Thursday, February 23, 2006

Ablaze

//version 1.0 lang to. mas mahaba dapat yung stanzas pero tinatamad na ako.

Ablaze!!!
Solving down the maze and the haze
Lacking any trace and the craze
erase

Respect!!!
Flunk the intellect and detect
Collect and select and protect
bisect

Expose!!!
Take another dose as it grows
Break his neck and nose as it shows
dispose

Dilate!!!
Battle with the fate at the gate
Don't forget to wait and to hate
migrate

Accuse!!!
All the lame excuse and your rues
You will have to choose and abuse
refuse

Aligned!!!
Things you have to grind you won't find
Everything behind though you're blind
unbind

Distress!!!
Don't be shy to mess and carress
Deal with current stress or for less
undress

Abode!!!
Follows that the code sets the mode
Even if the road has a lode
corrode

Monday, February 20, 2006

Purple Book

Image hosting by Photobucket
In love ako ngaun. Pero yung kinatha kong kanta kagabi, pang brokenhearted. Tungkol sa isang lalake na hiniwalayan ng babae, tas ang natira na lang sa kanya, yung 'love book' nila.

Lovebook - notebook/diary kung saan isinusulat ng dalawang magkarelasyon ang mga nasa isip nila at inirerecord ang mga memories. Balak kong gumawa nito kung sakaling magkaroon ako ng relationship. Diba.

Purple Book



Image hosting by Photobucket

Here I am
Stunned before the disbelief and irony
that we are shattered
A dying pulse
Of happiness and easiness, that was long gone
when we're together
A empty doll
A figurine that touched me once and went away
devoid of feelings
A purple book
All that's left to me, with all the past and dreams
we wrote together

Don't say goodbye
Don't say goodbye
You tainted me red
Don't say goodbye
Don't say goodbye
Or else I'll cut my veins
I'll scrape my heart
and liver (?? replacable by forever/so we won't sever, corny e... :|)

I'm your diary
of misery
though battered and scarred
I'll shout it gladly
to the lightning and the rain and
the clouds and the stars and
the flowers and the sun and
the spirits in the run.

Don't say goodbye
Don't say goodbye
You tainted me red
Don't say goodbye
Don't say goodbye
Or else I'll cut my veins
I'll scrape my heart
and liver (?? replacable by forever/so we won't sever, corny e... :|)

I'm your library of catastrophe
Though damaged and destroyed
I'll show it gladly
to the thunder and the storm and
the rainbow and the wind and
the mushrooms and the moon and
the dryads during noon.

I'm your diary of misery
I'm your library of catastrophe
Though battered and scarred
Though wounded and marred
Though damaged and destroyed
You'll not forget me.
I'll reach out to thee.

Sunday, February 19, 2006

TYMX

uh, thank you MX Babies, yun yung full title.

hindi ko alam kung anong mangyayari sakken kung wala kayo. Palagay ko magiging katulad ako ni Boy Bano na kelangan pang pumunta ng PC shop magissa at maki-feeling-close sa ibang mga tao para lang may makasama. Shet buti nanjan kayo. Haha, alala ko pa nung unang days aloof kaming tatlo nila noah at allen sa inyo kase nayayabangan kami sa inyo, at yun nga, nayayabangan rin kayo samen (o sakken more particularly). It is a GG world, buti naging okey tayo. Mejo tae nga lang dahl unti-unti tayong nalalagas. Kada isang sem, isang lagas na baby....


Hail Ivan the Apprentice, may follower na sha, si KILLER. may legacy ka na Ivan.

Si JM ay sobrang nakakatawa, tae sobrang nakakapanghinayang na lilipat ka na ng school, ang cool mo pa naman, ano na kaya mangyayari kina ivan at aaron at wafu pag nawala ka, ikaw ang nakaperfect sa kalat mastery at proud ako sayo, sobrang kakaiba yung mga trip mo, goodluck na lang sa buhay. Tae magseryoso ka na. haha.

Kung walang MX Babies, matagal na cguro akong lumipat ng diliman. haha.

Saturday, February 18, 2006

Last Tear for Lulu

feeling 'GG'
Image hosting by Photobucket

Ndi ko kilala sino si Lulu pero pag nagbabarbero ako ng bagong kanta kina Jeric, Gino at Jon, pinapadownload ko sa kanila ang Last Tear for Lulu na gawa ng the Rotten Oranges. Totoo. Mejo hindi dramatic yung lyrics tulad ng inaakala ko... pero okay na rin, pwede kantahin habang umiiyak.

