Thursday, August 31, 2006

Hundredth

Hello 100th post ko na to omagad im really cute. Congrats to myself omg im so good.

Bago ang lahat, belated happy birthday kay Venoc. Happy birthday kay Beatriz. Advanced happy bday kay Gino.

Photobucket - Video and Image Hosting

Ang saya magdoodle! Hahahaha. Astig. Nakakatawa pa.
Kachat ko si Jill kagabi at nagdoodoodle kami.
This is Jill:

Photobucket - Video and Image Hosting

Tas nagtanong ako sa kanya ng riddles. Tas yung letters M, W, W, E at e, magiging baboy, nasolve naman niya at hanganghanga siya okey?

Photobucket - Video and Image Hosting

This is her solution. Yung GRAY part ang dinrowing niya. Tas sabi ko lagyan niya ng apple sa bibig, tas hindi lang basta apple nilagay niya, tinatakan pa niya para raw masabing hindi double dead yung baboy. hahaha.

Photobucket - Video and Image Hosting

Nagsnap ako nung tinatakan niya e, monterey pa. hahahaha.
Tas yung oldschool na "b o y" tas magiging mukha ng lalake shempre alam niyo yun diba? siya hindi niya alam okey????????????/ Because of that i laughed so hard.
Tas tingnan niyo yung sinabi niya pagkatapos kong ipakita yung solution...:

Photobucket - Video and Image Hosting

Hehehehehehe, kamukha raw ni Noah tsaka ni Ser Li basta nakasalamin e... yun lang, masaya ako ngaun. Ü pero ayoko na magaral.

Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Ladybugs are cute creatures. For some unknown reason, matutulog ako ng maaga ngaun. 10:25 pm.

Sunday, August 27, 2006

Relief

Sobrang sama ng pakiramdam ko last week pero mejo okey na ako ngayon. Nanlibre sina Gino at Jeric last night. Salamat Gino, salamat Jek! :) Belated happy bday Jeric, advanced happy birthday Gino!



Tas birthday na ni venoc sa 29!!! Lagi kong nakakalimutan kung kelan bday ni Venoc, di kasi ako sure kung sa 24 o sa 29, hehe... umalis sila nila ma at ja kaninang umaga. Si Venoc kasi mashadong paepal nagpabili ng gitara amf... Tas may Guitar Craze na agad sa amin. Kanina nakita ko mga pinsan ko kasama si Ja, papunta sa kwarto niya. Si Angel, may gitara. Si Grace, may gitara at kulay pink pa ang ganda. Tas si Ja at Venoc may gitara... that was pretty cute... Tas tatlo yung nakikita ko ngaun okey at bago matulog magjajamming muna sila Venoc at Ja okey at nakikinig kami ni Mama.

Mama: Ikaw Rac ano gusto mo ipabili sakin, bili rin kita gitara?
*tumango ako once, meaning negative response
Mama: Drums gusto mo? Para di ka laging nagcocomputer.
*tumango ako, meaning negative response
Mama: Flute gusto mo? Para di ka laging nagcocomputer.
*tumango ako, meaning negative response
Mama: Ano pala gusto mo?
Rac: EH, hindi naman ako marunong magdrums e.
Ja: Kaya nga ibibili ka para matuto ka e.
Venoc: Si kuya yung vocalist.

ano tayo, the corrs? op corrs.

Tas kaninang umaga, naririnig ko ang tugtog ng KoRn with an inversed R kaya ako nagising. Yun pala, bumili nanaman si pa ng mga concert dvds... At ang labooooooooooooooooooo ng mga binili niya okey? Kakaiba, hindi parang siya uyng bumili, hindi old school Rock... mukang gusto ni pa pakinggan yung ibang genre hehe.

