True Bakasyon
Whoooo.... tapos na summer. classes.
Luckily, napasa ko naman yata lahat ng tinake ko. Buti na lang focused ako... Salamat sa mga naginspire sa akin na mga kaibigan ko na magaral akong mabuti. :) Palagay ko hindi niyo iniisip pero ang laki ng naitulong niyo sa pagtatry kong mag improve.
Hindi ako nakasama sa Quezon... ang nakakaasar pa dun, this time, marami na sila... hindi yung usual kaming family lang... Kasama ang pinsan ko na si Angel at si Grace. Kasama ang pinsan kong si Kuya Bombet. Kasama si Janjan at Bisot, mga pinsan ko irn... ang saya siguro kung nakasama ako... hai....
Naiwan ako sa bahay. Magissa... at paminsan minsan dumadalaw yung dati naming driver na pinagkatiwalaan ni pa. Sha ang tatao sa bahay pag wala ako... At nung first night, gagabihin ako ng uwi, mga 12 am na uwi ko... at tumatawag ako sa bahay nun at walang sumasagot, nasa kanyang bahay pa yung dati naming driver... tawag namin sa kanya ay Bunso, isang matandang masiyahin at trustworthy na lalake, na may sobrang cute na apo... heehee... wala lang, ring lang ng ring yung telepono nun at hindi ako nakapagpaalam na gagbihin ako... omg. At ayoko maglakad papunta sa bahay nila, baka mamatay ako, masyadong delikado dito samin pag gabi. Meron, isang gabi, may binaril raw dito mismo sa tapat ng kapitbahay namin. Mismong sina pa at yung pinsan kong si benjo nakita yun. Kwento sakin ni Benjo, sumisirit pa raw yung dugo nung mama na binaril at humihingi ng tulong pero nakatingin lang raw yung mga tao sa kanya.... puha ayoko matulad dun. Tsaka pag mejo malalim na gabi rito, minsan nakakarinig ako ng mga away at sigawan... may mga gangsta kasi dito, hahahaha, yung mga nagbabasketball na mga binata madalas yung mga lukuluko... Kinakabahan tuloy ako nung unang gabi, wala kasi sakin uyng susi ng bahay. Naka'y Bunso. E paano kung tulog na sha, kakatok ako? Gaano katagal? Naisip ko tuloy makitulog na lang kina Tita Judith... pero nakakahiya naman... magovernight na lang kaya ako? saan??? pero luckily after about 10 calls, may sumagot ng phone... si Bunso!!!!! WHOOOO. good fellow sha, nagpaalam ako sa kanya at hihintayin niya raw ako.
Yung mga sumunod na araw, umaalis sha kapag 4am na at bumabalik lang sha kapag 9 or 10 pm. Kapag may pasok ako, at maaga ang aking dating kelangan ko pang pumunta sa bahay nila hassel... pero ang cute talaga ng apo niya... HAhahaha, nakakatuwa yung kakyutan. Sobrang laki ng responsibilidad na binigay sakin nila ma. Iniwan sakin yung bahay. Noong next day, umalis ako para magdota,pero sobrang kinakabahan akong umalis... baka may mangyaring masama sa bahay, baka masunog, baka manakawan kami. Pauwi, sobrang kinakabahan ako, tumitingin ako sa horizon at chinecheck ko kung may usok ba, baka kasi nasusunog na bahay namin... ang paranoid ko. Buti hindi, hehe...
Problema rin ang pagkain... marunong akong magsaing at magluto ng simple foods pero nakakasawa na yung mga de lata... tsaka nung una sobrang dami kong nasaing OMG napanis lang tuloy. sobrang alsa pala pag ganun... at isa lang naman akong kumakain... Nagsawa na ako sa mga delata at hotdog and eggs kaya minsan sa labas ako kumakain... at sobrasobra yung pabaon ni ma... 1000(initial baon) plus 250(pamasahe) plus 500(pwede kong kunin kay Bunso) plus etc (meron kasi kaming lalagyanan ng mga tigfa5 pesos at freely pwede akong kumuha dun kahit magkano haha)... pero di ko inabuso... 1000 lang ginamit ko... at pamasahe... iniisip ko kasi na mapapagastos nanaman sina mama dun sa Quezon e... at ayokong gumagastos sila, parang nasasaktan ako... haha...
May mga kamalian rin ako... minsan may pasok kasi ako... at nakalimutan kong nakabukas yung ilaw sa sala at sa kichen... e ang habilin ni ma, pag aalis ako, kailangan lahat ng kuryente patay, hehe... may isang time rin na naiwan kong nakaon yung apoy at kumukulo na yung mantika... pag tingin ko umuusok na yung buong kusina. Pinatay ko hastily uyng kalan at nagdesisyon ako na palamigin muna yung kawali... napilitan tuloy akong magsaing muna, wala pa naman akong balak magkanin nun... and hence, I earned the title CHEF RAC. At nanakawan yata kami, ng isang di naman masyadong mahalagang bagay. At nawawala yung padlock para dun sa hidden passage... GASP. Di ko rin napakain yung isda, na mahal na mahal ni pa. Haha... Ang kalat kong magbantay...
At hindi ako marunong magon ng ref. Dalwa kasi yung ref na magkatabi at nakasagad sila sa dingding. Nagtanong ako sa mga tao sa ym pano gamitin yung ref. Pero ayoko kasi magrisk, baka masunog bahay OMG. Sinaksak ko yung isang wire, at wala naman akong naramdamang lamig kaya hinugot ko na alng, nakakakaba e... yan tuloy puro tubig lang ininom ko the whole period... dalwang beses tinry ko uminom ng soffdrincc pero walang kwenta hindi masarap pag ndi malamig. At hawak ko na yung redbull, pero nabasa ko "Best served when chilled"... at nadiscourage ako... at nawawala yung mga C2 at Nestea dun, jutah mga bwakaw kapatid ko :( Pineapple Juice sana kaso mahirap buksan at baka makatihan ako sa dila... so tubig na lang. Ay umiinom rin pala ak ong kape... haha :(
Ganito pala pag magissa ka, nakakakaba, hindi dahil sa mumu, kundi dahil sa responsibility na nakapatong sa balikat mo... haha. Marami akong natutunan.
Pagbalik nila ang rami nilang pasalubong.. I am happy. Like a true sentinel of the house.
3 Comments:
Cool blog, interesting information... Keep it UP Cedrus far infrared saunas in erie pa credit card merchant services rank Samsung keypress ringtones Irish fisherman&aposs sweater too warm for summer Gatwick flight number delonghi thermal coffee maker Christian free ringtones http://www.venice-florida-sleep-dentist.info/download-free-punjabi-ringtone.html Check credit instant report Ringtones and blueskyfrog Pamela anderson tommy lee automatic canal stop gate latches ringtones siemens a56 merengue ringtone Contact lens association of ophthalmologists Free verizon mp3 ringtones Purchase patanol Billings and fly fishing
Very cool design! Useful information. Go on! contact lens Wheelchair equiped vans buspirone sperm car alarm montreal deridder high school scholarships for juniors toyota sienne Cheapest digital photo print Hockey os 92 jeep wrangler sahara Competency standards for financial planning u2019 hair loss clinics ontario canada plotters Effexor xr clock Peanut allergies and foods to watch out for Black jack elf code Lshaped sofas Delta shower faucet seat repair Dietary supplements herbal Modular bookcase
best regards, nice info »
Post a Comment
<< Home