Thursday, March 31, 2005

Creep

When you were here before
Couldn't look you in the eye
You're just like an angel
Your skin makes me cry
You float like a feather
In a beautiful world
I wish I was special
You're so fucking(very) special
But I 'm a creep
I 'm a weirdo
What the hell am I doing here?
I don't belong here

I don't care if it hurts
I want to have control
I want a perfect body
I want a perfect soul
I want you to notice
When I'm not around
You're so fucking(very) special
I wish I was special

But I'm a creep
I'm a weirdo
What the hell am I doing here?
I don't belong here

She's running out again
She's running out
She run, run, run run
Run

Whatever makes you happy
Whatever you want
You're so fucking(very) special
I wish I was special
But I'm a creep
I'm a weirdo
What the hell am I doing here?
I don't belong here
I don't belong here.




Masaya pakinggan yung kantang yan. Yung gitara lang at vocals. Parang umiiyak si Radiohead. Bagay pa sakken. Dahil oo creep lang ako compared sa crush ko. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! Yung acoustic, very yung nakalagay so wag yung may fucking yung idl niyo. hehe... Pag matutulog ka na, pakinggan mo lang to, tas maaalala mo kung gaano ka ka-creep...
Biruin mo, yung crush ko, hindi ako makatingin sa mata niya dahil sa ganda niya. Para syang isang anghel, naiiyak ako makita ko lang ang kanyang skin. haha. Sana ganun rin ako kaspecial katulad niya... But im a creep... :( deh. tinagalog ko lang.... haha. pero astig yang kantang yan... tsaka okey lang, ala naman akong pag-asa dun sa crush ko e. Simula ngaun, cocode-neiman ko siyang si "just like an angel, skin makes me cry" , hahahahahaha. Sa lahat ng crush ko, siya may pinakamahaba/magandang codename. d. Hindi ko na nga pala crush ano??? haha.

Walang klase ngaun kaya tinuloy ko na drowing ko para kai Axis07... binlackenwhite ko na lang sa photostudio(hindi phothoshop gamit ko e huhu), pangit yung kulai e. Bano talaga ako sa pagkukulai... huhuhu.

Image hosted by Photobucket.com

hehe. Kingdom Hearts Riku yan. at ngaun ko lang napansin kung gaano kapangit yung pagkadrowing ko nung hugis ng mukha tsaka yung mata... tsaka alam kong mejo may mali sa paa... tae uulitin ko... hahahahaha...

Tas may finals pa pala bukas sa CS21....(lec). Sana okey naman. Ayokong mag-summer, lec lang ako posibleng makabawi, lab sero na ako, finals pa lang sero na. Wala akong goodies (haha!!!! [block12]) na maiaalay sa prof namin. PLUS MORE.

UU nga pala, Congrats para kai pinsan kong si Jabog. Graduate na siya. :D woohoo!!!!!!

Tuesday, March 29, 2005

Rockstar

eto nga pala ang rockstar mo Mithi 07, kung meron kang reklamo, imessej mo lang ako, wala naman akong gagawin sa summer so pwede kong idrowing uli... heehee
Image hosted by Photobucket.com
at eto naman ang para sayo Bea 06.... hehe. kung di ka pa nacucutan jan, sabihin mo lang... pwede ko naman ulitin ulit. heehee.
Image hosted by Photobucket.com next time ko na lang ilalagay yung 8page na manga ko. Bwahahahahahahahaha! Atsaka Axis 07, yung Riku mo, post ko dito pag nagawa ko na.... hehehe, ayaw mo tong Rikku na to?
Image hosted by Photobucket.com
cge. sweetdreamt.

akala ko ba masarap mabuhay?

binili ni allen sa akin ung 60M ko sa Ragna for 2000pesos.... hehe. nice.

