Sunday, May 14, 2006

Lifting the Onus

It's this feeling again, feeling na masarap mabuhay.

I took a journey into my heart, kanina.
What do you really want, what do you really wish, what do you really yearn?
I saw the clear clear clear blue sky.
I saw the deep deep deep ultramarine sea.
I saw the lush lush lush green grassy fields.
I tasted the sweet sweet sweet cyan breeze.
I tasted the radiant radiant radiant red sun.
I savored the tranquil cutie surroundings by the seashore.



I am lucky, kaya kong marelax at mawala lahat ng stress ko just by thinking of these things that I long for. Minsan nung highschool, fieldtrip sa isang nakalimutan ko ng place at maaga yung uwian... bali educational trip lang, naaalala ko pa, yung bus nila Jeric (Magne or Elec, kung magne, kasama niya sina Pan at Jon) ay nasiraan raw. We have to wait at school... Si Gino na ang nagdadrive ng kotse nya nung mga time na yun... at wala kaming magawa like hell...

Naaalala ko, hinihintay namin pagdating nung bus sa flagpole area, pero sobrang tagal talaga. Then we laid on the gorund habang nakatitig sa bughaw na langit. Bughaw yung langit nun, sobrang swerte, matingkad yung kulay... tsaka yung mga clouds, sobrang gandang tingnan... na ika nga ni Jeric ay 'the biggest show on air'. Sobrang peaceful ng mood namin nun, para kaming nasa heaven, nakahiga lang kami while conversating... I believe kasama ko sina Allen at Gino at Janmark yata nun. Ang sarap isipin, ang sarap alalahanin... pinapanood lang namin yung clouds lumampas sa paningin namin. then may napansin ako... Bilog yung langit. Seryoso ako. Bilog yung langit, napansin ko na bilog yung langit... OMG? Sinabi ko to kina Gino... "Gino, tingnan mo yung langit, titig ka lang sa isang spot... mayamaya mapapansin mo na bilog yung langit..." ginawa nga nila at ang pagkakaalala ko, napansin nga rin nila. Diba sobrang nakakamangha... baka di mo ko magets... pero basta... Yun lang ginawa namin buong maghapon nun. Lumipat pa kami sa open field dahil mas masarap humiga dun, muka kaming mga baliw at nakahiga kami dun pero who cares? :) At that moment, naisip ko ang sarap mabuhay okey? On second thought, siguro dahil bilog yung mga mata natin kaya pag tumitig ka sa isang clear at peaceful spot ng napakatagal, mapapansin mo yung circular view... basta...

Meron ring isang time, tuwing pagpasok ko sa school, sa may 'imburnal' (tawag namin sa isang tambayan dun) ako lumiliko, yung katabi nung puno na may kulay red and orange na dahon, tas lalakarin ko yung fields, past the calachuchi na may ibaibang kulay... basa yung field, paglingon ko, namangha ako. Pramis, namangha ako sa nakita ko. May isang napakalaking perfect arc na rainbow sa likod ko, kita ko yung both ends niya. Sobrang laki niya, at parang may kinut sha na portion ng langit. Habang naglalakad ako palayo, nakalingon ako dun sa rainbow, at parang sinusundan niya ako, para akong nabubuhay sa isang book na may maganda scene... haha.

Kung wala siguro sina ma at pa, at hindi nila ako inuutusan, sobrang tamad kong tao... Mahihiga lang ako sa grass o kaya sa sangay ng isang puno... Di ko alam, pakiramdam ko talaga may shotmac affinity ako with nature. I imagine myself na nakaupo lang sa may buhangin sa may Hondagua, pinapanood yung mga alon at yung langit at yung mga bangka sa malayo... nakaupo lang ako dun for hours... hanggang ang hapon ay maging gabi, at ang agos lang ang aking musika.... :)

Meron ring time na lumabas ako ng bahay, sumandal ako sa pader, tumingala ako sa langit, hinintay kong lumabas yung mga tala at pinansin ko kung pano nagiging gabi... ang weird ko o ma gad. At naobserve ko naman, nakita ko kung pano isaisang naglabasan yung mga stars. At meron ring time na sobrang tahimik sa bahay, at kumuha ako ng upuan, at tumingala nanaman ako sa siwang sa may backpassage dun sa may kitchen namin, habang nakasampa ang paa ko sa dingding... (favorite ko magsampa ng talampakan sa malamig na dingding... ewan ko kung bakit, ang sarap ng pakiramdam).



At kanina, after ko dumalo sa party ni kuya TJ at umuwi na ako magissa, ambilis nung ulap nun, parang nakafastforward, ramdam ko yung lamig ng hangin, tumatagos sa aking mga kamay. Sarado yung bahay namin, parang ghost town yung village. Wala ng tao, gabi na. Eto na nga yata yung mga karaniwang tanawin ng "Silence before the Storm", nakakarinig ako ng creek at umaawooo yung hangin. mejo weird yung feeling, eerie... pero dahil strange sha, nagustuhan ko yung scenery. Parang masarap magpatugtog ng kanta ng 'The Doors - Strange Days' nung time na yun. Di ako magaling magdescribe kaya sayang, hindi ko maseshare sa inyo yung cagandahan ng feeling.

I wish I could write music, para mapadama ko sa inyo. Sha nga pala, mama mary, mama edna, Happy mother's day... at sa lahat ng mga mama sa buong mundo, na nagaaruga sa kanilang mga anak, anak-anakan at sa calikasan. Thank you ma, sa mga binitiwan mong salita kanina... Gwahahahaha, my spirit is happy, he is shy.

//credits to my little sistah Therese Rosario for the lovely pictures, sobrang salamat. at sobrang salamat rin sa pagtatyaga mo saken, im your brave brotha.. >:)

P.S. Hindi halatang sa UP Diliman yung isang picture... haha... totoo.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com