Last Tear for Lulu

Our hearts are chained
Carrying the burden we did ourselves
I paint you everyday in a piece of paper
and magnified your eyes so you would see
that were not meant to be

Our hearts are tired
Running all the while to scream denial
I phone you every way to say I'm sorry
I'll be leaving soon with a bride-to-be
I hope you're happy for me

Chorus:
I kneel before you
Confessing all my sins
Our love's untrue
Fading down the drain
Of false affection
We'll never be the same
Goodbye Lulu

Our hearts are old
Tranquility and peace, and I'm so weary
I'll kill you everyday to find excitement
And bury you beneath my memory
A vale and your sanctuary

Our hearts are hiding
Covered with the webs of distrust, I'm calloused
I kiss you everyday and I feel nothing
So you should stop believing that our love will grow
A searing arrow of woe


Chorus:
I kneel before you
Confessing all my sins
Our love's untrue
Fading down the drain
Of false affection
We'll never be the same
Goodbye Lulu

Friday, February 17, 2006

Pag-ibig ay Parang Boomerang

Listening to 'my simulation of ANg Pag-ibig ay Parang Boomerang'
at currently feeling

Zero.

Aha... Nai-inspire akong gawin na tong kanta na to... Eto ang plano kong icompose dati pa na kanta if ever na magkaroon pa ako ng banda in the future, if ever if ever if ever.

So far - may mga fictional kanta ako na dapat icompose, na magbubuo sa unang album...., na ipopost ko isa-isa dito yung lyrics pag ginanahan ako, ngaun, lagay ko na lang muna yung mga parts ng lyrics...

List:
1. Dull Clouds - isang seryosong kanta na mejo punk siguro ang dating, meron na nito, check mo blog entry ko nung April 3, dedicated sa isang babae na naging parte ng buhay ko. Kinompose ko nung bday niya.... pero di ko man lang napakita sa kanya. it is a gg world. may cameo appearance pa ang 'Pag-ibig ay Parang Boomerang' dun...
LINK LINK LINK


2. Pag-Ibig ay Parang Boomerang - isang kanta na ililyrics ko ngaun. Tungkol sa tunay na pag-ibig, na kahit ihagis mo kahit saan, babalik at babalik sayo, inspired by chinovela: 'Stairway to Heaven', gwapo kasi si Cholo. Tsaka fave ni mama yun, tsaka napag-usapan lang namin na gagawa kami ng mukang gagong kanta tungkol dun... pero mas maganda kung mejo seryoso... at mejo dramatic. :)

3. Last Tear for Lulu - to follow. kailangan ma-inspire muna ako.

4. 3 Little Bears - to follow.... this is cute, inspired by Full House at Powerpuff Girls - Love Makes the World Go Round

5. All University Rejects - Swing Swing melody ng AAR, adapted by Bene of Ultimate Ruvijam Gang, kanta ng mga di pumasa sa UP Diliman na pinerform namin nung Farewell Concert... :|

My dreams of gold
A statue that's bold (oblation okey?)
And i am left
While my grades fall.

6. Salamin - isang okey na kanta, may chorus na ako, mahirap mag-isip ng verse pero okey.... goes like this:

nakita kita sa 'sang salamin
at mapupungay ang iyong tingin
ihip ng hangin
tumibok ang aking puso't damdamin
pinangarap na ikaw ay akin
hwag mo lang akong sisisihing
mahalin.

7. Grassy Fields - isang kanta na nagsimula sa pagpa-piano ko.... uh, mejo pambabae yung melody, at kelangan may violin dapat:

and i see you standing there,
with the sun and your golden hair
and i see you standing there,
with a smile and a pain to bear.

*quote from Entry 'Bye-bye Stress'
Music - aha, may bago akong kinocompose sa organ... Papangalanan kong Green Grassy Fields... :D Pinag-iisipan ko pa yung lyrics e... tungkol sa isang babae na nakatayo sa green grassy fields tas sinisinagan sha ng radiant sun tas sweet yung smile niya.... anyway, isang verse pa lang naman yung nacocompose ko sa organ... yung lyrics, di ko pa sinusulat... At masarap makinig ng mp3 na relaxing pakinggan... Instrumentals lalo. Masarap irn kumanta. Sobra.