pwede ba ako magmura? kasi cool na tao mga nagmumura e, gusto ko maging cool kahit sa blog lang na to.
(at actually nagmumura naman talaga ako sa tunay na buhay, pero i didnt mean it, pramis)[waw inglish]

arg.... feeling ko kailangan ko na talagang magmura e.... pero cge.... wag na lang.... nakakaasar lang kasi week na to.

hindi ko namanlayan, na isa pa lang hell week ngaun.... ARG. URD. nakakawalang gana. buti na lang di ko agad nalaman kung hindi di ako makakatulog. hng.... sa totoo lang nawawalan na ako ng gana sa pag-aaral.... Kaninang umaga, 10am pa lang, nagtest na kami sa Math73 lec.... ark, sobrang ikli ng coverej pero hindi ko masagutan ng maayos lalo na yung let something be u.... (sori mama, sero yata ako ngaun sa test). GGGGGGGGG. At ang pinakakinainisan ko ay ang +C na kailangan idagdag sa expression kada magaanti-derivative ka.... [kung hindi ka block12 or math addict, di ka makakarelate]. sayang naman. hindi ko naalis sa utak ko yung pagkakamaling yun, parang gusto kong ibalik yung time. bwahahaha, o kaya i load uli. [if ever na may kapangyarihan akong magsave at load]. Tas 5-7 pm pa gaganapin yung exam sa Math73Lab... at nakalimutan ko pa ang formula ng DSolve... Anyway, nawawalan na ako ng gana magtype... (tungkol sa math)...
Habang nakaupo ako dun, gusto ko na lang malusaw, o kaya mateleport, o kaya uh.... lumindol.... hindi na kasi gumagana ng matiwasay utak ko nun e....

umalis na ako agad, hindi ko na hinintay si Noah, dahil may Exam pa uli kami bukas... CS21 Lec at CS55 Finals (ma'am Alib branch). arg. tuwing ganitong times ko lang yata naaalala si lord e. :( ndi naman, madalas lang ganitong times... urrrrr.

Madilim. Sobrang pangit ng Maynila. Mainit, maingay, mabaho, hindi ko maisip na eto pala ang capital natin... walang sinabi sa Quezon City. urd, so sumakay na ako ng FX, at masikip dahil macho yung mama na katabi ko. At nagbayad na ako ng barya... buti na lang may emergency pocket yung bag ko na puno ng barya. bwahahahaha! At dahandahan. Nahilo ako. Dahil tinry kong makatulog. Dahil nalalanghap ko nanaman ang aking medisinang iniinom. at dahil airconned yung FX... Arg. Gusto ko ng masuka... pero tiniis ko, matatag kasi ako e. parang oak tree ako. deh. heehee.... sobrang narelax ako pagkababa. Pero di pa pala nagtatapos dun ang aking hardships. Pagkatapos kong makipagsapalaran sa overpopulated na streets nung terminal ng tricycle e may panibago na naman akong problema. Yung driver nung trike ay nagssmoke. Tae. Hindi ba niya alam na may TB ako, at kasalanan ng mga tulad niya yun (at ng Maynila, sobrang dumi mo Manila ka.... mahiya ka naman)... at nasa likod niya ako. kaya nung pagbuga niya ng smoke(para siyang dragon sa isang chinese legend), pakiramdam ko ay nagsusugat ang aking lungs... ARG. Palagay ko maaga talaga akong mamamatay. Mas maaga pa kay jon. Ngawit na paa ko, pabalebalentong na akong naglakad papasok sa bahay. Ang sarap makauwi, relaxing yung sofa.... :D hay salamat.... pero bigla kong naisip... biglang kumutob ang aking puso, at tumakbo ng mabilis.... sa loob-loob ko, sigurado na ako na mafufrustrate ako kapag umasa pa ako na relaxing ang ulam namin. "Ma, ano ulam" "Gulay" Tededen....... gumuho ang aking mundo... dapat umiyak na lang ako kanina.... Gulay amp... ok lang sana kung hindi ako pagod pero pagod ako, k? At hindi ako papayag na basta ganunganun na lang.... kaya nagbukas ako ng tuna. yey. solb na. at tikoy pa pala. woohoo!!!! pero naimbyerna si pa kasi dakilang epal si Venoc, gusto rin niyang magbukas ng tuna.... arg. ayoko ng masapak muli. So tumahimik na lang ako, binigay ko na lahat ng tuna kay Venoc. sigh.... at ang pinakafrustrating sa lahat ay ng malaman ko na kami lang ang pinakamababa sa MP. hay nako..... gusto ko ng pumatay ng isang tao jan.... ung feeling teacher na NAGTUTURO TALAGA na walang kaexpreexpression ung mukha... sigh.... ayoko na magaral.... sana mas masarap mabuhay bukas.