a. Moby -> yung kalbo na malamya oooh lordy trouble so high
b. Rage Against the Machine
c. KoRn
d. Marilyn Manson -> OMG ngaun ko lang nakita magperform to, bano siya please pero nakakaaliw ang rami niyang pakulo. gayagaya sha sa The Cure yung makeup niya lahat ng member ng band nila ganun tas may props pa silang hotchics pero ayoko mga kanta nila, parang hate music tas ang pinakamaganda na dun yung Sweet Dreams (are made of these) tas hindi pa yata siya orig na kumanta nun, si Annie Lennox yata.
e. MuDvAyNe -> omg purely metal rock okay hindi ko na pinakinggan puro sigaw like, pero mukhang interesado si pa, tinanong niya sakin ano name nung banda e haha. Mukha silang mga halimaw lalo na yung guitarist... err.
f. Tupac -> rap amp...
g. D12 -> Hello Snark ü
h. Eminem
i. isa pang hindi ko kilala
j. Woodstock '99 -> Eto gusto ko panoorin kaso pinanood na yata ni pa habang tulog pa ako e, i want to see Flea! Tawa raw ng tawa si Ja ng pinopause rewind pa raw ni pa sa parteng nagtumbling si Flea (nakabold kasi siya). hahaha..

//Jenzen please return my RHCP DVD sa tuesday baka hanapin ni pa at mapansin niya na tinakas ko haha.

Naisip ko lang, papaturo ako kay Venoc kapag master na sha sa gitara. hehe.

Nitong week na to, ang rami kong serious conversation with my secret friends haha, ang saya. :)

Tuesday, August 22, 2006

Nega

(-)



1. Makasarili ako

2. Tamad ako

3. Blacksheep ako

ang sama ng pakiramdam ko ngaun

Friday, August 18, 2006

Ode to my Family

Listening to
'Eraserheads - Sino Sa Atin'
and I am very very
Photobucket - Video and Image Hosting
happy :)

Hello 16/60 ako sa stat121 okey? Pero okey lang yun, babawi ako pramis, hindi ako mahihinaan ng loob. kayang-kaya ko to!!!!

Hindi ako mapapalungkot ng isang failing test lang, hng, babawi ako pramis please?

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Anyway, napakinggan ko lang yung old school na Ode to my family ng Cranberries at naisipan kong pasalamatan ang aking pamilya, yehey! Salamat sa grabe sa itaas at may pamilya ako na nagaaruga sa akin. Salamat :)

Photobucket - Video and Image Hosting

1. Papa Bear


Photobucket - Video and Image Hosting
Full Name: Ronnie Bituin Merjudio
//actually Bitoin yung spelling nun pero pronounced as Bituin.

Trivia: Siya ay isang rakistang tatay, naabutan ko pa sha dati na long hair sha at naglalambitin kami ni Jaja sa kanyang long hair para kaming sina Tarzan noon at habang hinahawakan namin ang buhok niyang mas mahaba pa kaysa kay mama lagpas baywang okey, sinasabi namin ni Ja: "Rapunzel Rapunzel! Let down your hair!". Isang araw, nagising sha at kaming lahat ay nasa sala. Dumiretso siya sa kitchen at kumuha ng patalim(knife) tas binulalas niya: "NASAN ANG LEON!!!!!??????" at napa WOAH kaming tatlo nila ma at ja at dumbfoundedbedazzled kami WTF sabi namin. Halatang nasa dreamworld pa si pa nung time na yun.

+: Matapang! Masipag! May sense of justice! Respetado ng mga tao, madiskarte.

-: Hot Blooded. Mainitin ang ulo. Nakakatakot magalit. Kayang pumatay ng tao pag nagagalit haha, takot ako sa kanya, i can never match his strengths, i can never live up to his reputation.

Influence: Dati gALit ako sa papa ko as in GRRRRRRR dahil ang lakas niya mamalo one time pinalo niya si Ja ng walis nabali into two yung walis okey ako naman dati pinalo niya sa palad hindi ko maigalaw kamay ko for about 1 week and i am crying like a sassy boy. pero untiunting naconvert sa respeto yung takot kong yun, habang lumalaki ako, lalo ko shang naadmire pero shempre may takot pa rin ako sa kanya hanggang ngaun, he is fearsome and ferocious like a lion. Influence niya sakin ang music, kaya nga rac pinangalan niya sakin tsaka nagugustuhan ko yung mga kantang pinapatugtog niya.