8. Seraphim - mejo kelangan rin ng violin, at wala pa akong lyrics, melody lang dahil kinompose ko lang to nung nagsawa na ako sa paulitulit na pagtugtog sa organ ng paulit-ulit na mga piyesa... at alam ko napost ko na rin yun dito, pero di ko alam kung anong title nung entry, hahanapin ko pa. hehe.

*quote from entry Viviparous
5. Pianist - Grade 3 ako ng pagaralin ako ng mama ko sa Wenstein o Weinstein o kung anu man...
pinapili niya ako kung ano gusto kong instrument na matutunan at ewan ko ba kung bakit e.organ ang
pinili ko... Siguro dapat gitara na lang pinili ko, mas sikat yun sa girls e. At e. organ ang itinuro sakken.
iba pa pala yun sa piano... hindi ako marunong sa f-clef, pero chords marunong ako. Si jaja nga
pala ang naggitara. Shet baligtad choices namin. ^_^
Dalawang original composition pa lang nagagawa ko pero nakalimutan ko na yung una, kaya yung pangalawa...
na ginawa ko lang ngaun college ang okey. Wala akong maisip na magandang title.


9. Flashlight on Your Shoulder - no. this is a kalat mode. di ko to itutuloy. si gino, alam yata lyrics nito. haha.

eto na please, sana okey yung lyrics:

Pag-ibig ay Parang Boomerang

//Slow Phase, guitars lang at keyboards cguro
May nagtanong sa akin ano ang pakiramdam
kapag ikaw ay nagmamahal
akoy napangiti, namula pati labi
kumislap ang mata at kinilig hanggang paa

Aking nag-iisang pag-ibig, ika'y hulog ng langit
Ano ang gagawin mo pag tayo'y nagkalayo?
Hahanap ka ba ng ibang makakasama
o maghihintay tuwing umaga.

Aasa ba ako
Pag ikaw ay nawala
Buti't sinabi mo
Paalalang kayganda

Chorus:
Ang Pag-ibig ay parang boomerang
Itapon mo man hirang
Babalik at babalik at babalik at babalik at babalik at babalik at babalik
at
Ang pag-ibig ay parang Ferris Wheel
Nakakahilo man
Iikot at iikot at iikot at iikot at iikot at iikot hanggang
nandyan.

//change phase, enter drums pero light lang
Kapag ika'y nakita
Na may kasamang iba
At ika'y nawala

Di ko ramdam ang selos
tuloy ang aking buhay
pag-ibig ko ay tunay

nung minsang lumisan ka
lungkot ang nadarama
pero ngayon alam ko na

na

Chorus:
Ang Pag-ibig ay parang boomerang
Itapon mo man hirang
Babalik at babalik at babalik at babalik at babalik at babalik at babalik
at
Ang pag-ibig ay parang Ferris Wheel
Nakakahilo man
Iikot at iikot at iikot at iikot at iikot at iikot hanggang
Ang Pag-ibig ay parang boomerang
Ihagis mo man kahit saan
Babalik at pabalik ng pabalik dahil sabik ako'y adik at nagpanic mayrong antik
at
Ang pag-ibig ay parang Ferris Wheel
Nakakalula man
Iikot at iikot ng iikot ng malikot ako'y takot na malagot at matigok
bye-bye.
//Second voice na lang na nagfe-fade....
Ang pag-ibig ay parang cellophane
Ang pag-ibig ay parang apple juice
Ang pag ibig ay parang window pane
Ang pag ibig ay parang abacus...

Sunday, February 12, 2006

Wala Akong Buhay

Oo. I feel lifeless...