Awee. (holy week)

Awee = Flower hahahahahaha....

Wednesday kami umalis ng bahay para sa Quezon. Nakarating kami dun after 6 hours yata. Astig, mabilis na yun compared last time na 13 hours. :D Traffic lang naman problema e.

Ayos yung tinutuluyan naming bahay dun, Kina tito ichad. Lahat ng nasa bahay namin makikita mo rin dun. Sira nga lang monitor ng PC nila… huhuhuhu. Tas walang computer shop malapit dun, pinasara na raw… sero tuloy MP(machine problem) ko. Astig dun, nagdatingan lahat ng tito at tita ko pati mga pinsan ko. Apat lang kakulitan ko dun, sina Apaw, Anet, Julia at AJ. (mga pinsan kong bata)

Kinabukasan, sumaka kami (meaning uh, pumunta kami sa linang at nagkuha ng kung-anu-anong resources na makukuha namin sa bundok.). Ayos dun, para makapunta kailangan jeep, matarik kasi yung bundok, masasayang lang kotse kapag yun ginamit dahil maputik. Yung jeep nga hirap pa paakyat e. Tumuloy kami sa pinsan ng papa ko, siya yung caretaker ng lupain ni papa dun. Haha! Ano makikita sa lupa ni pa? uh, palay, tas may tatlong baka, tas dun sa gubat part, maraming kaymito, buko, kakaw at kung anu-ano pa. Ang saya dun sa Samat (pangalan nung place), nanguha kami ng maraming star-apple at mura (coconut). Kumain kami sa dahon ng banana. Gwahahahahaha! Pero ako hindi, sa plato ako kumain. Tas si kuia milo, ako at si bryan pumunta dun sa gubat para manghuli ng ibon. Ang gaganda kasi ng mga ibon dun, last time binili namin yung nahuling limuhon (isang weird na nakakatakot na ibon) dun, buhay pa rin hanggang ngayon. Dinala ni kuya milo yung baril pero pangkal(bano) siya, di siya makatama ng ibon. Gwahahahahahaha! Astig dun sa gubat, sobrang laki ng mga dahon, kasing-laki na ng mga tao, tas marami pang anahaw. Kung iniwan ako nila kuia milo, siguradong ligaw ako dun) Tas kinahapunan, umulan ng malakas so nangangahulugan lang na kailangan naming maglakad pabalik!!!! Arg, bukod sa malayo na, maputik pa, matarik pa!!!! Kaya naghintay kaming humupa yung ulan para baka makasakay pa kami dun sa jeep (isa lang yung jeep na pabalik-balik dun). Nakipaglaro na lang ako ng agawan base sa mga bata! Hahahahahaha. Tas ang rule pag paalis na, kailangan lahat may dalang mura. Ang rami kasing kinawit nila pa na mura, 210 raw nakuha nila! WaW. Pano namin dadalhin yun? Kailangan yung jeep diba. Ako binuhat ko 8 na mura. Wahahahaha! Ang bigat sumakit ng todo yung palad ko. E nung naglalakad na kami (kasama ko ilang pinsan ko na nagbubuhat rin), biglang umulan ng sobrang lakas! Sobra talaga, as in na talaga, yun na yun. Sa sobrang lakas, pwedeng ipang-MTV, kulang na lang kumanta ka. Sa sobrang lakas, di ka makatingin sa dadaanan mo. Ginawa namin, sumilong kami sa isang abandoned hut. Hehe, tas habang nandun, pumitas pa ng mga kakaw sila Venoc (kapatid ko). At masarap pala ang kakaw, lasang atis, tas ung buto raw nun yung ginagawa cocoa. Hehehehe! Tas tumuloy na kami paghina nung ulan. Tas napagkadesisyunan na lakarin na lang dahil sa tingin nga ng lahat ay di na kayang akyatin yun nung jeep. Ginawa namin, iniwan naming lahat ng mura dun, dahil alangan namang dalhin pa namin yung 210 pieces na yun, edi nagmuka kaming ewan. Ipapadala na lang daw yun sa jeep pagbalik. Ang saya/hirap nung paglalakad namin. Isipin mo, umaakyat/bumababa ka ng bundok tas sobrang putik pa, masisira na nga yung sandals ko e kaya nagyapak na lang ako. Lahat kami nakayapak lang except kay Jaja(kapatid ko, nakasapatos). Si Anet, pasan-pasan ni Tito Ichad tas si Tito Osbet, tatlong beses nadulas!!! Gwahahahahahahhaa! Pinagtatawanan siya nung mga bata. =) Parang penitensya na rin namin yung paglalakad na yun. Ang sakit sa paa yung mga bato na matutulis. Okey lang sana kung puro putik e. May isang part dun (yung pinakamataas na part ng nilakad namin) na nung pababa na kami, di mo na mapipigilan sarili mo sa pagbaba dahil nga sa madulas na putik. Tas dun sobrang sumakit paa ko, akala ko may sugat na nga dahil sa mga epal na bato. Hehe. Tas after about 1 enahaf hours of walking, may narinig kaming makina. Yun na nga yung jeep. Ti-nry niyang umakyat pero nabara siya. Hahahahaha. Buti na lang nakita namin yung jeep, malayo-layo pa kami e. Kung tinuloy namin yun, aabutin kami ng madaling araw. Yun. :D

