ng mga sanggol? Kasi one time nung bata ako, nagbakasyon kami sa Bayabas... pangalan yun ng linang. Ganito yung place. Maglalakad kayo dahil walang daanan. Lalakad kayo for about 15-20 minutes papunta sa gubat. Sa gubat, may isang bahay dun, dun kami pumirmi. Tas yung mga kapitbahay, kailangan mong lakarin, 5 minutes away na lakad bawat isa. Sobrang gubat talaga, maririnig mo yung huni ng mga 'Tuhaw' na nangangain raw ng tao. Buntis si Tita Lyn nun. Tas may alagang pusa yung may ari ng bahay. Tulugan na, bukas yung bintana dahil mainit nga. Tas half-gising raw si Tita Lyn ng may maramdaman shang kumakalikot sa may tiyan niya. Inakala niyang yung nangangain nga ng baby... yung naglalawit ng dila sa may bubong. Tas ako mismo rinig na rinig ko yung mga AWOOOOOOOO nung mga asong gubat. So yun yung akala ni tita, pero pagtingin niya, yung pusa lang pala na naglalaro sa tyan niya... pero wala lang, nakakatakot. May isa pang bahay sa linang na nagkwento samin na minsan raw may sobrang lakas na pagaspas ng pakpak ang naririnig nila, pero di nila tinitingnan...

j. Baligtad ang Balahibo
Si Bunso, ang aming evertrusted at dating driver ay bumili ng bahay sa Novaliches. Bali two storey yung binili niya sa isang subdivision dun. After some time, binenta yata nila uli yung bahay. Nakakakita raw sila ng taong baliktad ang balahibo dun. Patayo raw yung balahibo. Hindi lang si Bunso yung nagsabi, yung anak rin niyang si Kuya Dominic at yung asawa ni Bunso... Pero minsan nagaway sila ni Pa dahil sinabi ni pa na sobrang mapapaniwala si Bunso sa mga paranormal... :| NAkita ko na mismo yung subdivision na sinasabi isang bese dahil sumama ako dun. At binulungan ako ni Tito Roel na dito raw nagpapakita yung multo.

k. Eartquake na Mumu
KWento ni Mike, akala niya raw nung nakahiga sha habang lumilindol at nagising sha ay may multo sa paligid niya. Ang akala naman ni JC, mamamatay na sha!!! Hahahaha... ako, pag lumilindol, hindi ko naiisip na lindol yun, last time na nakaramdam ako ng lindol, aklaa ko navevertigo lang ako at nahihilo. Yung lastlast time naman, hindi ko napansin, sinabi lang ni pa dahil umuuga yung chimes sa may kusina. Nakahiga ako, dapat mas ramdam ko diba.

l. Anim na Oval
Hindi lang ako ang nakakita kung hindi si Gino at Dizon at iba pang taong kasama ko nun sa basketball court sa Pisay. Nakakita kami ng anim yata o pitong lumilipad na bagay, sobrang taas sa langit. Kumakampay yung mga tila pakpak... Pero compared sa ibang ibon, sobrang tayog ng lipad niya at kahit sobrang tayog, malaki pa rin sha kesa dun sa ibang ibon. Wala kaming conclusion kung ano yung nakita namin. Naka-V-formation pa sila. Oval lang yung shape... Weird. Mabagal para maging eroplano, sobrang laki para maging ibon.

m. Pterydactyl Ulol?
Nakita ko sa creek sa Pisay kasama ko nagsstroll sina Jeric at Gino. Sobrang swift lang nung paggalaw at di ko nafocus yung eyes ko pero ang pagkainterpret ko mukang pterodactyl na kasing laki ng forearm. Tinawag nila akong barbero, palagay ko imagination ko lang yun.

n. Lumulutang na Upuan
Haha. Kwento ni Tito Odie, sa bahay ni Tito Boy, nakaupo raw sha at pagtayo niya sumunod raw sa kanya yun upuan. Pinagtawanan lang sha ng mga tita ko at ni mama. baka naipit lang raw sa damit niya yung upuan. Okey.

o. Bangungot
Cguro nakaexperience na rin kayo ng ganito tulad ko. Ako, mga 5 times na siguro ako nakaexperience. Yung isa yung tumatawang mangkukulam, yung isa yung bumababang white lady from the ceiling at yung tatlo yung parang nakukuryente yung buong katawan ko habang hindi ko maigalaw yung buong katawa ko pero gising ako at hindi ko mamulat mata ko pero parang may nagsasabi sakken na kailangan kong magising kung hindi patay ako. Si Tito Jojo, ang kwento niya naman ay nanaginip raw sha ng isang hotchik na babae na nude tas yinayaya sha na halikan raw nya sha. Tas sabi raw ni Tito Jojo "Animal ka demonyo ka" tas pinakita nung babae yung tunay nyang anyo... GG. Bangungot - pag namatay ka habang tulog dahil sa complikasyon sa paghinga.

p. Kumakaway na Bata
Kwento ni Pan na ghost story raw sa UPLB. May legend raw dun ng isang batang putol ang kamay na tatawag sa pangalan mo habang naglalakad ka sa building. Yung teacher raw nya ay naexperience yun at dahil sobrang curious lumingon raw yun at nakitang kumakaway sa kanya yung batang babae. Dalwa sila nun.

q. Malaking Aso
Kwento uli ni Pan na may isang malaking itim na aso raw na laging sumusunod sa mga dormer na malapit sa may Forestry. Lagi as in lagi. Whaw. Interpretasyon raw nila ay bantay yun nung Forest...???

r. Bitukang Manok
Bitukang Manok, yung zigzag zigzag na daan sa may quezon na inuka sa isang bundok. Bale aakyatin mo yung bundok at sobrang tarik ng mga liko, may nahulog na raw na bus dito. Recently raw ay may nawalang mama dun. Ang kwento, umiihi raw sha sa puno at pinatay ng aswang. Yun yung kwento ni Tita Pin. Tsaka nakaexperience kami dito ng abnormal na pangyayari, Biglang namatay yung makina nung kotse namin habang pababa yung kalsada. Tinry ni Tito Bato i-on yung makina pero ayaw talaga... after some time lang gumana.

Halatang wala akong magawa.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com