Siguro kelangan ko ng mag-quit sa pagmomoderate ng forums... Medyo nananakaw niya yung oras ng tulog ko e... Kahapon 3am na ako natulog kakagirl-talk kay wafoo, kaka-moderate, kakabasa ng x-men, kakaforums, kaka-downlaod ng map... hng... Pag ginising na ako sa umaga, forced gising, bali sobrang sakit ng likod ko at mata... laging parusa sakken ang umaga, nagiging bampira na ako. :|

Gusto kong magbago lahat sa buhay ko ngaun. Pag may pasok ako, puro aral lang at DotA inaatupag ko. Sa aral, mukang okey naman ang mga tests ko... so far, isa pa lang ung binabagsak ko pero Math74 nanaman yun.... arg... ayokong magthird time dito... kaya siguro kelangan ko ng magserious-gaming... hmmm... okey naman ang tests ko, mejo mataas yung mga grado: physics, bio, comsci 130(sana). Nakakalungkot lang dahil sa pagiging bampira ko, naka-miss ako ng lec test sa bio. Nagdurusa ako paggising ko isang kinaumagahan, biglang nagvibrate yung mundo ko, yun pala katabi ko ang xellphone ko (na inalarm ko pero pinatay ko rin nung inalarm sabay tulog ulit - hindi ko kayang pigilan to kahit anong method) at nagtext si Donnyboy...

'Rac, hindi ka ba papasok? Naguumpisa na ang test'

Biglang nakuryente katawan ko at tumayo, hinanap ang tsinelas ko at twalya... Sureball, hindi na ako aabot... pero may physics lab pa na kelangan kong abutan, wala pa akong report... arg. sana magbago na ako. Ayoko namang sisihin ang Guardian Angel ko. Oo, may guardian angel ako, sha ang tagapag-gising ko, turo sakken to ni mama. Pero minsan pinapahamak ako nitong Guardian Angel ko, tulad nga nung test sa Bio, di ako ginising. Mga apat na beses na rin akong lumalagpas sa dapat kong babaan pag nagcocommute dahil ayaw niya akong gisingin. Pinakamalayo ko so far ay sa Batasan, papunta kina Kevin. Paggising ko nun, nahulog yung daigdig tas nagisip ako ng matinong explanasyon bakit ako nandun, at kung nasa ako... Kung DotA naman ang paguusapan, hmmm... mejo tangatanga si IceFrog... tagal magupdate, mas okey pa dati... at nawawalan na rin ng gana mga kasama ko na nagreresulta sa Rikimaru na walang Perma Invis na naka Lothar's... hehe. Kaya ang bagong pinagkakaabalahan ko ngaun ay ang pagDL ng mga map sa wc3sear.ch

Sa bahay naman, hindi ko maituturing na pahinga ang Sabado at Linggo. Paggising ko sa umaga, sobrang sakit ng likod ko.... inuulit ko lang mga sinulat ko hehe... tas, paguutus-utusan na ako ni ma... pero okey lang yun, normal lang yun sakken... cguro, nagsasawa lang ako dahil pareparehas na lng lagi - pag freetime ko uupo na ako sa computer at maglalaro. Na ang consequence? Bagsak si Venoc sa dalwa niyang subject... Math at Science, actually hindi yata bagsak pero mababa... at nararamdaman kong ako ang may kasalanan nun. Sobrang masakit sa pakiramdam nung tanungin ni ma si Venoc na:

'Bakit ka ba nagkakaganyan?'

Pati ako, natusok sa puso, sa aorta at sa left ventricle. Dapat ay pati ako, pinangaralan na rin niya habang kumakain kami... Kailangan ko ng magbago. Hindi ito ang gusto kong buhay e. Hanggang pangarap na lang yata talaga ang nais kong pamumuhay malapit sa seashore, na presko ang hangin, na bughaw ang kalangitan, na okey ang mga ulap, na masarap mabuhay, na may nagmamahal. Puro kabaliktaran ang nasa buhay ko ngayon - mausok na paligid, kadiliman (7pm ako disimissed 3 times a week, last time 830 na ako nadismiss), pagaalala sa mga machine problem, pagiging mapag-isa, paulit-ulit na pamumuhay, puno ng teknolohiyang put*ng ina. hmmm... sorry sa mura, mejo nakakaasar lang talaga...

Lagi kong iniisip - mali ang kapanahunan kung san ako pinanganak, maling lugar, maling oras, maling mundo... ah... pero di ko alam, mashado na akong maraming pinagiisip na mga walang saysay na bagay.

Nawala na ang musika sa buhay ko, puro bulok yung mga naglalabasang kanta, pati mga mp3 ko, pinagsasawaan ko na. urge, sobrang haba na ng entry ko pero tutuloy ko lang to hanggat pwede.