Pumunta kami ng Hondagua. Taga doon si Tita Melin (ngaun ko lang nalaman na Melin pala ang nickname niya, akala ko Menin. Arg.). May dagat dun, kaya dun kami pumuntang lahat. Masaya sa dagat, presko. Nakahuli si ma ng Seahorse, kulay orange. :D Galing. Tas sinubukan uli naming manghuli, ako, si ma, si venoc at si athan. Nakakita ako akala ko malaking hipon, tinuro ko kay ma. Sobrang bilis. Tas nahuli niya after a few attempts tas pinalo siya ng buntot na may tinik! :o Yun pala yung alupihang dagat. Parang shrimp na alupihan na kulay green na brown. :D Ang cute nga e, rare nga yata yun e. Pero sabi nila tinitinda raw yun sa palengke, nakakain raw kasi yun. Tas si Athan, nakahuli ng Yellow na crab. Galing. Ako nahuli ko Blue-green na Crab. Hehehehe! Tas nagtake turns kami sa pagsakay sa bangka nila tita melin. Maliit lang yung bangka, as in bangka talaga, de sagwan. Si tonton (anak ni tita melin) at si athan kasama ko nung namangka kami. Pumunta kami sa malayo to the point na hindi mo na makikilala yung mga tao sa may beach. Tas mababaw pa rin dun, kitang kita nga yung mga nasa baba e. May nakita kaming salabay (jellyfish) [at nakakamatay talaga yung mga salabay, last year may namatay raw e, ngaun may nasalabay, umiyak, hahahahaha, kailangan lang ng maagang remedy] na kulay violet! Tsaka ang raming sea urchin sa baba. Ti-nry naming pukpukin ng sagwan, hahahaha, tas natusok yung sagwan. Ouch, sobrang sakit raw nun, magkakalagnat ka raw kapag natusok ka nun. Yung mga nahuli naming starfish, bulok, kulay sand (camoflaj nya yun, muka talaga siyang sand).
Naaalala ko dati, nakahuli kami ng pinakamagandang nakita kong starfish, kasing laki ng kamay ko, kulay orange na malaki na may tusok-tusok pa sa bawat arms. Ang porma. Sayang nga lang, hindi nakabili ng pain para sa mga isda. Mamimingwit sana kami sa dagat e. Dati namingwit na kami e, para iulam namin, nakuha namin maliliit lang [may nahuli si kuya tonton, buteteng dagat yung tawag, mukang blowfish, kulay yellow yung lumolobo na part, may lason raw yun], mga walong fish. Wahahahahahahaha! Ang porma, ang sarap palang sumakay sa bangka. Tas hindi kami nakapanood ng Salubong. Last time , napanood ko (at may nakilala pa akong girl na kakill-allah nila Maan D. at Monica S.). Yung pinsan ko kasing si Jane yung gumanap na angel. Ginagawa dun hiwalay na maglalakad yung mga babae at lalaki, tas at some point magmeemeet sila (kaya nga salubong) tas kakanta yung angel kasama yung choir. Yung angel nakasuspend sa air. May sinasakyan yung angel na parang basket. :D Hindi nga pala ako nakasama sa prusisyon, wala kasi akong attire pangsimba… hehehehe!