2. Mama Bear



this is my mama bear at ako yung bata na binibinyagan at napaWOAH yung pari nung sabihin ni ma na ROCK ang ipapangalan niya sakin. Ganun rin ang nangyari sa binyag ni Venoc. Sabi nung pari. WOAH TALAGA VENOC AS IN VENOC????????

Full Name: Edna Guzman Pangan
Trivia: Favorite na tita sha ng mga pinsan ko dahil nakakaaliw sha kasama minsan para shang college student haha! At mas malaki kao sa kanya at tuwing masaya siya, sumasaya rin ako ewan ko kung bakit, pag nakasmile sha masarap mabuhay!

+: Caring! Maaruga! Tinagalog ko lang! Cute! Nakakatuwa! Napakabuting tao! Masarap protektahan!

-: Nakakainis pag hinahighblood na sha pag sinesermonan na niya ako i just keep quiet like a holf in sheep's clothing. Sha ang laging sumisita sa akin dahil hindi ako maagang matulog.

Influence: Softer side ko. siya ang nagturo sa akin sa mga guardian angel guardian angel, mga wishywishywish at kung anuano pang kakyutan. Siya rin nagturo sa akin sa mga pray pray at sa abakadaegahaijakalamanaoparasatauwaya! at uhm, kinoconsult niya ako pag may malalang problema gaya ng studies, at behavioral problems.

3. Sister Kitten


Photobucket - Video and Image Hosting
Full Name: Madlyn Jazz Pangan Merjudio
//luge ako walang second name bakit sha meron, dapat second name ko RHOPHIE E!!!!

Trivia: Siya ang kapartner ko sa pangalan dahl kung ako ang Rock, siya ang Jazz! Magkasalungat irn kami sa marmaing bagay nung bata pa kami. kung ako gusto ko sa mainit na paligid, sha gusto malamig. Gusto ko yung pula ng itlog, siya yung puti. Gusto ko milo, siya gatas. Muntik na shang mawala nung 6 or so years old siya. Nasa Quezon kami nun at may kasal at magsstart na e stubborn little brat sha at gusto niya na umuwi at iniignore sha ni ma at akala niya kaya niyang lakarin mula Quezon hanggang QuezonCity hello e 8 hoiurs nga papunta dun e tapos mayamaya napansin namin wala na sha at nataranta na sila ma at umiiyak na si Ja nakaabot na sha ng sementeryo at pinagtatawanan na sha ng mga nagbibike na mga bata dun at sa sobrang swerte nga naman nakita siya ng isa kong tito at namukaan sha at yun kung hindi byebye jaja you are shotmac. yung picture niya sa taas, yan yung kasal na nawala sha hahaha wawang bata.

+: Creative! Matulungin!

-: Maarte! Payatot!

Influence: Nainfluence ko sha na maengganyo sa drawing. Nainfluence niya ako sa a, WALA!!!!! ewan ko, pagiging shotmac siguro.

4. Shotmac Bear



Full Name: Venoc (yun lang, kawawang bata panget ang pangalan huhuhu) Pangan Merjudio
Photobucket - Video and Image Hosting
//etong picture na to ang ginamit ko sa yearbook sa highschool so AKO TALAGA yung makikita niyo sa yearbook, hindi si VENOC TALAGA.

Trivia: Siya ang napagtripan nila pa na bigyan ng OHSOWONDERFUL name at kada teacher niya natatandaan agad name niya dahil unique na unique na kawawa naman sha panget name niya karhyme ng venoc manok enoc kokok noknok wawa. Ang name niya ay nagmula sa palabas dati noon na OKEYKAFAIRYKO na favorite namin dating panoorin at kasabay niya kasing isilang si VENOC na nasa OKEYKAFAIRYKO si OYOBOY yun e. Dapat Michael yung name niya e, kaso kumontra ako, sabi ko ang ramirami ng Michael pangalan. so nagkaroon ng dilemma, ano name nung baby? Venoc o Michael? Suggest ni Ja, Michael Venoc nalang! at it is a funny name okay? Pero in the end kawawa pa rin sha at najackpot niya yung Venoc na name huhuhuhu.