Sinisisi ko ang mga taong TOTOO. ang mga taong nagimbento ng relihiyon, kotse, pulitika... san ba nila napulot yan... Anyway, pinakagalit ako sa mga kotse. Yung mga kaibigan ko, hangang-hanga pag may bagong kotse yung isa sa barkada namin... di ko alam kung bakit, dahil ba napapakita mo na mayaman ka? Hndi ba hassel magdrive? Hindi ba hassel yan sa kapaligiran? Nagmumukha akong uh... ano tawag mo dito... uh... environmentalist pero yun naman talaga ang gusto ko. AYoko yang mga daanan na yan, ayoko talaga ng taknolohiya... kahit tong computer na to, sinisipsip ang buhay ko... kelangan kong tigilan to.. GG.

Wala na akong energy... bukas may pasok nanaman, haharap nanaman ako sa mundong aking kinagagalitan at sobrang drama ko pa. Pinoproblema ko kung paano ako magigising ng effective sa alarm clock ko. Minsan nagkakaroon ng time na sobrang maraming pumapasok sa utak ko, masasamang bagay, masasamang lesson, mga pag-aalala, uncertainty, takot sa kinabukasan, mga bagay na inaasam, mga bagay na inaadmire to the point na nararamdaman kong kumakalog na utak ko. Wala na akong buhay. Isang naglalakad na makina, napako sa pang-araw-araw na gawain, palayain sana ako ng Grabe sa itaas - viviparous.

Friday, February 03, 2006

Friends (Come and Go)

Toxic ako. Ngayon na lang uli ako magsusulat sa blog ko. Mahiwaga ang buhay, maganda ang langit. Recently, unti-unting bumabalik ang mga pakiramdam na matagal ng nawala sa akin sa piling ng aking mga lumang kaibigan... :|

Listening to Jenzen (Girl Talk Kami)... at feeling
Image hosting by Photobucket
melancholic...

Hmmm, umpisahan ko sa pagkabata ko, there was Macmac. Aking kapitbahay at magkakaibigan kami nila Nico, Egay, Benjo, Patricia, Jaja (kapatid ko), Chris, kuya Bombet, Jabog etc... marami yan. Years na wala akong ginawa kung hindi magpakasaya sa buhay, Sa ngayon, wala na kong masyadong maalala sa mga sandaling magkakasama kami, ako ang umiwas sa kanila dahil nadarama kong papuntang mali ang landas nila... madrama ako...

GOK, ang aking pinakamahal na barkada. Sana nga makasama ako sa Friday sa overnight. :) Miss ko na kayo friends forever. PS. Jeric, wag mong sasabihin fabled na ang GOK, as long as naniniwala tayo sa isat-isa, hindi maglalaho samahan natin. I love you guys. Bakla ako guys. :)

Recent deduction --- allen santos. Mami-miss kita, ang sarap mong kasama e, kahit mejo magkaiba tayo ng prinsipyo sa buhay. Alam kong masaya ka sa girl mo ngayon, sana maging okay pag-aaral mo sa US. :)

Hmmm... ayoko na magdrama, wala naman patutunguhan. Anyway, kung may nagbabasa pa nito, may isa akong advice pangtanggal ng stress. Kada may chance ka na tumingala sa langit, tingnan mo kung gaano kabughaw ang langit at ang kagandahan ng mga ulap. Shempre ang corny ng mga ginamit kong salita pero eto na lang stress reliever ko ngaun. Ang ganda talaga pagmasdan, buti na lang hindi ako bulag... (cguro maglalagay ako ng isang entry dito tungkol sa mga bulag, hehe, sobrang misteryoso nila e). Salamt sa grabe sa itaas na gumawa ng magandang scenery. Nagtataka ako kung bakit nakakakita pa ako ng blue skies sa panahong polluted gaya nito... Wooooo.... blu Sky.
Edit: mas maganda kung may sanga at leaves ng puno sa foreground.



PS. Gusto kong mabuhay sa ibang mundo ng fairy tale dahil nabubuhay ako ngayon sa isang halimaw na mundong ginawa ng mga taong magpapadali raw sa ating buhay. Totoo silang lahat. Totoo ang mga kotse ako lang yata ang taong may ayaw sa kotse, totoo ang mga relihiyon, totoo ang mga pulitika.... :|

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com