Tuesday, March 22, 2005

Cuaresma

Waw! ang lamya ko nagbo-blog ako, siguro dahil wala na akong magawa sa internet ko. Ayaw kasing mainstall ng ROSE Online sakken e.... Arg. Urd. Sculd.

Hng, astig, may klase pa rin kami after holy week tas tadtad ng finals at requirements. Ang lamya nga lang kasi pupunta kaming probinsya (Lopez Quezon) tas sobrang zero ako dun dahil di naman ako close sa mga relatives ko. Sabi ni mama sakken one time, (baka) akala raw ng mga tita ko na mapagmataas ako, urd ba sila.... hindi yata nila alam kung gaano ako ka-shy. nakakalamya tuloy. kasi nung recently, nagvisit sila sa haus para sama-sama silang nanonood ng Paquiao-Morales Match tas hindi ko raw sila ginigrit. E nao-owkwardan lang ako kasi tingin lang talaga nila sakken shy ako kaya nasanay na ako na ganun. Nakakaasar kasi yung fact na pag nakakakita ng kakill-allah sina ma, biglang madidikit yung statement na "Galing Pisay yan, matalino yan." Arg ba? di nila alam kung gaano ako kabasura sa pisay. Bwahahahahahahahahahahahaha!

Yak. Pano ko titiisin bukas yung 8 hours na papunta tas 8 hours na pabalik, considering na may kotse na yun huh. Last time nga, nagtraffic as in kulang na lang kumain kami ng tanghalian sa mismong road dahil may nagkabanggaan yata na truck na dalwa. Astig dun, laging may banggaan. Inabot kami ng 13 hours. Jutah ba????

Ano ba kailangan kong gawin? Ano ba dapat gawin pag holy week? di ko alam e. Pray na lang ako. Gwahahahahahahahaha! Tsaka bat hindi na lang kami sa Pampanga pupunta? hindi tuloy ako makakakita ng mga nagpapapako at nagpapapalo ng blades sa likod. (yung isa kong tito, nagpapapako dati bwahahahahahaha!). Wala namang ginagawa sa Quezon e, kahit yata pabasa wala e. :o Pero cguro nga mas akma na dun kami magpunta in honor of my kapapatay lang na pinsan na si kuya adonic. Namatay cya last month yata dahil napagtripan lang cya ng isang mama. Sus,,, cruel world. Sana peaceful paguwi namin sana walang mangyaring gulo. Sana happy si God. Gwahahahahahahaha!

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com