+: Masayahin! Pala-laro!

-: Puro Laro! Epal sa PC! Sinusumbong ako kay MA!!!!

Influence: A, pag pinagtitripan niya yung dalwa naming pinsan, nakikigaya ako nakakatawa e.

5. Hungry Holf


Name: Brownie LXII
//joke lang, brownie lang pero sa dinamirami naming asong naalagaan na brownie name, siguro pang ano sha... uh... lima o apat? at truly okey yung mga names ng aso namin e. pag lalaki, Brownie. pag babae, iba... yung isa Donya kasi maarte yung isa Ayag kasi gaya ng gaya. But Brownie is the only survivor and he is too old now he will die soon and we will take care of another Brownie.

+: LOYAL! SIGANG ASO SAMIN OKEY NO MATCH YUNG ASO NILA EGAY!

-: he's a yuck because he's old na.

6. Shotmac Fish <;)))><


Photobucket - Video and Image Hosting
Name: Mr. Shotmac tawag ko sa kanya pero wala talaga shang name.

Trivia: Kasing taong gulang lang sha ni Venoc at naaalala ko pa dati kasing laki lang sha ng daliri ko pero ngaun OMG he is malaki na pwede na shang ulam pag namatay sha. Yung dati namin alagang Tiger Oscar na black namatay e, tas kinain ni pa lasang tilapia raw.

+: nakakarelax tingnan! nakakaaliw pakainin! swerte raw!

-: randomly binubunggo niya yung aquarium kasi nagaanticipate sha ng food.

7. Mr. Bird



Name: Yung Ibon
Trivia: wala shang kwenta pinatay niya yung partner kulasisi niya, tas tinuruan niya pang tumakas yung isa pa naming ibon he is sly and nasty.

+: masaya yung huni niya

-: yun lang silbi niya, kung may ivovote out ako sa pamilya ko, YUNG IBON na yun. bakit, nasan ba siya nung kinailangan ko siya at kailangan ko ng kasama? Nasan siya nung nagdurugo ang aking puso dahl sa sakit na nararamdaman ko? Nasan sha nung sumasakit lagi tiyan ko at pinapainom ako ni ma ng ampalaya tea? tinulungan niya ba ako nun? nasan siya? nasa cage lang sha.. :|

Monday, August 14, 2006

Yes Yes Show

Hello, astig, maaring hindi kayo makarelate at makornihan kayo pero ang sarap panoorin uli. Ginawa namin to dahli wala lang, gusto lang namin at dahl masaya naman. Normal lang, naglipsynch lang kami ng dalwang beses, isa sa garahe isa sa sala. Kinunan ni Julia, kapatid ni Gino. Please tingnan niyo kung gaano kakomedyante si Jon. Siya yung kamukha ni BeeGees kalbo (yung kalbo sa beegees or atleast mapapanot na na nakaglasses rin tulad ni jon dito sa video, yung kumanta ng I started a Joke), pagmasdan niyo ang actions niya sa parte na

"Magaling akong kumantha!"

and he's really funny, nung nagposing siya nung time na yun, tingnan mo ako sa background na pinipigil yung tawa hahahaha. Ngaun iba na buhok ni Jon, parang sa leon na, kamukha na sha ni Josh Groban. Miss ko na Gangs op Komonwelt :)

Shanga pala, kalat yung part ko dito kaya wag niyo na lang pansinin hehehehe. Natatawa kasi ako kay jon.

CLICK TO SEE OUR VIDEO NA KYOT

Sha nga pala, pinalabas to nung sa Grad Ball nakakatawa nga e. Miss miss miss miss you you you you.

Saturday, August 12, 2006

Bye Julia. Happy Bday Jaja

Birthday ni Jaja ngaun hehehe... pero di ko na alam kung ilang taon na sha... basta 1st year college na sha. Tas si Julia naman, sa US na magaaral which makes us sad.

