Ang Paglilinis ng Kwarto ay Maihahalintulad ko Kung Paano Uunlad ang Ating Bansa Gwahaha
Currently Listening to: 'Thursday - Dying in New Brunswick' and currently feeling
lonely

proud

(wag ka makialam sa moods ko, buhay ko to haha)
Lonely ako dahil hindi ako sumama kina "Ang Tropa Block 12". Yun yung tawag nila JC Pasco (hindi si jc pascua to) sa barkada namin sa block12, "ANG TROPA",
kung iiinglish ko, parang, humanda na kayo, "Here is the gang!"... parang ganun naiisip ko pag sinasabi ni JC Pasco (hindi si JC Pascua to) na "Asan na ang tropa?"
Nakina Jenzen de Pata

so no choice ako kundi wag sumama. Sorry Jenzen, Mark (Isla, hindi si Runas o Dantes o Dizon), Noah, JM (Villapando, hindi si Arcilla, Roman kamag-anak mo ba to?), Dave...
hehe. at kung sino pa yung sumama. Sana nagi-enjoy kayo ngaun....
Haha... Pwede bang i-apdate ko ang Currently Listening ko na Stat?
Currently Listening to: 'Truth Boys - Leron Leron Sinta' and currently feeling
happy

oo may mp3 ako ng kanta ng Truth Best Friends. YEH!!!! langyang baboy na kanta yan, nakakatawa pramis....
ginawa ba namang emo-punk yung Leron Leron Sinta??? hahahahaha. di pa sakto yung mixing. hehehehe. tawang-tawa rito
mga pinsan ko pag naririnig nila. Sung by Truth Bestfriends namely Janze, Gino, Cholo... drums by Basil. heehee. galing...
Anyways. Ang ginawa ko ngaung araw na to... (kaya i feel proud) ay nilinis ko ang kwarto ko. For about 3-4 hours... whew...
Actually kaya nawalan ako ng gana na sumama sa 'sleep-over/basketball/swimming/sambahin ang greatness ni jenzen' ay dahil
sa sobrang pagiging preoccupied ko sa paglilinis ay nakalimutan ko na nga yung lakad. ard. sculd. At actually, hindi pa tapos.
So ang mga nalinis ko pa lang na part ay ang shelf directly above ng kama ko. Sobrang alikabok na pala nung taas nung shelf, niwalis ko pa...
yung box ng scanner (na nakalagay sa taas nun), tinubuan na ng empire ng alikabok, sobrang di mo na makikita yung nakaprint dahil
covered na siya ng dust. as in makapal na dust. as in oo, ikee yucky na dust. nakita ko dun mga old comics, waw, bashain ko nga yun pag alang magawa.
Mga test papers... iba bagsak, iba pasado. mga isang oras ko siguro nilinis yun. Bakit isang oras? Ganun talaga.
Inalis ko na ang cover ng bed. pareraS akin at kay venoc. oo pareras kami ng kwarto. nilagay ko lahat ng unan at kumot sa table sa kitchen.
(pagbukas mo ng pinto ko, kitchen agad.... haha.) tas mop dito mop doon. ginagawa ko yun habang pinapatugtog mp3 ko. Tas patuyo muna,
tas hugas ng pinggan habang kumakanta-kanta pa ng mp3s. hahaha. oo nga pala, ang sarap kantahin ng Nickel Creek - This Side. tas. Kalas ng comp,
punas ng comp table... iniba ko location ng drawer, yung scanner at printer, nilagay ko na sa baba. Tas yung carpet na elvis (regalo ni tito medel yay!)
nilagay ko under comp. Basically yun palang ngaun. Naookeyan ako sa kinalabasan. Relaxing pramis. Pagkatapos ng linis ng bintana, ligo.
Sobrang nakakarelax. Lalo na sa paa. Trivia: Alam mo ba na masarap magbasa ng paa, tas ikakaladkad mo sa tiles (tiles kasi yung flooring ng kwarto ko),
nakakakilig. deeeh. pag nagpagawa talaga ako ng bahay, di pwede kahoy na flooring... di masarap sa paa. :P Hindi pa nga tapos cleaning ng kwarto ko,
bukas lilinisin ko naman yung aparador, yung puti (yun tawag namin ni venoc dun sa isa pang cabinet na puti yung kulai)[example: venoc pakilagay mo nga to sa 'puti'],
yun. May problema ako san ko ilalagay yung peacock clock e, nawala yung sabitan niya :( natanggal kasi maharot sina venoc, nasagi nila tas nahulog. tsaka yung
poster ko ng ffx2... at oo nga pala. walang koneksyon yung title... actually yan nasa isip ko pero ayokong magsound like politika. isipin niyo na lang kung paano. kk?
hng... feeling proud talaga ako... kasi palagay ko yung iba sa mga kaedad ko ngaun na kabataan, hindi nila kayang gawin to e,
o kaya naman hindi nila talaga ginagawa. DAhil shempre puro aral, o kaya puro tv, o kaya puro barkada, o kaya puro shota, o
kaya puro yaya, mga rich kids kasi. Hehe. All around ako, pwede na akong magkatulong, nagmamalantsa ako minsan, di ko na lang namamaster ay ang paglalaba...
dahil bag ko lang nilalabahan ko. Hindi ko rin master ang pagluluto, alam ko lang pagsasaing, pagpiprito at pagiinstang noodles. haha!
Hanga ako kay Basil. Sobrang galing magluto. Nung outing ng opal, siya yung luto ng luto, pwede na talaga siya mag-asawa. :D
Oo nga pala may tinanggal ako na link sa list ng link ko, bawal kasi, for private use only. So kayo, wag niyo na iattempt URL nung kanya. kk? :D
oo nga pala, kung block 12 ka, at binabasa mo to ngaun, at kaklase ka ni rac the jilt sa comm2, pakitext naman siya (si rac) kung ibinalik na ung mga draffs.
diba freiday na dedline nun.... lamya ni ser. di pa niya binabalik....
Isa pa... Invited ako sa Friday!!!! Woohoo!!!! Parang nanalo na ako sa lotto!!! At kabday ko pa. :D Excited na rin ako tulad ni Kev. hahahahaha! At oo, tuturuan naming
magsalita yung baby!!! =)) tas DOTA!!!!! yay! papaslangin ko lahat kayo!
Isa pa... ang galing naman ng Literati... basically scrabble lang siya... tinalo ko si Laurice! Bwahahahahahaha! oye! Tsamba.