She's got sword in case tho this is not her lord incase the one who can't afford to face her image is restored to grace. Disappeared. No trace. Musky tears. Suitcase. The down turn brave little burncub bearcareless turnip snare rampages pitch color pages....down and out but not in Vegas. Disembarks and disengages. No loft. Sweet pink canary cages plummet pop dewskin fortitude for the sniffing black noses that snort and allude to dangling trinkets that mimic the dirt cough go drink its. It's for you. Blue battered naval town slip kisses delivered by duck muscles and bottlenosed grifters arrive in time to catch the late show. It's a beehive barrel race. A shehive stare and chase wasted feature who tried and failed to reach her. Embossed beneath a box in the closet that's lost. The kind that you find when you mind your own mysteries. Shiv sister to the quickness before it blisters into the newmorning milk blanket. Your ilk is funny to the turnstyle touch bunny who's bouquet set a course for bloom without decay. Get you broom and sweep the echoes of yesternights fallen freckles....away...

Wednesday, August 09, 2006

Stadium Arcadium, a Mirror to the Moon

currently listening to
'Red Hot Chili Peppers - Stadium Arcadium'
and feeling
Photobucket - Video and Image Hosting
thankful


ang lakas ng power ng music, kahit na may test ako bukas at magbabasa pa ako ng chapters 1-5 ng isang libro e okey lang basta naparamdam sa akin ng isang kanta (stadium arcadium) na masarap mabuhay wooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo. galeng galeng...

yung song mismo ay tungkol sa power ng music kung saan maguunite ang emotions ng mga fans ng RHCP habang kumakanta sila. ang galing, parang nageelevate yung spirit ko habang tumutugtog e, sa una creepy at malungkot... actually throughout naman parang malungkot yung mood e pero ang sarap pakinggan wooooooooooooooooooooooooooooooooo.

Photobucket - Video and Image Hosting

i miss ahm... i miss jon and allen okey i am not gAY and i dont care if you think i am gay but i am not gay okey i miss my friends very much i cant tell this to them face to face because they will say i am gay and they will laugh so terribly madly deeply doooooh they are true friends wala lang pati sina kev jek gino pan at si dizon (TEDEDEN)... please magsleep over tayo sa sembreak miss ko na kayo oo.

rami kong ginagawang self reflections these past days, parang ineevaluate ko yung mga actions ko at tinitingnan kung saan ako nagkakamali at bakit mali pa rin mga actions ko... example na lang bakit hindi ako magfocus kapag nagrereview ako, lagi na lang nakalog in ako sa TTA at naghihintay ng kalaro, tuwing naghihintay lang ng kalaro ako nakakapgaral omagad isa akong delingkwente as said by Sir Sze and he is right oh so right. tsaka marami yata akong nasasaktan ng di ko nalalaman... si little sistah, (dati yun, we came to an agreement na sha na from now on si big sistah at ako na si little brave brotha niya okey), nahurt ko ang feelings ng di ko namamalayan with such harsh words and she complained to me like a true complainant. Ganun yata talaga ako e, parang hindi naiingatan ang pagbitiw ng mga salita at actions kaya siguro may mga hidden galit skain mga tao. But me and sis are okay, she just got offended a little but she forgives but don't forget that's what she ssaid and i am sorrowful. after i logged out and i was thinking of other things at masakit na masakit na masakit na masakit ang aking ulo at utak at eyeballs kakaisip ng mga bagaybagay at napaluha ako like a true crybaby. matagal tagal na rin akong di lumuluha bwahahahaha. meron pa palang isang nagmessage sakin sa ym and she made me realize na nakakasakit ako ng ibang tao omagad im really a bad person inside and out and i have horns. Sigurado ako may isa pa akong nasaktan but that is a top secret and only personnels can access that well kept secret at di ko sha sasabihin kahit kanino kahit pa kay Eli Buendia e.



anyway... dati pa to pero wala lang... guess what this creature is, nahuli sa lambat ng isang japanese vessel sa may new zealand... this is a rotting corpse of a secret animal. alam ko yung type ng animal pero i wont say it to you it is supense it will haunt you in your dreams. this carcass wil haunt you forever now that youve seen it i sorry i have to do this. If you are really curious as a silly kitten or as a caper cat, search mo sa google o kaya sa wikipedia, Zuiyo Maru. :)

ang hilig ko talaga sa mga ganito , yung mga hoax ng UFO, ng Loch Ness monsters, ng Jersey Devil, ng uh... ewan basta yung mga kakaibang creatures na hindi naman maprove-prove thats why im sad. Pati pala mga hoax na mga crop circles, bermuda triangle and kalokohan jutah at yung mga misteries naman tulad ng mga moai sa easter islands at ng mga nazca lines at ng uh... whatever happened to amelia earhart etcetera. Goodluck na lang sakin sa test dahil mas nireview ko tong mga to kesa sa CS 124 GWAHAHAHAHAHAHAHA.

tangatanga nga pala yung mga sharks at whales na nasstranded sa lupa theyre tangatanga bakit sila napunta dun gusto ba nilang mapaslang but dolphins are different they know they cant live in land unlike bobo creatures like sharks and whales i hate sharks kaya ako takot sa dagat dahil sa kanila i have sharkophobia.

Saturday, August 05, 2006

Random Attack

Hey!

Mejo nahassel ako sa school. Wala pa rin akong natututunan. Laging wala yung teacher namin. Dapat yata Health Informatics na alng pinili kong stream. As usual, dahli stressed ako, kelangan ko nanamang maghanap ng mga bagay na ikagagaan ng pakiramdam ko, mga bagay na nagappasaya sa akin kahit panandalian lang. Bakit? Kelangan ko kasing maretain yung aking paniwala na masarap mabuhay. :)

Madalas masakit ulo koooooooooooooooooo, ewan ko ba kung dahil sa pagppuyat ko o dahil sa exams o dahl sa schedules kong kabighabighani. anyway...



ang saya magkaanak no? yun bang tuturuan mo sila ng mga bagaybagay, tuturuan mo silang matuto ng colors! ng beautiful eyes! ng meron akong lobo lumipad sa langit! ng close open! ng apir!, diba diba? Wala lang, isang araw kasi nakita ko sina E-em, JC at Christine (mga anak ng pinsan ko), kasama si Ate Alot. Tas wala lang ang cutecute nilang tingnan hahaha nakauniform sila at papapasok sa eskwela wahooooooooooo wala lang napangiti lang ako.

ang ulan, masarap pag umuulan!!!!! tsaka pag papasok ako sa eskwela, at nagaabang ng masasakyan at sobrang madaling araw mga 530 or 6 omagad, sobrang sarap ng hangin kapag ganung time, parang cottoncandy... haha. tsaka yung after the storm, maganda tumingin sa paligid, makikita mo na yung tubig ay dumadaloy sa mga kalsada (pababa kasi samin mejo may slope...) tas maiisip mo parang hinugasan niya yung maruming paligid. :)

si ma! natutuwa ako kay ma, haha... ganito kasi yun. habang kumakain kami nagkwento si venoc.

Venoc: Si Uday, hindi marunong magenglish nageenglishan sila nila Diday at Marjorie habang naglalaro tas si Uday ang kaya lang niyang sabihin "No", "Yes". Hahahaha. Mga normal words lang.
Ma: Ano gusto mong sbaihin niya abnormal words?

//hahahaha nakakatawa kaya... i secretly laughed at that one hehe

Lately nga pala, pinagsabihan ako ni ma, di na raw ako nagdarasal... a uu... naalala ko yung nabasa ko dati. Sa heaven, busy yung mga angels. may mga ibatibang room. Yung unang room, room kung saan tinatanggap nung mga anghel yung mga wish ng mga tao. Sa ikalawang room, dun naman nila tinutupad yung mga wishes ng mga tao, dun nila pinapadala yung mga alagad nilang anghel okay? Yung dalwang room na yun sobrang busy and the angels are working like mad dogs. tas may pangatlong room. Yung room na yun, halos walang activity na nangyayari, isang angel lang yung nandoon. Yung room pala na yun ay ang tanggapan nila ng pasasalamat.... nakakalungkot lang isipin, sa dinamiraming pinapakinggang mga hiling ni Grabe, konti lang nagpapasalamat.