Basically, nanalo lang ako jan dahil sa first word ko. Nakikita mo yung word na Choruses? akin yun! nagbigay sakin for about 40+ sumthing point!
hehehehehe, na-use ko lahat ng letters. sobrang coincidence na ung tiles na nakuha ko sa first pick, nakaarrange na kaagad na CHORUS tas isang wildcard (yung white tile)
tas yun. heehee. akala ko nga given na kaagad yung chorus na word. Anyway... kung bawal ka matulog ng late, wag ka maglalaro nito, dahil nakakaadik. Tingnan mo si Lau,
adik na siya dito ngaun at may insomniac na siya.
Isa pa, since marami naren akong insomniac na kill-allah dito, tingnan natin kung madaig niyo ang aking kainsomniacan...
9 ako nagattempt na matulog. lastlast night. hulaan niyo kung anong oras ako nakatulog? 1:30 sumthing. basta alam ko 1, gising pa ako...
4 hours??? to think na nakahiga lang talaga ako nun, 4 hours akong nakahiga nun, tinatry ko magsleep. haha! gumulong gulong na ako at lahat...
baka kasi hindi ako nagdasal. hehe...
Isa pa... pagdasal natin si Pope at ithank. Hanga ako sa kanya. Biruin mo (plis biruin mo), halos buong buhay siyang nagsisilbi kai god? biruin mo yun? biruin mo sabi.
di ko kaya yun. malulusaw ako. mamamatay ako. tsaka di ko trip buhay niya altough sobrang marami siyang natulungan... kaw ba kaya mo? hindi ba boring yun? ewan. iba pananaw niya.
at next entry ko na lang cguro ikekwento yung creepy na girl. tsaka ang creepy na pinto. at creepy na fact. basta. masyado na kasing mahaba to e.
Bakit ba ang haba lagi ng mga entries ko? hindi ko kasi mapigilang magtype... pag nagtype ako, tuloy tuloy na, kung ano nasa isip ko nilalagay ko agad omagad.
adik na yata ako dito. sana pagtanda ko buhay pa tong blog na to tas mababasa ko mga pinagtatype ko rito. tas sobrang saya ng rapture na mararamdaman ko. tas parang nasa heven na ako nun.
iniimajin ko na ngaun na ngaun na. mabuhay ka blogspot! ikaw na ang buhay ko! nang dahil sayo, naprevent ko ang sakit na Nakatungangasascreenhabangnagiinternetaitis Syndrome. biruin mo?
Thankful ako! yay! lovelife na lang kulang ko!
Kailangan ko ng magkagirlfriend ngaun na ngaun na. Message mo ako sa ym kung gusto mo ng boyfriend na ngaun na ngaun na. rhophiehalul78. hahahahahaha!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home