//pero sa totoo lang, mejo bakla tong story na to, marami kayang nagpapasalamat sa kanya. oo. :)

mejo may mga nagbago sa routine ko... lagi na akong nagkakape (dahl malamig at ang sarap magkape pag malamig da best), lagi na akong nagcC2 (lagi akong nags-sneak out sa ref kapag tulog na lahat ng aking family, currently merong sampung C2 container sa ilalim ng kama ko omagad, red and yellow. green is yuck.) which could explain kung bakit mejo wala na akong pakialam sa madidilim na paligid, parang nakaadapt na yung pakiramdam at mata ko haha, 2-3 na ako natutulog gabigabi nooooooooooooo gusto kong ibahin talaga yung bodyclock ko pero mahirap. unanguna, insomniac ako tulad ni Ruth, kahit 10pm ako magsimula matulog, umaabot pa rin ng 1am or 2 or 3 or minsan 4 omagad okey bago ako makatulog, at sobrang nakakaasar yun, imajinin mo limang oras kang nakahiga sa dilim at sinasayang mo ang iyong 5 hours of life. pangalawangpangalwa, walang taong online kapag umaga, kapag gabi meron pa kaya may kausap ako kahit papaano. pangatlong pangatlo, mahirap gumising ng maaga.



GUSTO KO MAGPAHINGA HIHIGA AKO BUONG MAGHAPON AT SANA WAG AKONG PAGALITAN NI PA AT ISANG ARAW AKONG HIHIGA OKEY WALANG IISTORBO TAS PAPAKIRAMDAMAN KO YUNG SAPIN NG KAMA AT ITOY MASARAP SA APKIRAMDAM HABANG SUMISINAG ANG ARAW SA BINTANA AT MAY MGA DEW PA SA MGA HALAMAN SA LABAS AT KAHIT MAGISING NA AKO AY HIHIGA LANG KO DUN OKEY WALA NA SILANG PAKE KAHIT GISINGIN PA AKO NI JOMAR O KAYA NI JOHN LERRY NO I WILL JUST LAY HERE AND THINK ABOUT HOW BEAUTIFUL LIFE IS OKAY BUTI BUHAY AKO WAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO ANG SARAP MABUHAY SIGE HANGIN IHIP KA LANG HANGGANG SA TANGAYIN MO LAHAT NG MASASAMANG PAKIRAMDAM KO I WILL BE A BETTER PERSON PAGTAYO KO RITO MABABAWASAN LAHAT NG NEGATIVE TRAITS KO AT LALO KONG MAKIKITA KUNG GAANO KAGANDA ANG MUNDO OKEY EXCEPT SA POLLUTION OKEY WALA AKONG PAKIALAM SA SCHOOL HASSEL LANG YAN LET US LIVE LIKE FISHERMAN IN AN ISOLATED ISLAND WHERE WE CAN CATCH BOUNTIFUL OF FISHES AND KRAKENS AND THE WAVES WILL GREET US EVERY MORNING AS THE OCEAN GLIMMERS TO WELCOME OUR GENTLE PRESENCE OKAY TAPOS MAKUKUNTENTO NA TAYO DUN WALANG MAKINA WALANG HASSEL WALANG PATAYAN WALANG PERA LAHAT SIMPLE LANG BUT IT IS STILL OKAY DIBA YUNG ANG TUNAY NA PARADISE BASTA KASAMA MO MGA MAHAL MO SA BUHAY OKEY AT NAGLALARO KAYO NG TTA O KAYA NAMAN NG TAGUTAGUAN AT MAKIKITA MO YUNG MGA BATA MASASAYA AT MAGANDA ANG TANAWIN NG BUNDOK SA MAY KANAN YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO BUTI NA LANG BUHAY TAYO. :)

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com